Ana's POV
Naalimpungatan ako nang maramdamang may humahalik ng mapipino sa labi ko.. Kunot noo pa akong tumingin at inaaninag kung sino ang humahalik sa akin.. Nakita ko ang nakangiting Erros sa harap ko.. Halos mag'uumaga na ng makatulog ako sa kakaisip sa nangyari kagabi sa pagitan namin ng Mama niya.. Agad akong naging emosyonal at niyakap siya ng mahigpit.. Alam kong ikinagulat niya ang ginawa ko.. Narinig ko pa ang pagtawa niya ng mahina..
" Hey, grabe ba talaga ang pagka'miss mo sa akin at umiiyak ka talaga? " mahina niyang tanong sa akin.. Hindi ako sumagot bagkos ay napaiyak pa lalo.. Niyakap niya nalang ako at hinayaang umiyak.. Feeling ko kasi magiging huling yakap ko na ito sa kanya.. Dumaan ang ilang minuto ng mahimasmasan na ako saka siya mahinang kumalas sa pagkakayakap sa akin.. Agad niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya.. Nakikita ko ang pag'aalala sa mga mata niya.. " Are you okay honey? May nangyari ba? " ang huli niyang tanong ang muling nagpaagos ng mga luha ko kaya mas lalo pa siyang nag'alala..
" I'm sorry Erros.. H-hindi ko naman sinasadya eh.. " mahina kong sabi sa kanya habang umiiyak.. Pilit niyang hinuhuli ang tingin ko..
" What really happened Ana? Nag'aalala na ako.. " sabi niya.. Napakagat labi ako.. Dapat sa susunod pa na linggo siya uuwi, pero malamang dahil nalaman niya ang nangyari kagabi ay agad siyang napauwi para awayin ako.. Muli akong yumakap sa kanya ng mahigpit..
" Hindi ko naman sinasadya eh.. Dapat hindi ko na sinagot sagot ang Mama mo.. Kasalanan ko- " hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinarap at nakakunot noong tinitigan ako.. Parang gusto ko na muling umiyak dahil sa nakikita kong reaksyon siya..
" What did you just say? Nag'usap kayo ni Mama kagabi? Nagpunta siya dito? " sunod sunod niyang tanong.. Napakunot noo narin ako..
" Hindi mo alam? Hindi ka biglang umuwi rito dahil doon? " balik ko ring tanong sa kanya.. Napabuntong hininga siya at binitawan ako..
" No, umuwi ako dahil namimiss na kita.. " gustohin ko mang kiligin dahil sa sinabi niya mas nangingibabaw parin ang kaba ko.. Napakagat labi nalang ulit ako habang nakatitig sa kanya.. Muli niya akong tiningnan.. " Anong ginawa niya sa'yo? Did she hurt you? " muli na namang bumakas ang pag'aalala sa mukha niya.. Umiwas ako ng tingin saka umiling.. Gayong hindi naman pala niya alam, bakit ko pa sasabihin.. Naramdaman kong hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap sa kanya.. Nagkatitigan ulit kami.. " Tell me Ana, did she hurt you? " muli niyang tanong na may kunting diin na sa mga salita.. Bumuntong hininga ako saka nagsalita..
" Hindi naman niya ako sinaktan ng pisikal.. S-sinabi niya lang na p-pera mo lang raw ang habol ko- "
" Fuck! Hindi talaga siya titigil.. " putol niya sa sasabihin ko at bigla siyang napatayo.. Nagulat man ako sa naging reaksyon niya pero mabilis ko ring nahawakan ang kamay niya kaya muli siyang napatingin sa akin..
" Erros wala namang kaso yun sa akin- " pero muli na naman niyang pinutol ang sasabihin ko..
" No Ana, hindi ka niya pwedeng bastosin nalang.. I know she will never stop until she saw you sufferring.. At hindi ako makakapayag ng ganun.. " galit siya.. Nakikita ko iyon sa mga mata niya at hindi iyon tama.. Kahit pa man may kasalanan ang Mama niya sa akin, hindi naman pwedeng basta niya nalang itong kamuhian.. Mama niya parin ito.. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.. Tumingin siya sa akin habang hindi ko mapigilan ang luhang naglandas muli sa pisngi ko.. Narinig kong napamura na naman siya..
BINABASA MO ANG
The Lost Singer (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song
