ThirtySix

6.1K 95 2
                                    

MAHIRAP para sa akin ang ganitong sitwasyon. Para akong lutang sa paggising ko. Nakatingin sa kisame, ayaw kumilos, at hindi alam ang gagawin. I close my eyes. Please, bring back his memories. I sigh at agad na bumangon. Nagtungo ako sa kusina ng marinig ko ang pag-uusap ng dalawang tao. Kaya't nagtago muna ako sa gilid.

"Manang, who is she? It's obvious that she's pregnant. Is she a family friend?" What? A family friend? Sumakit ang puso ko sa narinig, pati'y ang baby ko ay sumipa sa aking sinapupunan.

"Ah s-sir..." hindi naman alam ni Manang ang kanyang sasabihin. Sasagot na sana ako ng muli siyang magsalita.

"I just don't want to see her face again. It creeps me out, Manang..." napapikit si Adam, napahilot sa kanyang sintido.

Hindi ko na din alam ngunit lumabas ako kung nasaan ako, I held his hand. Napatingin sa akin si Adam, mga matang nagtataka, agad niyang tinanggal ang kamay kong nasa braso niya. Umiling siya at agad na umalis sa aking harapan.

Nanatili akong nakatayo sa kung saan niya ako iniwan. Napalunok ako upang pigilan ang pagragasa nanaman ng aking mga luha.

"Akala ko ho ba ang tunay na pag-ibig ay hindi nakakalimot? Akala ko ho ba anga tunay na pag-ibig ay panghabang buhay? Pero bakit ganito?" Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Manang at saka lumapit sa aking gilid. Hinimas niya ang aking likuran at saka tumanaw din sa kung saan si Adam lumabas.

"Maging matatag ka, Sam. Unti-untiin mong intindihin ang sitwasyon. Walang may gusto sa nangyari at mangyayari. May mga bagay na ibibigay sayo para mas maging matatag ka at kung hanggang saan ang kaya mo para sa pagmamahal..."

Then a tear flows into my cheeks, again.

"Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi basta basta sinusukuan."
At sa puntong iyon ay napahagulgol nalang ako. Naramdaman ko ang init ng yakap ni Manang. I need this. A shoulder to lean on.

---
NAKATANGGAP ako ng tawag mula sa Mama ni Adam, nangangamusta siya, sinabi ko naman na okay lang ako. I also transfer sa condo namin. Yes, this is still ours. Inayos ko ang mga gamit. Nagpaalam na din ako kay Manang, nung una ay umayaw siya ngunit ay hindi niya rin ako napagilan, sinabi ko rin na wag niya itong ipaalam sa mga magulang ko. Gustuhin ko man alalahanin ang nakaraan ngunit di bale nalang, mag-aaksaya lamang ako ng oras doon at sasaktan ko lamang ang sarili. Ayoko ng maging mahina. Ayoko na, sawa na ko sa part kong iyon.

Naamoy ko ang mabangong niluluto ko. Agad kong tinungo ang kusina at pinatay ang apoy.
His favorite dish, kare-kare. Sana naman ay nanduon siya at maalala na niya ako. I sigh and sadly smile.

"Good morning, Mam!" gulat na tugon sa akin ng security guard. Agad siyang nagtungo sa akin

"Mam! Tulungan ko na po kayo!" Ngunit umiling ako.

"No need. Salamat! Andiyan ba si boss mo?"

"Ah-oho.." alanganin niyang sagot. Napangiti nalang ako at nagpasalamat muli.

Pati ang mga empleyado sa building ay nagtatakang nakatingin sa akin. Kimi silang ngumingiti sa akin.

Narating ko ang floor ni Adam, and I saw Trey looks so stress.

"Hi! Good morning!" Nanlaki ang mata ni Trey ng makita ako, natawa naman ako sa kanya. Mag-aalas dose na rin naman ng makarating ako.

"M-mam!"

"Oh? You don't need to shout." Nasabi ko sa kanya, napakamot naman siya sa ulo.

"S-si Adam?" tanong ko sa kanya
ngunit ngumiti lang din siya ng alanganin.

"Ah..eh...Mam, ano--" hindi niya pa man din natatapos ang kanyang sasabihin ay lumabas mula sa opisina si Adam.

Napangiti ako ngunit napawi din iyon ng makita kong may kasama siya at nakikipagtawanan pa siya dito... And lalo pang sumakit ang puso ko ng makita ko ang babaeng iyon,

"Sam..."

Walang iba kundi si Yanna.

The Faithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon