A/N: As requested. Enjoy!
---
"I AM SORRY..." yun ang namutawing mga salita sa kanya. Hindi ko magawang magalit, hindi ko din alam kung bakit. Wala na kong maramdaman na sakit, kundi awa sa taong kaharap ko. She is still crying, from the moment na nagkita kami ay sunud-sunod ang pagpatak ng luha niya.
"I am lost that time, and I also needed the money so bad. Si Mama ko ay nasa ospital at wala na akong pagkukunan ng pera. Alam kong mali, pero sumugal pa rin ako. Alam kong makakasakit ako, pero sumige pa rin ako. Pero sana maintindihan mo, Sam. Humihingi ako ng paumanhin sayo. Alam kong sobra pa ang pinadanas kong sakit sayo, sa inyo, I was also nowhere that time..."
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa lamesa. Malungkot ko siyang tinignan. Umiling lamang siya ...
"No, please, ako ang may kasalanan bakit kayo nandito sa sitwasyon na to. Kung hindi lang sana ako um-oo sa plano ni Yana, hindi sana nagkaganito, kinakarma na nga ata ako eh..."
"M-mia..." mahina kong banggit sa kanya. Dalawa lamang kami sa kwarto ko, si Caitlyn ay nasa kusina, alam kong kailangan naming ito para sa sarili namin.
"I'm really really sorry, Sam." At nagulat ako ng dahan dahan siyang bumaba at lumuhod sa harapan ko. I am shock from what she did.
"Mia! Ano ka ba! Tumayo ka diyan!" ngunit patuloy lamang siya sa pag-iling at pagsigok.
"Please, Sam, alam kong mahirap para sayo, pero sana mapatawad mo ko bago ako mawala sa mundong ginagalawan ko."
"W-what are you saying?" Tumingin lamang siya sa akin at mapait na ngumiti.
"I have c-cancer, Sam. And I don't know kung hanggang kailan pa ako. Y-yung anak ko pa..." muli nanaman siyang humagulgol sa harapan ako. Nagulat ako ng pumasok si Caitlyn, nanlaki ang mata niya sa nakita
"Cait, can you get me some water, please." Agad naman siyang kumuha. Pintayo ko si Mia, basang basa na ng luha ang kanyang mukha.
"Here." Saad ni Caitlyn at nilahad ang baso ng tubig.
Nang mahismasmasan si Mia ay inabot niya sa akin ang isang bracelet. Nanlaki ang mga mata ko ng makita iyon sa kanya.
"H-how?..."
"Si Yanna, ang nagbigay sa akin niyan, ipakita ko daw kay Adam at sabihing ako ang kasama niya nung gabing iyon. Hindi ko din alam kung paano nangyari na napunta sa kanya yan, Sam."
Napatulala ako.
Paano napunta sa kanya iyon?
"And Sam..." ngiting sabi ni Mia "The owner of that bracelet is your husband, Adam."
"What?!"
---
ADAM is heading to his Mom's house, umuwi daw ito galing States, nasabi lang ng kanyang pinsan at saka siya nagmadaling makapunta doon. He wants to surprise her mother. He suddenly open the car radio, and suddenly the music caught his attention
"Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabiy hinahanap-hanap
kita..."Napatulala siya. His brain says that he sang it before with someone. Buti na lang at traffic dahil mariing sumakit ang ulo niya. Napapikit siya at hinilot ang sintido. May dala siyang gitara non, may nakangiti sa kanyang babae ngunit malabo iyon sa isipan niya.
"Shit." Agad naman nawawala ang sakit nito pa-unti-unti. Nagpasalamat siya doon at agad pinatay ang radyo. Napa-iling si Adam sa nangyari. Why I am not happy at this moment? I am surrounded with people and yet I feel so alone. He sighs and continue to drive.
Narating niya ang kanilang bahay ng ligtas at nagpapasalamat siya dahil doon. Nakita niya ang isang kulay itim na sasakyan sa bahay nila, and it seems very familiar to him.
"Sir-" bati sa kanya ng isa nilang maid. Nagulat ito at nag-alangan itong ngumiti sa kanya. Tinanguan niya lang ito at saka nagpatuloy na naglakad sa sala.
"Please, I'm begging you..." narinig niyang boses iyon ng kanyang Mommy. Napatigil siyang maglakad dahil doon. At agad na nagtago sa gilid. Kasama nito sa sala ang isang lalaki at babae, kasama si Yanna? Nagtataka man ay hinintay niya muling magsalita sila
"How about my daughter, Mrs. De Vergara? Nasasaktan din naman ang anak ko."
"Anak?"he asks himself
"But Adam is not fully recovered, mas mainam na dahan dahanin natin ito, please. Sabi ng Doctor hindi daw makabubuti kung bibiglain natin siya." Paiyak na sabi ng kanyang Mommy. Nakita niya ang pag-iling ng ginang na kausap nila.
"Kelan naman ang oras para doon? I love my daughter, Amber. Kahit sinong Nanay ay hindi kayang makitang umiiyak ang kanyang anak. He also needs his husband..." Humawak ito sa kamay ng Mommy niya.
"Please let Adam know."At dahil don ay lalong napakunot noo si Adam. Hindi niya alam kung saan pero nagagalit siya sa naririnig niya.
"I am sorry--"
"Ano ang dapat kong malaman?" diin niyang banggit. Lahat ng nanduon ay napatingin sa kanya. Isa-isa niya itong tinignan ngunit napako ang tingin niya sa kanyang Mommy.
"ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN!?" gigil na saad ni Adam.
"Adam! Please calm down!" umiiyak na sabi ng Mommy niya. Napa-iling lamang siya.
"Again, Mom, ano ang dapat kong malaman?" kalmado ngunit galit ang tono ni Adam. Napahilamos ng mukha ang Mommy niya. Tinignan niya ito ng masama para sabihin nito.
"Y-you have a wife..." Napakuyom ang kamao niya.
"Who is she?"
"Our daughter..."Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Walang makikitang emosyon niyang sinabi iyon
"Samantha."
Samantha? Sam? The girl in his house?! The girl who brought his favourite food?!
"Why did you not tell me?!" inis niyang yinugyog ang balikat ng kanyang Mommy. He losts it. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.
"Mom! WHY!?" ngunit umiyak lamang ito sa harapan niya. Sa inis niya ay hinablot niya ang isang vase at saka hinagis ito sa pader.
He run fast to his car. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng mga tao sa loob ng bahay.
Agad niyang pinatakbo iyon ng mabilis. He doesn't care anymore if he is over speeding. He wants to see Samantha, na-alala niya pang buntis ito, does that mean he will be going to be a father? Napasigaw siya sa inis.
"Arghhh!!" Sinuntok niya ang manibela ng paulit-ulit.
Kahit wala man siyang ma-alala ay nararamdaman niyang may iba talaga siyang feelings kapag malapit ang babae.
Agad naman siyang nag-overtake ngunit ang hindi niya inaasahan ang isa pang sasakyan na sumalubong sa kanya.
"Asawa ko."
Then everything went black.
--
TBC.