Lucky

11.4K 294 0
                                    

Ana's POV





Kakahatid lang ni Erros sa akin sa lugar namin.. Hindi ko na siya pinatuloy pa dahil alam kong kailangan niya din namang magpahinga.. Alam ko rin naman kasing siya ang nagplano nang lahat kagabi dahil sinabi iyon ni Lily sa akin.. Ang hindi lang raw nito alam na para pala sa akin ang paghahanda ni Erros.. Habang naglalakad sa eskenita sa lugar namin ay hindi ko napigilang mapasulyap sa singsing na binigay ni Erros.. Ito ang sumisimbolo na hindi na ito basta basta isa lang relasyon na walang kasiguradohan.. Isa na itong makatotohanan.. Alam ko rin na kanina pa ako pinagtitinginan ng ilang mga kapitbahay.. Pero dahil masaya ako ngayon hindi ko muna sila papansinin..





" Aba, nagka'boyfriend ka lang sunod sunod ng umuuwi ka ng umaga.. Hindi mo ba alam na pinagtsi'tsismisan kana ng mga kapitbahay natin? Aba Ana kung magbibigay ka lang ng kahihiyan- " bigla itong natigil sa pagsasalita ng bumaling ako rito.. Pinakatitigan ko ito.. Bakit ba may mga taong mapanira ng nararamdamang kaligayan ng isang tao? Ang natitirang respeto ko nalang naman talaga ang nagpapanatili nila sa bahay ko.. Kinuha ko ang kita ko ng isang linggo sa wallet ko at inabot dito..




" Wag nyu hong pilitin na mawala pa ang katiting na respeto ko sa inyo.. Minahal ho kayo ng Tatay ko kaya ho nandito pa kayo kaya sana pahalagahan nyu yun.. " sabi ko pagkatapos kong iabot ang pera na kinuha naman nito.. Kung alam ko lang kung ano lang naman ang kailangan nito sa akin.. Pera lang.. Hindi ko na ito hinintay na makapagsalita pa.. Tumuloy na ako agad sa kwarto ko at humiga agad sa kama.. May ilang oras pa naman ako bago pumasok sa eskwela.. Bigla naman tumunog ang cellphone ko kaya dali dali ko itong kinuha sa bag ko.. Si Erros pala kaya napangiti ako agad.. Wala pa namang isang araw na nagkahiwalay kami namimiss ko na agad siya.. Baliw na yata siguro ako.. Baliw na sa pagmamahal..





" Hello.. " napakagat labi ako.. Miss ko na talaga siya.. Ang nangyari sa amin kagabi ang nagpapatibay pa lalo sa nararamdaman ko para sa kanya..





" Honey.. " napapikit pa ako nang marinig ko ang boses niya.. " Anong ginagawa mo ngayon? " tanong niya.. Narinig ko pa nay nag'ingay sa backround niya na para bang gumalaw siya sa pagkakahiga..






" Nakahiga lang.. Maya maya lang pupunta na ako sa school.. " sagot ko.. Narinig ko pa ang mahihina niyang paghinga..






" I missed you.. So much.. " napakagat labi ulit ako at napangiti.. Siya lang ang nagpapasaya sa akin ng ganito..






" Ako din naman.. Pero kakahiwalay lang natin para tayong tanga.. " natatawa kong sabi..






The Lost Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon