I Love You

11.4K 316 1
                                    

Ana's POV






Manghang mangha ang mga ka'klase ko nang makarating kami sa bahay ni Erros.. Nandyan na naman yung sinasabi nilang ang swerte ko dahil boyfriend ko si Erros.. Sa totoo lang hindi ko naman sila mga kaibigan.. Nagpapansinan kami, pero hindi ganun ka'close.. Ngayon lang talaga sila naging ganito sa akin.. Siguro kasalanan ko rin dahil mas pinipili kong mapag'isa kisa makipag'plastikan.. Si Drew lang naman talaga ang naging kaibigan ko dahil bukod sa magkaklase kami, kapitbahay ko pa ito..






Doon kami dinala ni Erros sa malaki niyang study room at muli, namangha na naman ang mga kasama ko.. Natatawa nalang nga si Erros habang ako'y hiyang hiya na dahil sa napakaraming tanong nila sa kanya.. Pero sa nakikita nakikisama naman siya at sinasagot naman ang mga tanong.. Maya maya lang ay kanya kanya na kaming naging abala.. Wala naman kaming naging problema sa gagamitin dahil pinahiram sa amin ni Erros ang mga loptop niya.. May mga libro pa siyang pwede naming magamit..






" Honey ikaw na muna ang bahala rito ha.. If you need anything just call me.. May pagkain na naman sa kusina kapag nagutom kayo.. I just need to check the casa.. " sabi niya nang makabalik siya galing sa pagpapalit ng damit.. Gusto nga niya sanang sumama pa ako sa kwarto niya pero tumanggi ako dahil nakakahiya sa mga kaklase ko.. At alam ko kaya kung bakit gusto niya akong sumama sa kwarto niya.. Napaka'malibog talaga..






" Nag'abala kapa, ako na sana ang naghanda ng makakain namin.. Tsaka sobrang abala na kaya kami sa'yo.. " sabi ko.. Nakangiti siyanng humawak sa mga kamay ko at bahagya iyong hinalikan..






" Anything for my soon to be wife.. " sabi niya sabay kindat pa.. Napalingon pa kami sa mga kaklase ko nang sabay sabaay silang tumili.. Nagkatawanan nalang kami ni Erros.. Hinila niya ako sabay yakap at naramdaman ko ang pghalik niya sa noo ko.. My ghad, ang galing talaga niyang magpakilig..






" Iiwan ko na muna kayo girls ha.. Itong wifey ko muna ang bahala sa inyo.. " sabi sabay baling sa akin na nakangiti.. Heaven na heaven na talaga ang pakiramdam ko..






" Wag kayong mag' alala Sir, kahit lamok hindi makakalapit kay Ana.. " pabiro pang sabi ni Marie na siyang kalog sa tatlo.. Napapailing nalang ako.. Mga sira talaga.. Nagpaalam muna ako sa kanila para ihatid si erros sa sasakyan niya..






" Are you really sure na okay lang na iwan ko kayo dito? I can stay if you want.. " sabi niya ng nasa harap na kami ng sasakyan niya.. Naparolyo ang mga mata ko.. Kung makapag'alala naman siya parang kung saan pupunta..





The Lost Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon