TwentyFour

6.2K 96 0
                                    

AWKWARD. Yan ang namutawi sa pagitan namin ni Adam ngayon sa kotse niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyare kanina or hindi pa lang kami nakakapag-usap ng matino. Napasandal naman ako sa upuan at pinikit ang aking mga mata.

"Do you want to eat?" Saad naman ni Adam at hinanap ang kaliwa kong kamay at hinalikan ang likod non. Napangiti ako, para kaming teenager kung umasta sa sitwasyon namin.

Umiling ako bilang sagot.

"You sure?" Paninigurado niya sa akin at tinuon ang tingin sa daan patungo sa bahay namin.

"Pretty sure."

Sa tatlongpung minuto namin sa biyahe ay tahimik lang kami, walang nagsasalita, tila parang nakikiramdam ang aming paligid. At nang makarating kami sa bahay ay bumungad sa amin si Daddy na nagsalubong agad ang kilay ng makita si Adam. Naramdaman ko naman ang pahigpit ng kamay ni Adam sa akin. Alam ko namang kanina pa siya kinakabahan, dahil namamawis ang kamay niya.

"Why are you here young man?" Saad ni Daddy at tumayo sa kinauupuan nya. Lumapit siya sa amin at tinignan ang aming kamay na magkahawak. Kaya't napunta naman ang tingin sa akin ni Daddy.

"I'm going to get my wife, Dad."

"No." Pirming sagot ni Dad. Nagulat naman ako duon dahil si Daddy din ang nagsabi sakin na mag-usap kami ni Adam para hindi na lumaki ang issue. I should be matured enough para harapin ang problema namin. Ang mga bagay na hindi pinag-uusapan ay lumalaki at kusa itong magpapalayo sa loob ng isang tao.

"Dad?" I questioned him but he just look at my room,signalling me to go there.

"Go, mag-uusap lang kami." I pouted kayat tumango ako at bumaling kay Adam, yumakap lang siya sa akin at hinalikan ang sintido ko

Dahan dahan kong tinungo ang silid ko. Nakita ko ang pagbabago ng paligid, mabilis, kailangan mong sabayan kundi mahuhuli ka ikaw ang talo. Hindi na nga ako bata para maging immature at mag-tantrums kung kelan ko gusto.

Magkaka-anak na kami at magkakapamilya na.

Minsan talaga kailangan mo lang tanggapin ang mga bagay kasi hindi lahat perpekto. May mga nagkamali at magkakamali. Pinag-isipan ko talagang mabuti kung ano yung dapat para sa amin ni Adam.

Napatulala nalang ako sa cabinet ko. Nandun pa yung mga damit ko nung bata. Napangiti ako. Akala ko nawala na to nung lumipat kami ng bahay.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan, malamang ay si Adam iyon. Hindi ko siya nilingon at pinakiramdaman ko siya.

At nagulat nalang ako nang makarinig ako ng gitara...

"Umuwi ka na baby, hindi na ako sana'y ng wala ka...
Mahirap ang mag-isa

Dahan dahan akong lumingon at kita ko ang nakasukbit na gitara ni Daddy

At sa gabi'y hinahanap-hanap kita...
Hanggang kaylan ako maghihintay na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap
At ikaw lang ang tanging pumapawi sa mga luha
At naglalagay ng ngiti sa mga labi...

Umuwi ka na, honey."

"Please, umuwi kana hon. Namimiss na kita. Hindi ko na kaya ang isa pang araw na hindi kita kasama. I'll make it up to you, pag-usapan natin ang mga gusto mo, but I'm begging you huwag na huwag mong hilingin na makipaghiwalay sa akin."

Inilapag ni Adam sa isang tabi ang gitara at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinignan ako sa aking mga mata.

"Mahal mo pa rin naman ako diba? Ako parin naman diba?"

Naiiyak na natatawa naman ako sa sinabi niya..

"Samantha, you're frustating me..." Pinagdikit niya naman ang aming noo. Ramdam ko ang hininga niyang malapit lang sa akin. Naamoy ko nanaman si Adam. Napakagat labi ako para mapigilan ang pagtangka kong panggigil sa kanya.

Sa tatlong araw na lumipas ay narealize kong dapat ko din palang isipin si Adam, ang kabiyak ko, ang kalahati ng buhay ko. May mga problema mang dumating, dapat pala'y higit kong isipin na hindi lang ako ang lumalaban, hindi lang ako ang nasasaktan. Naging makasarili ako, I close my eyes while tears streams down in my face.

"Adam.. I-i'm sorry..."

"No, Sam, I should be the one saying that. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na kita sasaktan muli but look what destiny is playing its role this time, I didn't keep my promise kasi nasaktan nanaman kita..." Naramdaman ko naman ang paghapit ng mga braso n Adam sa aking bewang,nanatili pa din akong nakayuko ngunit iniangat niya iyon gamit ang pagtaas sa aking baba. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, nangungulila, naghahanap.

And from the moment we met our gaze, my hormones is raging. Sa una ay idinadampi dampi niya lamang ang labi niya

"Adam..." I said in a husky voice but he keep still on what he's doing. He's tempting me!

"Say you will never leave me again..." Naramdaman ko naman ang paghapit niya lalo sa akin at ang paglagay ng isa niya pang kamay sa batok ko. Lalo tuloy akong nanghina at napahawak sa kanya

"Say it, Sam..." He said in a low voice. Hindi ko masabi dahil hindi ko na kaya ang pagtotorture na ginagawa niya sa kalamnan ko!

Magsasalita pa sana siya ulit ng ako na ang humawak sa batok niya at pinagdikit ang labi naman. This is heaven.

"Mine." I said while savouring his lips, I also feel na napangiti siya sa sinabi ko, kayat siya na ang nanguna sa halikan naming dalawa.

---
"You're nervous." I said to Adam nang hinawakan ko ang kamay niya. But he just look at me at ninakawan ako ng halik.

"Yes, maybe because of the thought that you'll leave me again after this."
Umiling naman ako sa kanya at ngumiti assuring that I will never leave him

"Sir De Vergara?" Pukaw naman samin ng nurse kaya't sabay kaming napatingin. Kita ko naman ang pagkatulala ng nurse sa asawa ko. Napasimangot tuloy ako, nakita siguro yun ni Adam kaya't inakbayan niya ko.

"Hon..." bulong naman sakin ni Adam na tila ba alam na kung para saan ang pagkilatis ko sa babaeng kaharap namin. Ngunit inignora ko lamang iyon

"It's me. So where is Doctor Hufana?"

"Sir, Doctor Hufana is not around, but ipinagbilin niya nga po ang pinaabot niya sa inyo." Then nilahad niya ang sobreng kulay puti. Napahinga naman ako ng malalim ng tanggapin iyon ni Adam.

"Thanks. I'll just contact Doctor Hufana that I already got this." Napatiim naman ang labi ng nurse ng banggitin ito ni Adam

"Si-sige po Sir." Napangiwi naman nitong tugon.

Tinitigan kong mabuti ang nurse na katapat namin , nakatingin siya sa sobreng hawak ni Adam at napahinga ng malalim. Then nung naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya ay napaiwas na lamang siya ng tingin at nagpaalam na.

"Hon..." Pukaw naman sakin ni Adam at nilahad sa akin ang kulay puting sobre. I just smiled at him again. Kahit ako ay kinakabaha kung ano ang resulta.

Kinuha ko iyon. At tinitigan niya naman ako. Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang loob ko.

Kahit ano man ang resulta nito, I will stick to my husband.

"Mahal kita..." Sabi ni Adam bago ko binuksan ang DNA Result.

---
TBC
Huhu. Sorry talaga! Hindi ako nakakapagupdate agad ha!

The Faithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon