Ana's POV
" Ana! Lecheng bata 'to.. Tanghali na hindi parin gising!.. Siguro inumaga na naman sa pangla' lalake.. Hoy! Bumangon ka dyan ng makapagluto ka naman.. Palamunin kana nga dito sa bahay asal senyorita kapa! "
Napabuntong hininga nalang ako.. Araw araw ganun ang eksena dito sa bahay.. Sa pagkaka'alam ko kasi ako naman ang legal na anak ng tatay kong namatay na.. Pero sa sarili kong bahay parang ako pa itong nakikiapid lang..
Isang taon pa lang namatay noon si Nanay ng dalhin ng Tatay ang kanyang bagong asawa.. Si Mama Siony.. Madrasta ko.. May isa din itong anak na kaidaran ko lang, si Barbara.. Kung gaanong pinagbiyak na bunga ang mga mukha nila ay ganun din ang mga ugali..
Mula noon hindi na ako pinapansin ni Tatay.. Palagi nalang silang mag'ina.. Palaging may bagong damit silang dalawa samantalang ako kahit isa wala.. Ang swerte nga eh, nagkaroon na sila ng instant bahay nagkaroon pa sila ng instant katulong.. At ako yun.. Taga'laba, taga'linis, taga'luto.. At ang pinakamasaklap sa lahat na iniyakan ko talaga ay ang pagpahinto nila sa akin sa pag'aaral..
Minsan sinabi ko kay Tatay ang pang'aapi nila sa akin.. Pero sa huli ako parin ang nagmukhang masama.. Kaya kahit nahihirapan na ako, tinitiis ko nalang.. Hindi ako si Cinderella.. Naalala ko pa ang sinabi ng Nanay ni Cinderella sa kanya.. " Have courage and be kind ".. Pero pagod na akong maging mabait.. Pinagtitiisan ko nalang sila dahil hindi ko maiwan iwan ang alaala ni Nanay sa bahay na'to.. Minsan ko pang tinanong si Mama kung bakit galit na galit sya sa akin.. Ang sabi nya lang, kahawig ko raw ang Nanay ko..
Mula noong mamatay si Tatay nagtrabaho na ako.. Lahat ng binibili ko para sa sarili ko ay sa bulsa ko galing.. At dahil likas na pinalaki ako ni Nanay na maging mabait at marunong rumespeto kaya nagbibigay din ako kay Mama para sa bahay.. Sa kasamaang palad pinangsusugal nya lang..
" Ano ba Ana! Babangon ka ba o kakaladkarin pa kita?! " muling sigaw na naman nya.. Napailing nalang ako sabay tayo mula sa kama..
Sa totoo lang ang sarap pang matulog.. Alas dos na kasi akong umuwi galing sa Casa Gabriel.. Ang dami kasing tao kagabi kaya pagkatapos ng gig ko tumulong muna akong mag'waitress..
Napangiti ako nang maalala ang boss ko.. Si Erros Gabriel.. Gabi gabi na kasi syang nandoon sa casa.. At nagbibigay pa iyon ng gana sa akin para ganahan sa trabaho.. Sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko, isa nalang ang tanging insperasyon ko.. Si Erros.. Ang gwapo naman kasi.. Ang bait pa.. Kaso nga lang taken na.. Si Ma'am Izza na kung ano ang kinabait ni Erros ay sya namang sama ng ugali nito.. Ewan ko ba kung ano ang nagustohan nya dun.. Mag'iisang buwan na akong nagtatrabaho doon at araw araw akong inspired..
Bago pa man muling sumigaw si Mama ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto at nagluto.. Alas sais pa lang ng umaga pero maingay na sa labas.. Nasa iskwater kasi kami nakatira eh.. Maraming tao pero sanay na ako.. Dito ako lumaki eh.. Tsaka kilala ako ng lahat ng mga tao dito..
" Oh tapos na ba yang niluluto mo? Baka magising na si Barbara.. Pagod pa naman yun kagabi sa party na pinuntahan.. " hindi ko na ito nilingon.. Napaismid nalang ako.. Sarap lang sabihin na mas ako ang pagod dahil galing akong trabaho.. Pero may natitira pa naman akong pasensya eh kaya tumahimik nalang ako at ipinagpatuloy ang pagluluto ko.. " Pagkatapos mo dyan may labahin pa ha.. Ayosin mo ang paglalaba sa mga damit ni Barbara.. Pupunta pa yun ng party mamaya.. " dagdag pa nito.. Inikot ko ang mga mata.. Gusto lang kasi ng anak nyang makabingwit ng mayaman kaya pumupunta ng party na hindi naman nito kilala ang nagpaparty.. Bakit hindi nalang maghanap ng matinong trabaho..
Hindi na ako nagsasalita pa.. Mula na din noong napagod na ako sa kakasagot sa kanila ginagawa ko nalang agad ang trabaho ko at hindi na kumikibo.. Useless din naman eh, sila rin ang para sa kanila'y tama.. Tatanda pa ako sa kakaproblema sa kanila..
BINABASA MO ANG
The Lost Singer (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song