Choice

12.1K 291 4
                                    

Ana's POV


Kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Erros ng malamang magiging ama na siya.. Masaya din naman ako, pero naroon ang pangamba.. Pangambang baka hindi ko magampanan ng maayos ang pagiging ina ko sa magiging anak namin.. Lumaki akong hindi kompleto ang magulang.. Kunting panahon ko lang naman nakasama ang Nanay ko at hindi ko naman masyadong nakakasama si Tatay noon.. Pero kahit ganun mahal ko parin naman sila.. Ang inaalala ko lang ay hindi ko alam kung papano maging ina sa magiging anak ko..




" Hey, anong iniisip mo? " nabalik ako sa huwistyo ng marinig ang boses ng lalaking pinakamamahal ko.. Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko kung wala siya sa tabi ko..


Nilingon ko siya at ngumiti.. Nakakunot noo siya habang nakapamulsang nakasandal sa hamba ng pinto.. Nasa bahay niya kami ngayon at gusto niyang dito ako matulog ngayong gabi.. Hindi na ako humindi dahil gusto ko ring makasama siya lalo pa at gulong gulo pa ang isip ko.. Pero hindi naman ako nagsisisi na dala dala ko ngayon ang magiging baby namin.. Sabi nga niya, blessing ito sa amin..




Lumapit siya sa akin at humawak sa magkabila kong balikat.. Nakikita ko na para siyang nag'aalalang nakatingin sa akin..




" Is there something wrong honey? " muli niya pang tanong sa akin.. Ayokong magsinungaling sa kanya kaya bumuntong hininga ako..




" Natatakot ako Erros.. " agad bumakas ang matinding pag'aalala niya nang marinig ang sinabi ko..



" Natatakot, saan? " takang tanong niya.. Yumakap ako sa kanya at isinubsob ang mukha sa dibdib niya.. Gustong gusto ko siyang amoy'amoyin.. Siguro dala ito ng pagbubuntis ko.. Kaya din pala emosyonal ako nitong mga nakaraang araw.. Naramdaman ko ring yumakap din siya sa akin sabay hagod ng kamay niya sa likod ko..





" Natatakot akong baka hindi ako magiging mabuting ina sa magiging anak natin.. " bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at pinakatitigan ako nang nakakunot noo..





" At saan mo naman nakuha ang ideyang yan Ana? " tanong ulit niya na para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.. Napakagat labi nalang ako.. Hindi ko rin naman alam kung bakit ko naiisip yun.. Naramdaman kong kinalas niya ang pagkakagat ko sa labi ko.. Bahagya pa siyang napabuntong hininga..





" Don't bite that lip Ana.. And please, stop worrying things.. You're over thinking to much.. Makakasama yan sa baby.. Ang dapat nga na iniisip mo eh yung mga masasaya lang.. At tungkol sa iniisip mo, you are such a wonderful lady Ana.. You take care of me like no one could ever does, even my own mother.. Kaya alam ko magiging mabuting Nanay ka kay little monster.. Okay? " nakangiti niyang paliwanag sa akin kaya napangiti narin ako saka tumango.. At least nawala narin ang pangamba ko.. Kaya nga mas pinili kong makasama siya ngayong gabi dahil alam kong sa lahat ng tao, siya lang ang magpapagaan ng nararamdaman ko.. Tumingkayad ako para gawaran siya ng halik sa labi.. Pero imbis na mabilis na halik lang yun, nang hapitin niya ako sa baywang alam ko nang hindi lang isang halik ang igagawad ko sa kanya.. At willing naman akong ibigay lahat ng kailangan niya ng buong puso ko..





Nagising ako kinabukasan na wala nang Erros sa aking tabi.. Nagpalinga linga ako kaya nakita kong may nakapatong na isang papel sa bed side table at may nakapatong na isang basong tubig na may nakalagay na gamot sa gilid ng baso.. Napangiti ako sabay bangon.. Kinuha ko ang baso at itinabi sabay kuha sa papel at binasa iyon..





Good morning honey.. Sorry for bot waking you up.. I have to attend some meetings but after this I promise I'll be home early.. I love you and our baby..

The Lost Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon