Kabanata 7

6.4K 180 2
                                    

Kabanata 7

"I'M HOME." Pambungad na ani Zarik nang makarating ito sa condo nito.

Matamis namang ngumiti si Thalia nang marinig ang boses na iyon kaya mabilis siyang bumaba para salubungin ito.

Naroon kasi siya sa kanyang silid. Inaayos niya ang mga gamit niya dahil natanggap na niya sa sarili niyang dito na lang talaga manirahan sa condo ni Zarik. Isa pa, alam niyang ligtas siya rito at hindi siya matutunton ng kanyang ama kung sakali.

Naging maayos na rin naman ang turingan nilang dalawa ni Zarik. Matapos kasi noong dinalhan niya ng peace offering ang binata, naging malambing na ito sa kanya.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula iyon kaya heto't improving ang samahan nila ng binata. Mabuti na nga rin ito dahil ayaw niyang palaging nakikipagsigawan o nakikipagtalo rito. At aminin niya man o hindi, gusto niya ang nangyayaring ito sa kanya. Palagay niya rin sarili niyang may pagtingin na siya sa binata dahil sa sobrang sweet at maalaga nito.

Natatakot nga siya sa nararamdaman niya pero as if kaya niyang pigilan ang sarili gayo'ng nasa iisang bubong lang sila ng binata at silang dalawa lang.

"Oh, you're here. Tired from work again?" Nakangiting aniya sabay tuluyang lumapit kay Zarik na mukhang pagod na pagod sa trabaho.

Kinuha niya naman ang bitbit nitong leather business briefcase na madalas nitong ginagamit tuwing nagtatrabaho at ipinatong iyon sa center table sa living room ng condo nito.

Nakatitig lang din sa kanya si Zarik nang lingunin niya kaya naalarma siya.

"Do you need anything?" Tanong niya rito. "Right! Maupo ka muna riyan. Ikukuha kita ng maiinom." Aniya at akmang lalampasan na ito nang hawakan nito ang braso niya dahilan ng pagtigil niya.

"Thalia..." Sambit nito.

Humarap naman siya at ngumiti. "May iba ka bang gusto? Nagugutom ka na? Nagluto na naman ako kaya maupo ka muna riyan at magpahinga. Ipaghahain kita ng makakain." Saad niya at kumalas sa pagkakahawak nito sa kanyang braso.

Hindi na rin niya hinintay na magsalita ito bagkus ay nagdiretso siya sa kitchen para ipaghain ito ng dinner.

Napatalon naman siya't kamuntikan na ring mahulog sa kanyang kamay ang babasaging bowl dahil sa biglang pagsulpot ni Zarik sa kanyang likod at niyakap siya mula roon.

"Zarik naman eh!" Saway niya sa binata na mahigpit ang pagkakayakap sa kanya mula sa kanyang likuran.

Naramdaman naman niya ang pamilyar na pagtibok ng puso niya kapag magkalapit silang dalawa. Waring parang nagwawala sa loob ng kanyang dibdib iyon sa sobrang lakas at bilis noon.

"There. I feel recharged again." Malambing na turan nito sabay iniharap siya nito rito.

Itinago naman niya ang kilig na nararamdaman sa pamamagitan ng pagtataray.

"Anong tingin mo sa akin? Energy booster? Charger, gano'n?" Mataray na tanong niya sabay umirap.

His brows wagged playfully and his lips twitched sexily. "You can say that, sweetheart." Anito.

Kinurot naman niya ang tagiliran ng binata. "Ikaw talaga! Nananantsing ka lang naman eh." Gigil na aniya dahilan ng pag-igtad nito pero natawa na lang din at niyakap siya ng mahigpit.

"Ako lang ang ire-recharge mo, maliwanag ba?" Sambit nito habang magkayakap pa rin silang dalawa.

Kinagat naman niya ang kanyang labi dahil hindi na niya mapigilang ngumiti. Masyado na rin iyong eksaherado kaya naloloka siya. Grabe na talaga ang pagkabaliw niya kay Zarik. Parang aatakehin siya sa puso anomang oras.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon