Kabanata 22
"IHA, SIGURADO KA NA BANG PUPUNTA KA NG EUROPA?" Nag-aalalang tanong sa kanya ng daddy niya dahil ngayong sandaling ito rin siya nagpaalam na aalis siya ng bansa para sa ikatatahimik ng lahat... ang daddy niya na abala sa eleksyon ngayong taon, si Zarik, siya at ang magiging anak niya.
She wanted to live in peaceful without being a burden to anyone. Kaya rin naman niyang maging independent kung siya lang pero sa ngayon, hindi niya kakayanin na walang suporta ng pera ng kanyang ama dahil pagbali-baliktarin man ang mundo, kinakailangan niya iyon para sa anak niya. Ayaw din naman niyang magtrabaho roon sapagkat ayaw niyang ma-stress. Gusto niyang maging malusog ang anak niya kaya aalagaan niya ng mabuti ang sarili niya.
"I'm just bothered with your sudden decision anak. Alam kong malaki ka na, you can be independent on your own pero nag-aalala pa rin ako."
Ngumiti naman siya sa daddy niya. Sa buong buhay niya'y ngayon na lang niya muli naranasan na arugain ng kanyang daddy dahil puro paghihigpit, pagsisinghal ang ginagawa nito sa kanya noon. Maybe people really do changed when you started to open up to them. At nagbago lang naman ang daddy niya nang isiniwalat niya rito ang mga saloobin niya na hindi niya kailanman nagustuhan ang mga desisyon nito para sa kanya. At siguro'y naintindihan talaga siya nito lalo na sa nangyari ngayon sa buhay niya. Sa sobrang higpit nito'y nagawa niyang hindi sundin ang daddy niya na dumating siya sa puntong lumayas siya't heto nga ang naging resulta.
"Daddy, magiging okay naman po ako roon. Huwag na po kayong mag-alala. I'm not a child anymore. Tsaka gusto ko pong magsimula ulit. I want to think and moved on. I want to start a new." Aniya sabay hinawakan ang kamay nito para kumbinsihin pa ito.
Bigo namang ekspresyon ang iginawad sa kanya ng daddy niya. Waring hindi pa rin talaga nito gusto ang desisyon niya pero hindi na siya nito mapipigilan pa dahil magpupumilit pa rin siya kahit hindi siya nito payagan. Mabuti na lang talaga at napakadaling pakiusapan ng ama niya... kung hindi pa siguro nito nalaman ang nangyari sa kanya, siguro hindi siya nito hahayaan sa gusto niyang gawin.
"If you just told me who's the guy--------"
"I'm cool with that daddy. Don't say it. I'm fine." Agap niya para putulin ang anomang sasabihin pa ng ama niya.
No! She doesn't want his father to dig about that man. Kaya kung kinakailangan niyang ilihis ito at putulin para hindi mapag-usapan iyon, gagawin niya. Ayaw niyang maging big deal iyon... no! Not with his father dahil alam niya kung anong kayang gawin nito. He can play dirty when it comes to her... he can kill for her sake and she doesn't want his father to do that to Zarik dahil mahal pa rin niya ang binata't ama pa rin ito ng dinadala niya.
"But iha... that man hurt you. At ayokong nasasaktan ka. Hindi ka ipinanganak ng mommy mo para saktan lang, iha. At gusto kong managot ang lalaking iyon sa pananakit niya sayo." Madilim ang ekspresyon ng kanyang ama nang sambitin nito ang mga katagang iyon kaya ginapangan siya ng matinding kaba sapagkat nararamdaman niyang hindi ito titigil hangga't hindi nalalaman kung sino ang lalaking nanakit sa kanya.
"Daddy!" Kapagkuwa'y saway niya rito. Binigyan niya rin ang kanyang ama ng isang malungkot na tingin sabay umiling kaya kaagad lumamlam ang ekspresyon nito. "Stop it... this is not his fault. Wala po siyang kasalanan kung hindi niya ako magawang mahalin kasi alam po natin na hindi natuturuan ang puso at ayoko naman pong ipagpilitan ang sarili ko sa isang lalaki." Pagpapaintindi niya sa kanyang ama na tinugunan lang siya ng isang malalim na buntong hininga.
Niyakap naman niya ito dahil sa nakikita niya'y sumuko na ang kanyang ama. At nang kumalas naman siya'y hinawakan ng daddy niya ang magkabilang balikat niya at tinitigan siya ng matiim.
"Remember Thalia, I will do everything to protect you kaya ayokong nasasaktan ka. Ikaw lang ang anak ko kaya ayokong mapahamak ka. You are a precious gift your mom gave to me kaya please anak, you take care of yourself at balitaan mo ako sa lahat ng mangyayari sayo roon." Sambit nito.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (BS #1)
RomanceBook 1 of 11 WARNING: SPG | R-18 | Matured-Content Synopsis Brotherhood Series #1 Zarik Garcia made a brotherhood just for fun. It's started way back in college out of his boredom. Wala rin itong kapatid at ang tanging gusto lang nito'y mga kaibigan...