Thirty

5.8K 90 2
                                    

HINDI ko na alam ang sumunod na nangyari. Sa pagkakatanda ko lang ay nakatulog akong muli ng maramdaman kong tumayo na ang lalaking may dahilan kung bakit ako nandito. Sinikap kong tumayo kahit masakit ang aking likuran ay akin itong pinilit. Bigla akong nakaramdam ng gutom, ang anak ko, huminga ako ng malalim at saka umupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung anong oras na, ngunit sa labas ng bintana ay madilim na.Naramdaman kong may taong paparating kung kaya't sinikap kong tapangan ang loob ko.

"Oh gising ka na pala?" saad ng lalaking naka cap sakin. Sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na siya, may balbas siya at bigote, nandiri ako. Matalim ko siyang tinignan.

"Akala mo naman madadaan mo ko sa ganyan mo?" ngisi niya sa akin.

"Nasaan ako?" garalgal kong tanong sa kanya. Ngunit iling lamang ang naisagot niya. At ngumiti ng sarkastiko.

"Kumain ka nalang diyan, hindi yung madami ka pang satsat!" galit niyang sabi at saka ibinalya ang pintuan saka lumabas. Impit akong napaiyak, nasaan na ba si Adam? 

Muling kumalam ang sikmura ko at saka ko napagpasyahang kumain. Kumpleto ang nakahain, may kain at prutas pati tubig at gatas ay mayroon. Nagtaka naman ako kung bakit ganito. Binalewala ko na lamang iyon at nagsimulang kumain.

---

"Boss, gising na..." tila nakahinga naman ng maluwang si Francis sa narinig niya. Hindi niya mawari ngunit tila may kakaiba sa babaeng iyon. Napailing na lamang siya at saka tinanguan si Man Danny.

Kabilin bilinan niyang huwag hahawakan ang babae, tanging siya lamang ang hahawak dito.

Tumayo siya sa kanyang kinauupan at nagsimulang magtipa sa kanyang cellphone.

"Hello," ani niya sa mababang boses.

"Nakuha mo na ba?" The person who is he talking must definitely smiling right now

"Yes, as you wish my princess..." he then smiled after saying that. Si Yanna nalang ata ang naging lakas niya para mabuhay.

Sa panahong hindi niya na alam ang gagawin ay si Yanna ang naging dahilan kung bakit pa siya nasa mundong ibabaw. Baliw na kung baliw, pero ganito niya minahal si Yanna, gagawin niya ang lahat para dito...kahit hindi pa siya ang taong mahal nito.

Napakunot noo siya ng may marinig mula sa itaas na ingay. Agad siyang nagpa-alam sa kausap at tinungo ang kwarto ng babaeng iyon.

"What the fuck?!" Angil niya ng makitang wala sa kwarto ang babae at nakita niya itong nakahandusay sa loob ng banyo.

Nataranta siya sa nakita at agad na inalalayan ito.

"Hey! Are you okay?" Tapik niya sa pisngi nito ngunit hindi na nito mamulat ang kanyang mata.

Binuhat niya ang babae at umungol ito at tila may sinasabing pangalan.

Dahan dahan niya itong binaba sa kama at pinatawag si Mang Danny

"What the hell is happening to you?" Niyugyog niya ang balikat nito ngunit munting ungot lang ang sagot nito.

"Boss?"

"Why is she like this? Where's Manang?" Kunot noong tanong ni Francis.

Napahawak nalang sa batok si Mang Danny "Boss, ano...buntis yan eh."

Bahagya namang nagulat ito sa narinig at mahinang nagmura

"Bakit hindi niyo sinabi?!"

---
WALANG tulog si Adam sa araw na iyon. Halos minu-minuto niyang tinatawagan ang mga contacts niya sa NBI. Alam niyang mali ngunit sila Rey narin ang nagsabi, para daw mapabilis ang paghahanap nila. Lumipas ang dalawang araw ng walang paring Samantha sa tabi niya.

Ang opisina niya ang tanging naging bahay niya sa loob ng dalawang araw na iyon. Ayaw niyang umuwi hanggat wala si Samantha. Pati ang kanyang trabaho ay pinaasikaso niya naman kay Trey. Tanging ang mga kaibigan niya lang at siya ang nakakaalam na nawawala si Samantha.

He sighed frustatedly, hindi na niya alam ang gagawin niya.

Napadukmo nalang siya sa kanyang lamesa at pilit na iniisip kung sino ang kumuha sa asawa niya.

"Man..." he heard Rey called him but he did not give any response.

"She's here." Agad siyang na-alarma sa narinig. Agad siyang napatayo at nakita ang babaeng natatakot at mula pa sa iyak.

Umiling iling lang ito. Tila ba'y alam na kung anong gagawin sa kanya.

"No, no please!! My son still needs me!" At agad nanaman itong umiyak.

Pinakawalan ito ni Rey. Agad niya itong nilapitan at galit na hinawakan sa magkabilang braso.

"Where. The. Fuck. Is. My. Wife.?" Diin niya sa bawat salita. Pati ang pagngitngit niya sa kanyang mga ngipin at nagtatagis na.

Iling lamang ang nasagot ng babae.

"Wa-wala akong alam. Please le-let me g-go." Lalo pang humigpit ang hawak niya  sa babae.

"You. Will. Not. Tell. Me?!"

Nakatanaw lamang ang dalawa niyang kaibigan sa kanya. Alam ng mga ito kung ano ang labis niyang nararamdaman.

"A-aaww..." daing ng babae.

"You choose lady, tell me or you will not see your son?" Isang nakakatakot na tono ang lumabas sa bibig niya. Alam niyang mali. May respeto siya sa mga babae.

Pero kung babae lang din naman ang dahilan para gaguhin siya at maging hadlang sa kanilang mag-asawa ay hindi niya ito sasantuhin.

"No please!!" Humagulgol na ang babae. Napangisi si Adam dito.

"Last chance. Choose." At lalo pang diniinin nito ang hawak sa braso. Umiling nanaman ito.

Napatawa naman ng mahina si Adam. Binitiwin niya ito at tinulak sa sahig.

"Huwag niyong ilalabas yan hanggat walang sinasabi." Galit niyang banggit habang dinuduro ang babae.

Nakahawak ito sa magkabilang braso niya. Walang tigil ang iyak. Hawak hawak na siya nila Rey ng bigla itong pumiglas at tumakbo palapit kay Adam...

"Sa-sabihin ko na, p-please let me be w-with my s-son!"

Matalim niya itong tinitigan at inaantay ang sasabihin ng babaeng isa sa sumira sa kanila.

"S-si Y-yanna..."

---
TBC.

The Faithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon