Ana's POV
Kahit pa man mugto ang mga mata ko ay pinilit ko parin ang sarili kong lumabas ng kwarto.. Kailangan ko pang pumasok dahil malapit na ang finals namin.. Ayoko namang magpaapekto pa sa mga nangyayari dahil makakaasira lang iyon sa fucos ko sa buhay.. Kailangan kong makatapos dahil pangarap iyon ni Nanay sa akin.. Kaya kahit inis ako kay Mama lumabas parin ako ng kwarto..
Walang tao akong nadatnan sa labas pero himalang may naiwan na pagkain sa lamesa.. Kanina pa rin naman ako gutom dahil hindi naman kami kumain ni Erros ng pauwi kami galing sa hacienda nila.. Nakalimutan ko nalang ang gutom ko dahil nga sa nangyari kanina.. Usually kasi wala na akong naaabotang pagkain pagkagising ko kaya minsan sa labas nalang ako kumakain.. Pero kakaiba yata ngayon.. Babalik nalang sana ako sa kwarto para magbihis ng pumasok naman sa kusina si Mama.. Nagkasalubong pa ang paningin namin pero ako nalang ang siyang umiwas.. Lalakad na sana ako ng magsalita ito..
" Kumain kana dyan.. Wag kang papasok na walang laman ang tiyan.. " sabi nito sabay alis na sa kusina.. Naiwan ako doon na hindi nakagalaw man lang.. Nagtataka ako.. Nananaginip ba ako? Kinurot ko pa ang braso ko pero naramdaman ko naman ang sakit kaya sigurado akong hindi ako nananaginip.. Nagtataka man ay kumain nalang ako.. Baka may dumaang himala bigla kaya biglaang nag'iba ang pakikitungo nito sa akin..
Nasagot ang tanong ko nang matapos akong kumain at nagpunta sa sala.. Agad akong natulos sa kinatatayoan ko nang makita kung sino ang taong nasa sala at kausap ni Barbara..
" Erros? " hindi makapaniwalang sabi ko.. Bakit siya nandito? Agad naman siyang tumayo at lumapit sa akin ng makita ako.. Nakakunot noo parin ako..
" Honey.. " sabi niya sabay halik sa noo ko.. Nakatingin parin ako sa kanya ng may pagtatanong.. " I came here to see you.. Pinagtanong tanong ko dyan sa labas at itinuro naman nila ako dito.. Sabi nga nila natutulog kapa kaya hindi nalang kita pinagising.. " pagpapaliwanag niya.. Napailing nalang ako.. Nandito na siya, alangang magalit pa ako..
" Wag kang mag'alala Ana, in'intertain ko naman ang boyfriend mo eh.. Diba pogi? " singit naman ni Barbara na kinindatan pa si Erros.. Pasimple ko pa itong pinasadahan ng tingin at napangiwi ako dahil halos wala na itong suot sa damit nito.. Maiksing short shorts at hanging shirt lang ang suot nito.. Napailing nalang ako.. Buti may tiwala ako kay Erros.. Pero sa isang 'to wala..
" Iwan mo muna kami.. " sabi ko rito na para pang nag'aatubiling iwan kami.. Kaya tinaasan ko na ito ng kilay, mabuti nalang at umalis naman ito.. Binalingan ko nang tingin si Erros na ngayon ay kunot noo ng nakatitig sa akin.. Hinawakan pa niya ang magkabila kong pisngi at pinakatitigan ako..
" What happened? Bakit namumugto ang mga mata mo? " shocks oo nga pala.. Iniwas ko agad ang paningin ko pero pilit niya naman akong hinuhuli..
BINABASA MO ANG
The Lost Singer (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song