Mine

14.2K 332 3
                                    

Ana's POV

Pagkatapos nang pangyayari sa loob ng powder room, bumalik na kami ni Erros sa party.. Wala kaming kibuan.. Hindi ko pa alam kung ano ang iniisip niya o kung ano ang plano niya.. Basta ang alam ko lang nabawasan na ng kahit kunti ang guilt feelings ko.. Agad sumalubong sa amin ang anak namin na si Era kasunod ang Mama ni Erros..

" Ma, bati na po ba kayo ni Pa? " tanong agad nito ng makalapit.. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na may samaan kami ng loob ng Papa nito.. Napatingin ako kay Erros na hindi nakatingin sa akin kundi sa anak lang namin.. Kitang kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya habang nakatingin sa anak namin.. Nakadama na naman ako ng panghihinayang.. Ganyan din sana niya ako tingnan hanggang ngayon kung naging matapang lang ako noon..


" Late na ba ako guys? " pare pareho kaming napatingin sa nagsalita.. Kahit dalawang taon na ang nakaraan, hindi parin kumukupas ang kagandahan nito..

" Issa.. " lumapit si Erros rito at hinalikan ito sa pisngi at agad akong umiwas ng tingin.. Parang may punyal na tumusok diretso agad sa puso ko.. Baka nga naging sila noong nawala ako.. Baka nga huling huli na talaga ako.. Napatingin ako kay Mrs. Gabriel na nakatingin din pala sa akin.. Pilit nalang akong ngumiti rito..


" Happy birthday Tita.. " bumati ito sa Mama ni Erros at humalik sa pisngi saka nagawi ang tingin nito sa akin at sa anak ko.. " Oh hi Ana.. Finally, you're here.. " sabi nito.. Lumapit ito ulit kay Erros at humawak sa braso.. Hindi naman pumalag ang huli bagkos ay hinayaan lang nito na nakahawak si Issa sa kanya.. I'm jelouse.. Ako dapat ang nasa tabi niya, ang nakahawak sa braso niya.. Ako dapat.. Ako lang.. Pilit nalang akong ngumiti rito kahit gustong gusto ko na itong irapan..



Hindi na humiwalay si Issa sa tabi ni Erros magmula nang oras na yun.. Tanging si Era lang ang palaging hinihila niya para ipakilala sa mga relatives niya, kaibigan at kapwa negosyante.. Para nga silang pamilya.. Parang si Issa ang Nanay ni Era.. Masakit, sobrang sakit na parang dinudurog ang puso ko.. Parang hindi ko matanggap na magkakaroon ng pangalawang Ina si Era.. Kitang kita ko pa naman na nagiging close na ang anak ko rito.. Pero ano nga naman ang magagawa ko kung yun ang kagustohan ni Erros? Wala.. Ipaglaban ko man ang nararamdaman ko, kung may nagpapasaya na sa kanya wala na akong magagawa doon kahit pa sinabi niyang mahal niya parin ako hanggang ngayon..


" The lost singer.. " napabaling ako sa nagsalita.. Sumalubong sa akin ang nakangiting lalake.. Gwapo din naman.. Naka corporate attire ito.. Kitang kita pa ang magkabilang biloy sa pisngi nito habang nakangiti.. Napakunot ang noo ko.. Have we meet before? Nabasa siguro nito kung anong iniisip ko dahil napatawa ito.. " Oh I'm sorry.. It's just that I'm just amazed of your voice.. Hindi ko lang alam kung bakit The Lost Singer ang bansag nila sa'yo.. Have you been lost all this time? Am I so lucky that I finally found you? " hindi naman ako nape'preskohan rito.. Medyo natuwa pa nga ako dahil hindi ako nagmumukhang tanga rito habang nakatingin kay Erros at Issa.. At least may makakausap ako dahil busy din naman si Mrs. Gabriel sa mga bisita nito..



" Bansag lang yan ng mga empleyado ko sa resto.. " sabi ko habang nakangiti.. May dumaan na waiter na may dala dalang mga inumin at kumuha ito ng isa para ibigay sa akin.. Atubili pa akong kunin ang baso dahil hindi naman ako umiinom talaga.. Iniiwasan ko yun dahil narin kay Era..


" Don't worry, lady's drink lang yan.. And by the way, I'm Gian.. Gian Valdez of Valdez High.. " kaya pala pamilyar ito.. Isa sa pinaka mayamang negosyante pala ang nasa harap ko ngayon.. Inabot ko ang kamay nito na nakangiti..



" I'm Ana Brenda Arenas.. " nakangiti kong sabi.. Marami pa kaming napag'usapan ni Gian.. Nakakatuwa rin kasi itong kausap.. Naalala ko rito si Drew.. Kumusta na kaya ang date ng taong yun.. Mamaya tatawagan ko yun pag nakauwi na ako sa bahay..



The Lost Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon