Kabanata 10

5.9K 170 1
                                    

Kabanata 10

"YOU'RE VERY serious with that woman, bud. Paano ka nakakasigurong hindi siya masamang tao?" Pang-uusisa ng kaibigan niyang si Callix habang matiim itong nakatingin sa kanya.

Narito sila sa bar ni Ashton. It's brother time kaya heto't sila lang magkakaibigan ang nandito at walang sawang nag-iinuman hanggang sa malasing sila. And yeah, siya na naman ang nasa hot seat at wala naman siyang magawa roon dahil para sa mga kaibigan niya, buhay niya ngayon ang pinaka-interesante kaya siya ang pinag-iinteresan ng mga ito. Tss.

"Alam mo naman ang mga tao ngayon. Mapanganib. At mas kailangan kang mag-ingat dahil ika nga, mas mapanlinlang ang mga tao lalo na kapag may itsura. Just like Thalia, she's very beautiful." Pagsang ayon naman ni Landon sabay inakbayan si Ulysses at tumango naman ito.

Nagsalin siya ng alak sa baso niya at inisang lagok iyon. Kapagkuwan ay tiningnan niya ang mga kaibigan niyang makahulugan ang tinging ipinupukol sa kanya kaya umiling siya't bumuga ng marahas na hininga.

"She's harmless." Tipid niyang depensa dahil iyon ang nakikita niya kay Thalia.

Masyadong mahina ang dalaga. He can tower her if he wants to. Hindi rin ito marunong manlaban kapag nakorner niya ito. But something keeps bugging his mind... iyon ay noong una silang nagkita ng dalaga't pinaghahahabol ito ng mga naka-uniform na lalaki.

"But maybe not." Nakangising turan ni Ulysses.

Tumiim ang bagang niya't hindi nagustuhan ang paratang ng mga kaibigan sa dalaga. He's now doubting at Thalia, damn it!

"Bro, don't get us wrong but we're just worried about you. Masyado ka ng nababaliw sa babaeng iyon." Nag-aalalang sambit naman ni Evan sabay tumango naman ang lahat.

"And you let her work for you? Especially with the financial? Seriously, bud? Pinagkatiwalaan mo ang babaeng iyon ng gano'n gano'n lang?" Ani Khaled bakas ang tonong hindi ito makapaniwalang ginawa niya iyon.

"How come she knows it? Akala ko ba hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral?" Naguguluhan namang tanong ni Ashton habang nagsasalin ng brandy sa baso ni Landon.

"She's smart." Tipid niyang depensa.

Natawa naman si Nero habang ang mga kaibigan niya'y umiling iling na lamang habang nakatingin sa kanya.

"Come on! You got to be kidding me, bro. Kahit sinong highschool graduate hindi alam kung paano trabahuhin iyon kung hindi nakapagtapos." Sarkastikong pahayag ni Nero.

"She looks like she knows everything about accountancy." Sabad pa ni Ashton habang nakahawak ito sa kanyang baba at mukhang nag-iisip.

Sa totoo lang, gusto na niyang pagbabatuhin ang mga kaibigan niya pero hindi niya magawa dahil alam niya sa sarili niyang wala siyang patunay. Hindi niya kayang dumepensa sa mga ito dahil may katotohanan ang mga sinasabi ng mga ito. And the hell, wala siyang hawak na kung ano. Naguguluhan na rin siya at hindi niya alam kung dapat pa ba siyang magtiwala kay Thalia. Fuck! Why the hell he's smitten with that woman? Why the hell did he love her? And now, he's fucked up dahil wala na siyang pakialam sa mangyayari sa kanya kung meron man.

"Unbelievable!" Sarkastikong sambit naman ni Callix.

"Nag-aral din siya noong college. Tumigil lang daw siya during second year." Pahayag niya sa mga ito.

"Pero hindi mo pa rin maikakaila na parang alam niya ang lahat at mukhang nakatapos." Nakangising sambit ni Evan sabay nilagok nito ang scotch na nasa baso nito.

Hindi niya na kaya ito kaya pinukulan niya ng masasamang tingin ang mga kaibigan.

"Chill Zarik. We're not bad mouthing her. We're just stating a possible fact about her." Sambit ni Vander habang tinatapik ang balikat niya.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon