Kabanata 1

10.4K 251 13
                                    

Kabanata 1

"IKAW NA BATA KA! Saan ka na naman nagpunta? Galit na galit si Señor Romano dahil sa katigasan ng ulo mo, Nathalia!" Galit na sigaw sa kanya ni Nana Buena, ang kanilang mayordomang tinrato na niyang nanay.

Ngunit sa halip na pakinggan ni Thalia ang mga sinasabi nito, tinakpan na lang niya ang tenga niya sa sunod sunod na pangangaral nito.

Paulit ulit lang kasi ang mga sinasabi nito. Nabibingi na rin siya. Wala rin naman itong magagawa dahil kagustuhan niya mismo ang lumayas sa poder ng diktador niyang ama.

Nang hindi pa rin tumigil ang matandang ginang sa pananaway sa kanya, wala siyang nagawa kundi tanggalin ang dalawang palad na nakatakip sa dalawang tenga niya. Hinayaan na lang niyang magalit ito't pagsabihan siya kesa naman magtagal siya sa loob ng kanilang mansion.

Umuwi lang naman siya para kumuha ng gamit na kakailanganin niya para sa linggong ito. Kaya heto siya't agad kinuha ang backpack na dala niya, patuloy na nagpasok ng mga kakailanganin niyang mga gamit.

Unfortunately, Thalia doesn't know how to do chores kaya nagtya-tiyaga siya sa pagpuslit puslit patago sa kanila. At dahil alam niya naman ang pasikot sikot sa kanilang mansion, may ginawa siyang daanan papunta rito na hindi siya mapapansin na nakapasok.

And that's the brilliant Nathalia Cepeda.

"Ano? Aalis ka na naman? Saan ka na naman pupunta? Susmaryosep! Sumasakit na ang ulo ng ama mo sa ginagawa mong ito!" Pangangaral pa rin sa kanya ni Nana Buena.

Nang matapos siyang mag-impake, nagpunas siya ng pawis sa noo at nakapamewang na humarap kay Nana Buena na masama ang tinging ipinupukol sa kanya. Ngunit sa halip na matinag siya roon, nginitian niya lang ng malapad ang matanda.

"Nana naman. Alam niyo po kung bakit ko ito ginagawa. Ayoko po sa ginagawa ni Daddy sakin. Gusto ko pong mag-explore, mag-enjoy na hindi ko nagawa sa buong buhay ko dahil sa pagsunod sa mga utos niya." Malambing na aniya sa matandang ginang kasabay ng pagyakap niya rito.

Alam niya kasing kapag nilambing niya ang matanda, hindi siya nito matitiis. Tsaka alam niyang mahal siya ni Nana Buena kahit pa pinagsasabihan siya palagi. Ito na rin kasi ang nagsilbing pangalawang nanay niya nang mawala ang tunay niyang ina. Sad to say, namatay daw ito sa panganganak sa kanya kaya hindi man lang niya naranasan ang arugain ng totoong ina. Pero parati naman itong kinukwento sa kanya ng Nana Buena niya kaya pakiramdam niya'y kung nandito ang tunay niyang ina, mamahalin siya nito't aarugain. Nasisiguro niya ring hindi siya paghihigpitan ng ama niya.

"Nathalia! Huwag mo akong pinapaikot sa mga panlalambing mong iyan at hindi na iyan tatalab sa akin!"

Kumalas siya sa pagkakayakap at nakalabing tiningnan ang matanda. Isinakbit na rin niya ang backpack at ready to go na siya.

"Basta aalis pa rin ako! Kaya mauna na po ako. Pasabi na lang po kay daddy na bumisita ako." Nakangising aniya sabay mabilis na lumabas ng kwarto na parang hindi siya hinahanap ng kung sino.

"Nathalia!" Rinig niyang sigaw ng matanda habang patuloy siya sa paglakad takbo papunta sa madalas niyang daanan na walang makakakita.

"Miss Thalia?" Gulat na gulat na sambit ng mga kasambahay nila pero nginitian niya lang ang mga ito at inilagay ang hintuturo sa labi.

"Sshh." Pagpapatahimik niya sa mga ito na agaran namang tumango sa kanya.

Tumatawa si Nathalia nang makalabas sa mansion. Luminga linga rin siya habang nakapamewang dahil hindi niya alam kung saang direksyon ang tatahakin niya.

Pero kalaunan, napili niyang pumunta sa direksyong kaliwa kaya mabilis siyang naglakad takbo palayo sa mansion bago pa siya maabutan at makita nang kung sinomang makakakilala sa kanya.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon