Kabanata 9

6.2K 170 1
                                    

Kabanata 9

"GOOD MORNING, SWEETIE." Pambungad na bati ni Zarik sa kanya nang magmulat siya ng mata.

Matamis naman siyang napangiti nang mamataan ang binata na mukhang nakatitig kanina pa sa kanya habang siya'y natutulog. At nang napagtanto niya iyon, nagulat siya't itinakip ang kumot sa kanyang mukha at kinapa kung may dumi siya sa mukha.

"Damn you, Zarik. Ano bang ginagawa mo?" Reklamo niya sa binata na ngayon ay tumatawa na.

Mabilis naman siyang bumangon at nakabusangot ang mukha pero tatayo pa lang siya'y nahigit kaagad ni Zarik ang braso niya kaya napahiga siya't kinubabawan na siya ng binata.

"Where's my good morning kiss, sweetheart?" Nanunuyang tanong nito sa kanya.

Umirap naman siya sa ere at akmang itutulak niya si Zarik nang mahawakan nito ang kamay niya at ipinangko iyon gamit ang dalawa nitong kamay.

Lihim ding napalunok si Thalia nang basain ni Zarik ang nanunuyong labi nito gamit ang dila nito. And hell, nanubig kaagad ang bagang niya na parang gusto niyang tikman ang labi nitong mapula at mamasa masa na.

"Ano bang ginagawa mo?" Nakakunot noong tanong niya sa binata at pinanatiling iritado ang ekspresyon niya.

"Claiming my morning kiss?" Nakangising anito.

"At bakit sa akin ka humihingi ng morning kiss? Hindi ba dapat sa girlfriend mo?" Mataray niyang tanong pero hindi nakatakas ang pagbabara ng lalamunan niya sa huling sinambit niya.

Yeah, dapat isiksik niya sa makitid niyang utak na kahit kailan ay hindi siya magugustuhan ng binata. Empleyado lang siya nito at kaya lang ganito makitungo ang binata sa kanya dahil magaling itong maglaro ng mga babae. Oo, 'yon lang 'yon!

"I don't have a girlfriend. Who told you that I have?" Nakakunot noong sambit nito sa kanya.

Bakit nga ba hindi niya naisip na hindi naman talaga seryoso si Zarik sa kahit na kaninong babae? Malamang hindi niya girlfriend ang mga babaeng dine-date niya. Flings... oo, iyon nga ang tawag doon.

"Okay then, flings?" Turan niya rito kasabay ng pag-alis nito sa pagkakakubabaw sa kanya habang matalim ang tingin sa kanya.

"Galit ka?" Tanong niya.

Nawalan ng emosyon ang mukha nito. Bigla rin siyang na-guilty kahit hindi niya alam kung anong problema na naman ng lalaking ito.

"Wash up, baka ma-late pa tayo sa trabaho." Malamig na saad nito sa kanya sabay tumayo ito at mukhang aalis na sa silid niya nang hawakan niya ang kamay nito.

"What?" Iritadong tugon nito sa kanya.

Lumunok naman siya sa sobrang kabang nararamdaman dahil sa matalim na tingin nito sa kanya.

"Is kiss necessary in the morning?" Kapagkuwan ay tanong niya rito dahil kung isasagot nito ang 'oo', hahalikan niya ang binata kahit na nakakahiya iyon. Basta ba hindi na magalit sa kanya ito.

Umiling si Zarik sabay tinanggal nito ang kamay niyang nakahawak dito. "Forget it. I lost my mood. Just take a bath quickly so we can both go to work." Malamig na anito kaya bumagsak ang balikat niya.

Hindi rin makapaniwala si Thalia sa inakto ng binata kaya bago pa ito makalabas ng silid, malalaking hakbang ang ginawa niya para lang maabutan si Zarik sabay pinuwersa itong iharap sa kanya't siniil ng halik ang labi.

Ikinawit naman niya ang magkabilang braso niya sa leeg nito at nagulat na lang siya nang hawakan nito ang pang-upo niya't binuhat siya kaya naipulupot niya ang magkabilang binti sa bewang ni Zarik.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon