Nineteen

6.2K 92 1
                                    

ADAM



What is she doing here? Agad akong lumabas ng opisina at nakita ko si Trey na napatayo sa kanyang kinauupuan. I signal him to stop on what he will say

"Tell the guard I need my car, I'll be back after 30 minutes." Tumango naman ito at agad na kinuha ang telepono sa gilid

Habang papunta sa elevator ay nagtataka ako kung bakit kailangan niya pa pumunta dito. The result of the DNA test will be release after a week as per Rey. Gusto ko na ngang mas mapadali iyon para may ilaban na ko sa babaeng nag-aantay sa akin.

Nang nasa ground floor nako ay kita ko sa malayo ang pagtayo ni Mia nang nakita niya ako,

Madilim ang paningin ko nang makita siya lalo pa't may kasama pa ito.

"Why are you here? At sinama mo pa talaga ang anak mo?" Malamig kong banggit sa kanya ngunit hindi siya natinag

"Adam, we need you, our son needs you..." Sabay hawak niya naman sa kamay ko

"Don't touch me! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko anak yan!" I look at the kid who's currently looking at me

"Bakit niyo po inaaway ang Mama ko?"

I look at the kid, blanko ang tingin ko sa kanya. He's too innocent for this nonsense act of his mother.

Binalingan ko naman ang babae sa harapan. Napansin ko ding nakatingin na sa amin ang mga empleyado ko.

I cursed in my mind. Baka malaman to ni Sam lagot ako don. Iniiwasan ko din malaman niya ito dahil baka mastress din siya at kung mapano pa silang dalawa ni baby.

"We need talk but not here." Saad ko at nauna nang maglakad

Ramdam ko namang sumunod din sila, buti nalang at pinahanda ko na ang sasakyan at agad namin iyong tinungo. Pasakay na sana siya sa passengers seat nang hinarangan ko siya.

"Not there. That seat is exclusively for my wife." Napayuko naman siya at pumunta sa likuran kasama ang anak niya.

Naisip kong sa isang eksklusibong kainan nalang kami pumunta. Nang makarating naman na kami ay sumunod naman sila.

"Mama, bakit po ba tayo sumasama sa kanya?" Narinig ko naman ang batang hawak niyang nagsalita.

"Baby, behave muna ikaw ha."

"Opo Mama."

--
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sitwasyon, hanggat maari ay tinitimpi ko ang sarili ko na pagtaasan ng boses ang babaeng nasa harapan ko.

"This won't take long..."napatingin naman siya sa akin habang ang anak niya ay naglalaro sa tablet niya

"Why won't you believe me?" Saad niya naman sa akin

"Why would I believe you? At talagang sakin mo pa sinasabi yan? Tell me, why are you doing this huh?"

"He's your son Adam! Baka nakakalimutan mong may nangyare sa atin years ago." Tinitigan ko naman siya nang masama sa binaggit niya. Hindi ko na nga inaalala iyon dahil maayos na kami ni Sam

"I'm not stupid, Ms. Torres. That child is 5years old, and that happened a year and a half ago, so tell me how will I claim that child if you're talking nonsense?"

Ngunit sa pagkabahala ko ay bigla nalang may pumatak sa kanyang mga mata.

"A-adam, you don't remember, do you?..."saad niya sabay punas ng luha , taka ko naman siyang tinignan "...I was also the one that night..."

"What are you saying?"

Napaawang nalang ang bibig ko when she handed my long lost bracelet na bigay sa akin ni Dad nang nag-18 ako.

The Faithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon