Kabanata 2

8K 222 8
                                    

Kabanata 2

NATHALIA is very, very tired today because of her work now. Pinagsimula kasi siya kaagad ng boss niyang si Ashton Fabregas. Syempre hindi siya makatanggi. Baka kasi mawalan pa siya ng trabaho gayo'ng tinanggap na nga siya nito ng gano'n kadali lang.

Biruin niya nga namang pinasadahan lang siya ng boss niya mula ulo hanggang paa tapos tinanggap na siya nito? Ni hindi nga nito hiningi ang mga dokumentong kailangan dapat para sa trabaho niya. Pati resume niya mabilis lang nitong ibinasura.

Oh di ba? Ang galing kung paano siya natanggap. Pero masaya naman siya kasi libre na ang tutuluyan niya dahil may isang kwarto rito kung saan kapag wala kang matutuluyan o malayo ka sa bahay na tinutuluyan mo, meron silang inihanda para may matutuluyan ka't libre iyon. Syempre sino ba siya para tanggihan ang biyaya? Lumalapit na sa kanya, hindi pa ba niya tatanggapin? Kaya nang sambitin ng boss niya na tanggap siya'y halos tumalon ang puso niya sa tuwa lalo na ang parteng tinanong nito kung may tutuluyan siya.

Gustong gusto niya ngang yakapin kanina ang boss niya kaso hindi siya komportable sa lalaking iyon. Mukha kasing hindi ito mapagkakatiwalaan. Well, hindi naman siya nito minamanyak pero she smells him as a sick playboy kaya nasabi niya iyon pero mukha namang mabait si Sir Ashton kasi kung hindi, sana hindi siya nito tinanggap at wala sana itong pakialam sa mga empleyado niyang walang matitirahan.

'Yon nga lang, pinagsimula na siya kaagad. Halos kanina pa rin siya pamali mali sa ginagawa dahil wala naman siyang karanasan sa pagwe-waitress. Ano bang alam niya sa pagsisilbi sa iba? Ni hindi nga siya marunong sa gawaing bahay pero para mabuhay nang may kalayaan, kakayanin niya kahit mahirap.

"I'm so tired." Bulong niya sa sarili nang makapasok sa loob ng silid ng mga empleyado.

Natapos na rin ang maghapon niyang trabaho at sobrang sakit ng paa, binti, likod at braso niya. Ngayon lang niya talaga naranasan ang ganitong pagod at pakiramdam niya'y binugbog ang katawan niya sa sobrang sakit.

Huminga siya ng malalim. She realized that the life she wanted to be are very, very hard to reach and to attain. Kailangan niya talagang kumayod at maghirap para sa kalayaan niya.

Kung bakit ba naman kasi ang higpit higpit ng daddy niya? Matatanggap pa sana niya ang paghihigpit nito sa kanya pero nang sabihin nitong ipapakasal siya sa anak ng senador ang nakapagpawindang sa kanya.

Who the heck is his father to dictate her life? Alam niyang ama niya ito at kailangan niya itong irespeto. Pero buhay niya iyon at hindi siya papayag na masunod ang mga kagustuhan ng ama niya kung pagpapakasal sa hindi niya naman gusto ang usapan. Sapat na ang paghihigpit nito sa kanya noong mga panahong nag-aaral pa siya at ang mga naturang taon nang nakapagtapos siya. She's over with it now! Ni hindi pa nga niya nararanasang maging masaya sa buhay niya. Gusto niya pang mag-explore at ma-experience ang mga bagay na gusto niya. Kaso heto't pinagkakasundo na siya kaagad sa lalaking hindi naman niya gusto o magugustuhan man!

Curse her life! Iyon talaga ang dahilan kung bakit hindi na niya nasikmurang lumayas sa mansion nila. That's very disgusting for her to marry a man she doesn't want to marry.

Kung sana nabubuhay lang ang mommy niya, nasisiguro niyang posibleng hindi siya paghihigpitan ng ama niya.

"Mukhang hindi ka sanay magtrabaho, ah." Putol ni Gwen sa mga iniisip niya kaya nabalik siya sa tamang ulirat.

Ngumiti siya sa katrabaho niyang naging kaibigan na rin niya dahil ito ang tumutulong sa kanya kanina.

"First time ko tsaka salamat nga pala kanina." Sambit ni Thalia sabay naupo sa kama niya.

Lumapit naman ito habang nagtataka ang mga mata nitong tumitig sa kanya.

"Hindi ka ba talaga anak mayaman?" Kapagkuwan ay isinasalita nito ang laman ng iniisip.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon