Worries

11.3K 297 1
                                        

Ana's POV

Okay na naman lahat.. Masaya naming inasikaso ang kasal namin ni Erros.. Gusto ko nga sana ng simpleng kasalan lang pero ayaw niya namang pumayag dahil once in a lifetime lang naman daw kaming ikasal.. Kaya hinayaan ko nalang siya sa mga gusto niya.. Tama rin naman kasi siya, minsan lang kaming ikasal at karapatdapat lang na hindi iyon malilimutan na sandali.. Masasabi kong wala nang problema dahil wala narin naman akong naririnig tungkol sa Mama niya.. Nalulungkot lang ako dahil dapat kasali sa ganito ka'importanteng okasyon ang mga magulang niya, pero natatakot din akong baka magkagulo lang kung ipipilit ko pa ang sarili ko..



May out of town si Erros kaya ako muna ang namahala sa Casa Gabriel.. Sabi niya isang linggo raw siyang mawawala kaya hindi siya pumayag kagabi na hindi ako sa bahay niya matulog.. Assual ano pa nga ba ang gagawin namin kapag kami lang dalawa? Hindi ko rin naman maikakailang nagugustohan ko din ang mga ginagawa niya.. At unti unti ko ring nakikilala ang totoong Erros pagdating sa kama.. Ang masasabi ko lang? Grabe.. Hindi ko rin naman mai'imagine kung sa iba ko gagawin ang makipagtalik.. Parang nakatadhana na talaga ang sarili ko para sa kanya..




Natigil ang pag'iisip ko nang tumunog ang cellphone ko.. Kasalukuyang nasa kaha ako ngayon at hindi talaga ako pinayagan ni Erros na magsilbi ngayon bilang waitress.. Kahit ang mga kasamahan ko sinabihan niya rin kaya wala akong nagawa kundi ang maging kahera nalang ngayon.. Nakangiti akong dinampot ang cp ko ng makitang ang lalakeng palaging laman ng isip ko ang tumatawag.. Nakakakilig nga eh, halos kada oras yata siyang tumatawag simula ng umalis siya..





" Erros, alam mo hindi ko magagampanan ng maayos ang pamamahala ko dito sa Casa kung palagi mo akong tinatawagan.. " nakangiti kong bungad agad sa kanya.. Narinig ko agad ang mahina niyang pagtawa na mas lalong ikinangiti ko.. Kahit naman ako, miss na miss narin siya..



" I'm sorry honey, I just miss you so much.. " sabi naman niya pagkatapos ang pagbuntong hininga.. Naparulyo naman ang mga mata ko.. Ilang beses niya narin yang sinabi sa akin.. Pero hindi ko maiwasang kiligin..



" Ano nang ginagawa mo ngayon? " tanong ko sa kanya maya maya.. Sa tantya ko kasi nasa hotel na siya ngayon at nagpapahinga.. Halos buong araw din kasi siyang naging busy dahil sa mga kliyente niya.. May narinig akong ingay sa kabilang linya na para bang gumalaw siya..



" Heto, nakahiga na.. Parang hindi na sanay ang katawan ko nang wala ka sa tabi ko.. I really wish you were here honey.. " muli akong napangiti.. Hindi niya rin alam kung gaano narin ako nasanay na nasa tabi ko lang siya.. Pero hindi ko naman pwedeng saklawan nalang lahat ng gagawin niya ng dahil lang sa hindi na kami sanay na malayo sa isa't isa.. May sarili din naman kaming buhay lalo na siya dahil alam kong hindi lang ang Casa ang inaasikaso niya.. Pati rin pala negosyo ng pamilya niya ay siya rin ang namamahala kapag hindi nakakapunta ang Mama niya.. " Hey, hindi kana nagsalita dyan? " narinig kong muling sabi niya..




" Wala, may iniisip lang.. Oh sige na dahil marami na ang costumer na dumadating.. Ingat ka dyan ha.. Mahal na mahal kita Erros.. " pilit kong pinasigla ang boses ko.. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko eh.. Ilang araw naring napapansin ko sa sarili ko na madali lang akong naiiyak ngayon.. Kunting tampohan nga lang namin ni Erros naiiyak na ako, samantalang hindi naman ako ganito dati..





" Okay, ikaw din ingat ka dyan.. I love you so damn much Ana.. Promise, pagkatapos nito tayo naman ang magbabakasyon after our wedding.. I miss you honey.. Bye.. " hindi na ako sumagot at tinapos ko na ang tawag saka ko pinahid ang luhang naglandas sa pisngi ko.. Para na akong nababaliw.. Kahit alam ko naman na naiintindihan ko siya, pero may bahagi ng sarili ko na gustong gusto ko siyang makasama.. Hay, hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko..






The Lost Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon