Ana's POV
I get lost, in your eyes
And I feel my spirits rise
And soar like the wind
Is it love that I am in
Just like before, just like the first time that I meet him in person.. Walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya.. Siya parin ang lalaking noon pa man ay pinangarap ko nang makasama habang buhay.. Siya parin ang lalaking nagpapatibok ng malakas sa puso ko.. Siya parin ang lalaking minamahal ko magpahanggang ngayon..
I get weak, in a glance
Isn't this what's called romance?
And now I know cause when
I'm lost I can't let go
Kahit kailan naman hindi ko siya nakalimutan.. Siya yung kahinaan ko.. Naiisip ko pa lang siya para na akong nawawalan ng lakas.. Lalo pa ngayon na ilang dipa lang ang layo namin sa isa't isa.. Alam ko rin na nasa akin ang tingin niya.. Hindi ko na nga napapansin ang lahat ng taong nakamasid sa pagkanta ko dahil nararamdaman ko ang presesya niya sa bawat sulok ng bahay na'to..
I don't mind not knowing
What I'm heading for
You can take me to the skies
It's like being lost in heaven
When I'm lost in your eyes
Nang magtama ang mga mata namin parang gusto kong maiyak.. Miss na miss ko siya, at gustong gusto ko na siyang yakapin.. Pero alam ko hindi ko pa iyon magagawa dahil marami pa akong ipapaliwanag sa kanya.. At mas lalo akong nagalak ngayon dahil nagkita narin sila sa wakas ni Era..
I just fell, don't know why
Something's there
We can't deny
And when I first knew
Was when I first look at you
And if I can't find my way
If salvation seems words away
Oh I'll be found
When I am lost, in your eyes
Hindi ko mapigilang maging emosyonal nang matapos ang kanta.. Ni hindi ko na nga hinintay na mapakilala ako ng emcee sa lahat dahil bumaba na ako agad at dumiritso sa powder room.. Doon ko nilabas lahat ng luhang dalawang taon ko ring pinigilan.. Luha ng panghihinayang kung bakit bigla bigla nalang akong umalis ng araw na yun.. Luha ng panghihinayang kung bakit ganun ko nalang binitiwan ang pag'iibigan namin.. Kung bakit ganun nalang kadali sa akin ang mawalan ng tiwala sa kanya, gayung siya nalang ang tanging natitira sa akin ng mga panahong yun..
" Get out all of you.. " nahinto ako sa pag'iyak ng marinig ang boses na iyon.. Bakas sa tinig niya ang galit.. Hindi ako lumabas ng cubicle dahil alam kong nandyan siya sa labas.. Nakarinig ako ng ilang mga babaeng lumabas dahil pinalabas niya iyon.. " Lumabas ka dyan.. Mag'uusap tayo.. " hindi ko na kailangan pang manghula kung sino ang kanyang tinutukoy.. Kinakabahan ako.. Ito na yung oras para magkausap kami.. At hinding hindi ko siya masisisi kung bakit galit siya.. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago lumabas.. Kagat kagat ko ang pang'ibabang labi ko..
Nakita ko siyang nakasandal sa pader paharap sa akin.. Matalim ang kanyang tingin sa akin kaya bumaba ang tingin ko.. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata.. Parang lumiit ang powder room na yun para sa aming dalawa..
" Explain.. " sabi niya pagkaraan ng ilang minutong katahimikan.. Hindi agad ako nakapagsalita.. Para akong nablangko dahil sa trato niya sa akin.. Napakasakit isipin na ibang Erros na ang nasa harap ko ngayon.. Ni hindi ko na nakikitang mahal pa niya ako.. Am I really too late? " Explain Ana! Ghad dammit! " napaiyak nalang ako ng tuluyan ng bigla itong sumigaw.. Natatakot ako sa kanya.. Ngayon niya lang ako tinrato ng ganito at dahil iyon sa kasalanan ko..
" I- I'm sorry.. sorry.. " halos pabulong kong sabi sa kanya.. Kinailangan ko pang humawak sa pader dahil para na akong matutumba.. Nanlalambot ang mga tuhod ko..
" Sorry? Did you think your sorry is enough to explain everything? You broke me Ana.. You broke me! " napapikit nalang ako ng muli siyang sumigaw.. " Ganun ba kababaw ang tiwala mo sa akin para bigla ka nalang umalis without hearing me out? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa'yo para basta basta mo nalang akong iwan? Hindi mo ba naiisip na mababaliw ako kapag wala ka sa tabi ko?!.. " bawat salita niya ay parang punyal na paulit ulit na tumutusok sa puso ko.. Maling mali yata ang araw na 'to para magpakita sa kanya.. Hindi ko alam na ganun na pala kalalim ang sugat na dinulot ko sa kanya..
" A-yoko lang namang magalit pa s-ayo ang Mama mo.. A-alam ko, naniwala ako sa kasinungalingang ginawa nila.. Pero maniwala kang gusto ko ring makausap ka ng araw na yun.. G-ulong gulo lang talaga ang isip ko.. " nagulat nalang ako ng bigla niyang suntokin ang pader.. Napanganga ako ng makitang dumudugo na iyon kaya awtomatiko akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.. He let me hold his hand.. Nanginginig pa ako habang pinunit ang laylayan ng damit ko at itinali iyon sa nagdudugo niyang kamay.. Iyak lang ako ng iyak habang ginagawa iyon.. This is all my fault.. Hindi siya masasaktan ng ganito kung hindi ako naniwala sa Mama niya noon..
" Masakit.. Masakit na masakit ang ginawa mo Ana.. Pero bakit mahal na mahal parin kita? " napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa huli niyang tinuran sa akin.. Halos pabulong lang iyon pero sapat para marinig ko.. Kitang kita ko ang pagpatak ng kanyang luha sa magkabila niyang pisngi.. Nakayuko siya at nakapikit.. Hinawakan ko agad ang magkabila niyang pisngi at pinunasan ang mga luha niya.. Nagmulat siya ng mata at nagtama ang mga paningin namin.. Wala na ang galit.. Napalitan na iyon ng lungkot.. Muling nag'uunahan ang mga luha ko sa mga mata.. Papano ko 'to nagawa lahat sa kanya?
" Mahal na mahal parin kita Erros.. Wala ng iba pa.. Ikaw lang.. " halos pabulong ko ring sabi sa kanya.. Tinawid niya ang pagitan namin at napapikit nalang ako nang maramdaman ang labi niya sa labi ko.. Ghad I miss his lips.. I miss his kiss.. I miss him.. All of him.. Alam ko hindi ganun kadali para sa kanya ang lahat.. Nasaktan din naman ako, hindi lang siya.. Pero ang importante ngayon, gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga panahong wala ako sa tabi niya.. Mas mamahalin ko pa siya ng buong puso ko..
------------------------------------------
Short UD.. malapit narin tong matapos.. mga 4 to 5 chap nalang.. salamat sa patuloy na nagbabasa.. ;)Any comments, suggestions and violent reaction? Hahaha..
BINABASA MO ANG
The Lost Singer (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song