Erros's POV
Pangalawang araw na ngayon na hindi ako pumupunta ng casa.. At isang linggo na rin mula ng mangyari ang gulong yun.. Kakabalik ko lang nun galing sa paghatid kay Issa sa bahay nila nang makita kong hinablot si Ana ng isang lalake.. I know them.. Malaking sindikato ang pinamumunoan ni Sed na syang may gusto raw kay Ana.. We're not friends, but we're not enemy too.. Ang alam ko lang maraming may gusto si Sed na nakukuha nito.. May mga waitress na din akong nagugustohan nito at binabalato ko narib dahil gusto rin naman nila.. Pero iba kapag si Ana na ang pinag'uusapan kaya lumapit ako..
Nakita kong pinipilit nila si Ana kaya nakialam narin ako, and Sed grab that opportunity.. That asshole!.. Matagal na nyang gustong makuha ang sasakyan ko at nakuha nga nito ng ganun lang kadali.. Wala namang kaso yun eh.. Like I said, it's just a car.. Sentimental man iyon sa akin, hindi naman kaya ng konsensya ko kung may mangyayaring masama kay Ana.. I don't know what's got into me.. Hindi naman ako ganun kay Issa.. I just feel that I should protect her.. That I should be there for her.. Nagugulohan ako kaya napagdesisyonan kong hindi na muna sya pansinin.. Dumating narin sa point na hindi na ako nagpupunta sa casa dahil gusto kong isipin at pakiramdaman ng mabuti ang nararamdaman ko..
Hindi man kami talaga couple ni Issa dahil pinagkasundo lang naman talaga kami, but still I'm not the type of men na kayang magloko sa isang relasyon.. Kaya kahit labag sa loob ko na iwasan sya ay ginawa ko parin.. And I know it made her confuse even more..
Nandito nga ako ngayon sa bahay ko pero ang isip ko nasa casa.. Na kay Ana.. Fuck! Ano na bang nangyayari sa akin? Nabaling ang atensyon ko sa phone ko na tumutunog.. It's Zein.. Ano naman kaya ang kailangan nito sa dis'oras ng gabi? Ngayon ko lang din napansin na malalim na pala ang gabi.. Ganun na pala ako katagal na nag'isip..
" Yes? " sabi ko pagkatapos kong sagotin ang phone..
" Is this Ana still working with you? " napakunot noo ako at napatuwid sa pag'upo ng marinig ang pangalan ng babaeng kanina lang ay laman ng isip ko..
" Ana Arenas?.. Yes.. Why? " kunot noo kong tanong..
" She's here in Black Ribbon dude.. Hindi ko alam na grabe pala ang pangangailangan nya.. And I can say that she is so hot.. Ang sexy nya pala kapag inayosan.. " halos hindi ko na maintindihan ang mga sinabi nito.. All I know is that Ana is in danger.. Alam ko ang Black Ribbon.. Fuck! Ano bang iniisip nya?
" Do me a favor.. Choose her.. Babayaran kita.. Just choose her.. I'll go there.. " hindi ko na sya pinagsalita pa at agad ko ng pinatay ang phone ko.. Alam kong gagawin nito ang sinasabi ko.. Bakit nya ba ito ginagawa?
--------------------------------------------
Ana's POV
Pagkatapos ng nangyaring yun hindi na ako pinayagan ni Erros na mag'part time pagkatapos ng gig ko.. Naghihinayang man ako sa dagdag kita ko kapag suma'side line ako bilang waitress hindi nalang ako nagpilit.. Alam ko rin naman na kapakanan ko lang ang iniisip nya.. At kasabay din ng pagdesisyon nyang iyon ay ang hindi n nya pagpansin sa akin.. Kinakausap nya nalang ako kapag kailangan pero hindi naman nakatingin sa akin.. Wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit sya ganun sa akin ay dahil sa kotse nyang ipinamigay lang nya ng dahil sa akin.. Iyon lang naman ang naiisip ko eh..
" Hoy kanina kapa nakatunganga dyan ah.. Problema mo? " nilingon ko si Lily.. Maaga akong pumasok ngayon pero hindi ko naman nakita si Erros.. Isa din iyon sa napansin ko.. Hindi na sya madalas pumupunta dito..
" May iniisip lang.. " sagot ko.. Nasa rooftop kami ngayon habang hinihintay ang pagbukas ng casa..
" Hindi lang pumapasok si Sir nagiging ganyan kana.. Ano ba kasing nangyari? " tanong ulit nito sabay tabi sa akin.. Wala din pala silang alam sa totoong nangyari noong minsang nagkagulo.. Hindi nila alam na ipinangpalit ni Erros ang mamahalin nyang sasakyan para sa akin.. Pagkatapos nga noon hindi na kami nagkausap.. Basta sinabi nya lang na walang makakaalam ng ginawa nya..
BINABASA MO ANG
The Lost Singer (COMPLETED)
RomantikHaciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song