ISANG malakas na hampas ang ginawa ni Adam sa sobrang pagka-aburido niya sa kompanya niya, o sadyang frustrated lang siya sa kaganapan na nangyayare sa kanila ng kanyang asawa.
"How many times do I have to tell you Mr. Legaspi, We.need.an.understandable.and.clear.report?" sambit ng lalake na nagtitimpi sa kanyang pagsigaw. Ang tanging nasagot na lamang tuloy ng kanyang empleyado ay yumukod at magpaumahin.
"Go." Isang salita lamang ang lumabas sa kanyang bibig hudyat na dapat nang umalis ang lalaki at kung hindi ay masisigawan na siya nito. Dali dali syang lumabas ng opisina at kinuha ang mga dokumento.
Sa paglabas naman ni Mr. Legaspi, or should I say Ms. Legaspi ay napahinga lamang siyia nang maluwang. Akala niya ay masisisante na siya sa nangyari, muli niyang tinignan ang dokumentong hawak niya at nakitang ayos naman iyon at naiintidihan ng ordinaryong tao.
"Just understand him." Nagulat naman si Mr. Legaspi sa pagsulpot ni Trey sa kanyang harapan. Napatulala siya sa kagwapuhan ng lalaki kaya't hindi siya nakasagot agad.
"A-ah..." ngunit hindi niya naman na natuloy ang kanyang sasabihin nang makarinig sila nang nabasag sa opisina ni Adam.
"See.." saad ni Trey at pinaparating na may problema ang kanilang boss.
Tumango na lamang si Mr. Legaspi at saka nagpaalam na babalik na sa kanilang departamento. Tinignan na lamang ni Trey ang pinto ng kanyang amo at hinayaan na muna niya ito. Mahigpit na bilin ni Adam ang huwag mang-istorbo sa kanya, ilang araw narin itong ganito sa loob ng tatlong araw, hindi niya alam ngunit may hinuha siyang tungkol ito sa mag-asawa.
Napatulala naman si Adam sa pira-pirasong pigura na nagkalat sa sahig. Halos mabaliw na siya kakaisip kay Samantha simula nang umalis ito...Yes, umalis si Samantha.
"Adam..."mahinang sambit ni Sam at unti-unting nagmulat ng mata. Agad naman siyang dinaluhan ng asawa
"Thank God..." Pikit matang nagpasalamat si Adam at hinalikan sa noo si Samantha
"You need to take a rest, Sam sabi nang doctor---"
"I need space, Adam" pagputol naman ni Sam sa sasabihin niya at agad na nag-iwas ng tingin
"What?" ngunit hindi na nagsalitang muli si Samantha at tumungo lamang ang kanyang tingin sa bintana nila. Wala nang ulan ngunit sadyang malakas ang ihip ng hangin.
Kasing bilis ng mga pangyayare sa kanila. Bakit kaya ganun sa tuwing masaya ka na dun naman magkakaroon ng problema? Why can't we have the happiness that we want for a lifetime?
"You're leaving me again." Adam said with full of sadness and disappointment. Lumuwang ang pagkahawak ni Adam sa kamay ng kanyang asawa. Napapikit naman si Sam sa narinig niya, alam niyang mali, she should understand their situation both but she still wants to leave
"Why can't we have discuss this? Samantha naman, hindi lang ikaw ang nahihirapan. Can't you just understand me and stay by my side?" nanatili pading tahimik si Sam, tinatanya ang kanyang paligid.
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Gustuhin man ni Adam na magwalk-out ngunit hindi niya kaya dahil narin sa kalagayan ni Sam. Tumayo na lamang siya at tumalikod pumaharap sa labas ng bintana. Nakita ni Sam kung paano ang malalim na pagbuntong hininga ni Adam.