Kabanata 21
NAKAKUNOT ANG NOO NI THALIA habang mariin siyang nakatingin kay Freed na seryosong nakatingin din sa kanya. Hindi niya rin alam kung bakit siya kinakabahan sa kung anomang sasabihin nito pero siguro'y instinct na niya iyon kaya ganito na lang ang kaba niya para rito.
"A--Anong pag-uusapan natin?" Tanong niya bakas ang pagkabahala sa boses niya pero pinili niya pa ring maging matatag.
Pero bago pa ito makalapit sa kanya, nagulat siya dahil nagawa pa nitong ilock ang pintuan ng silid.
Naguguluhan naman siyang tumingin dito nang tuluyan itong makalapit sa kanya.
"Why did you locked the door?" Tanong niya rito pero sa halip na sagutin siya nito'y biglang nagbago ang ekspresyon nito... mula sa pagiging seryoso'y lumamlam ang tingin nito sa kanya na waring lubos na nag-aalala sa kanya. And she doesn't have any idea why he's acting different.
"Nathalia, this is a serious matter." Mahinang ani Freed na parang nag-iingat ito sa bawat salitang binitawan... maging ang paghina ng boses nito'y sobrang ingat din na parang ayaw na may makarinig dahil pawang sikreto nila iyong dalawa.
Hindi naman nagbago ang ekspresyon niya. Gulong gulo pa rin siya. Umiiling din siya dahil wala talaga siyang ideya sa maaaring ihayag nito sa kanya.
Ang tanging nasa isip niya lang ay may nakita ang doctor na sakit sa kanya. Ewan! Hindi niya alam dahil sa pagkakaalam niya'y maayos naman ang lagay niya. Wala rin naman siyang nararamdaman na kakaibang sakit maliban sa puso niya dahil kay Zarik.
Ano ba ito? Bakit ba hindi na lang siya diretsuhin ni Freed? Bakit mukhang ingat na ingat ito? At parang hindi rin nito masabi ng tuluyan ang kung anomang impormasyon iyon.
"Freed, ano ba?" Pagkuha niya sa atensyon ng binata dahil bigla na lang itong natulala at hindi mabigkas ang mga salitang gustong bitawan.
"I just don't know how to say it. Fuck." Frustrated nitong sinabi sabay hinilamos pa ng palad ang mukha nito.
Natawa naman siya dahil hindi niya akalain na magkakaganito ang binata. And this is her second time to saw Freed became frustrated as hell. Masyado kasing chill chill lang itong si Freed... maloko kasi ito't hindi marunong magseryoso kaya hindi niya maintindihan itong nangyayari rito. And gosh, she ended laughing at him.
Tumigil lang siya sa pagtawa nang umiling ito sa kanya sabay hinawakan ang magkabila niyang balikat.
"Thalia... please listen okay?" Kinakabahang anito.
Sinimangutan naman niya ang binata at itinulak. "Hindi talaga kita maintindihan, Freed. Ano bang pag-uusapan natin? Anong meron? May malala ba akong sakit? O may pagtingin ka na niyan sa akin kaya hindi mo masabi sabi?" Pabiro niyang sambit pero ngumiwi rin siya dahil bigla siyang kinilabutan sa huli niyang sinambit. Alam niya kasing hindi sila talo ng kaibigan niya at alam niyang may iba itong napupusuan kaya sumaltik siya sa hangin at natawa. "Oh right, I know it's impossible because I know you have a feelings for Nine. So what now? Ano ba 'yon? May sakit nga ako? Ano naman daw 'yon?" Dire-diretso niyang tanong.
"No. No." Mabilis nitong sagot habang umiiling. Kinuha rin nito ang dalawa niyang kamay at marahang pinisil pisil kaya nangunot muli ang noo niya habang nakatingin sa kamay nila. "Just promise me you will be calm. Promise me Thalia." Nagsusumamong anito kaya nag-angat siya ng tingin para tingnan ang mga mata nito.
Bumuga naman ito ng malalim na hininga at mukhang handa na rin itong sabihin sa sa kanya kung ano mang bumabagabag dito.
"I don't want you to get stress with the information I will tell you. Makakasama iyon para sayo..." Nag-aalalang anito sabay tumingin ito sa kanyang tiyan na ipinagtaka niya. "...at sa batang nasa sinapupunan mo." Pabulong na anito dahilan ng panginginig niya at parang bigla na lang ding tumigil ang pagtibok ng puso niya sa huling narinig.
![](https://img.wattpad.com/cover/50064128-288-k646035.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Her (BS #1)
RomanceBook 1 of 11 WARNING: SPG | R-18 | Matured-Content Synopsis Brotherhood Series #1 Zarik Garcia never expected his boredom in college to lead to something extraordinary. Out of a desire for companionship and loyalty, he created a brotherhood-a group...