Ana's POV
Marami ang nangyari sa loob ng dalawang taon.. Si Drew ang umasikaso ng kailangang tapusin sa school dahil narin malaki na ang tiyan ko nang mga panahong yun.. Si Drew ang kasa-kasama ko sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko..
Nang araw na lumayo ako sa buhay ni Erros ay siyang araw rin na pumunta kami ni Drew sa isang lugar na walang nakakakilala sa amin.. Mahirap dahil pareho kaming walang trabaho ni Drew at buntis pa ako.. Pero talaga nga sigurong napakabuti ng Diyos dahil may isang mag'asawang nagpatuloy sa amin sa mansyon nila.. Pareho na silang matatanda.. Nalaman din namin na hinahanap pala nila ang matagal ng nawalay na apo.. Ngunit nang mapag'usapan na namin ang tungkol sa mga magulang ko, ay ganun nalang ang pag'iyak nila pareho dahil ang naglayas pala nilang nag'iisang anak ay ang Tatay ko.. At ako ang apong matalag na nilang hinahanap..
Kahit ako hindi makapaniwala.. Kahit pa nga nakita ko ang mga larawan ng anak nila na siyang Tatay ko ay nagdemand parin ako ng DNA test hindi para sa akin kundi para sa kanila.. Ayoko namang samantalahin ang paniniwala nilang ako nga ang nawawala nilang apo.. Doon na ako naniwala at napaiyak nalang ng lumabas ang resulta at nagsasaad doon na positibo ngang ako ang apo nila.. Isa pala akong anak mayaman..
Nanganak akong hindi parin alam nila Lolo at Lola kung sino ang ama ng anak ko.. Hindi narin naman sila nagtatanong at hindi rin naman ako pinabayaan ni Drew.. Binigyan nga ito ng trabaho ni Lolo sa kompanya nito.. Binayayaan ako ng isang napaka'cute at napaka'gandang anak babae.. Si Ana Era Arenas.. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko ng makita't mayakap ko na ito.. At isa lang ang naalala ko habang nakatingin ako sa mga mata nito.. Si Erros.. Walang araw na hindi ko siya namimiss.. Kahit pa man nasaktan ako sa ginawang pagsisinungaling niya ay mahal na mahal ko parin siya.. Siya parin ang dahilan kung bakit may isang prinsesa ako ngayon sa buhay ko..
Isang taon rin ang nakalipas mula nang tumira kami sa mansyon ng aking mga abuela nang pumanaw naman sila.. Sabay silang namatay habang natutulog na magkahawak kamay.. Mula kasi nang makita nila ako palagi na nilang sinasabi na nakabawi na sila kay Tatay at ready na silang mamatay.. Nalungkot man ako pero naging masaya narin dahil alam kong masaya na sila sa piling ng Panginoong Diyos.. At paniguradong magkikita na sila doon ni Tatay..
Nang mawala sila, naiwan sa akin ang lahat ng kayamanan nila.. Nakakalula.. Nakatulala nga lang ako habang binabasa isa-isa ang mga kayamanang nakapangalan na ngayon sa akin.. Pero mas pinili kong i'donate ang kalahati niyon sa napili kong charity dahil alam kong iyon din naman ang gusto ng mga abuelo ko.. Ang tanging naiwan nalang sa akin ay sapat para sa kinabukasan ni Era at ilang negosyong alam kong kaya kong pagtuonan ng pansin.. Nagtayo rin ako nang isang Bar at paminsan minsan ay doon ako kumakanta.. Ginagawa ko iyon kapag nakakaramdam ako ng pagkamiss kay Erros.. Hanggang sa nag'krus ang landas namin ng Mama ni Erros..
" Ma'am Ana may naghahanap po sa inyo.. " nasa bar ako ng gabing yun pero hindi naman ako kumanta.. Nakakatuwa nga yung tawag nila sa akin eh.. I am The Lost Singer dahil daw sa klase ng mga kinakanta ko.. Para raw'ng naliligaw ang kaluluwa ko.. Wala rin naman si Era sa bahay ngayon dahil sinama siya ni Drew sa bahay nila.. Nasabi ko narin bang nagkaayos narin kami ni Mama? Yes, actually sa bahay ko na sila ngayon nakatira at hindi na doon sa lumang bahay namin.. Wala naman kasi akong nararamdamang bigat sa loob para sa kanila.. After all, siya parin ang nagpalaki sa akin..
" Sino Bitsy? " tanong ko.. Pero bago pa ito nakasagot ay agad ko nang nakita ang taong nasa likod nito.. Nagulat man ako pero hindi ako nagpahalata.. Anong ginagawa nito dito? Nilayoan ko na naman ang anak niya na paniguradong may anak narin kay Issa.. Matagal bago kami nagkatitigan, pero kalaunan ay iginaya ko ito sa opisina ko.. " Gusto nyu ba ng maiinom Ma'am? " pormal kong tanong sa kanya.. Hindi na ito kababakasan ng mataray na aura.. Malayong malayo noong huli naming pagkikita..
BINABASA MO ANG
The Lost Singer (COMPLETED)
عاطفيةHaciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song