Ana's POV
Kahit galing ako sa pag'iyak dahil nga sa nangyari ay pumasok parin ako sa klase.. Malapit na ang finals at ayokong maapektohan ng personal kong problema ang pag'aaral ko.. Magka'klase kami ni Drew pero hindi ko ito pinapansin.. Alam kong tinitingnan nito ako pero hindi ko ito tinitingnan.. Pagkatapos pa ng klase ay sinabi pa ng prof namin na bumuo kami ng grupo para sa defense namin.. Palihim akong nagpasalamat ng malamang hindi kami magka'grupo.. Hindi naman sa ayokong makagrupo ito, hindi pa lang talaga ako handa..
" Ana.. " hindi ko na kailangan pang lingonin ang nagsalita.. Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko para sa pag'uwi.. Nagtext narin kasi si Erros na on the way na raw siya para sundoin ako.. " Ana pakiusap, mag'usap naman tayo.. " sabi pa nito.. Kunti nalang kaming naiwan sa loob ng room namin.. Hinarap ko ito..
" Drew nakikiusap din ako, wag muna ngayon.. Masakit din sa akin ang nangyayari dahil kaibigan kita.. Kailangan ko lang ng panahon.. " sabi ko.. Nakita ko ang paglungkot ng mukha nito pero ngumiti parin.. Alam ko darating ang panahon na maaayos din ang lahat.. Ilang beses na ba kaming nag'away ni Drew.. Pero kakaiba lang talaga ngayon..
" Sorry ulit Ana.. Gusto kong malaman mo na nandito parin ako kung kailangan mo.. " malungkot akong ngumiti.. Sana nga maibabalik pa ang dati.. Nagpaalam na ako rito dahil muli na namang nagtext si Erros na nasa labas na raw siya.. Malungkot nalang din itong tumango kaya nagmamadali na akong lumabas..
Nakasandal si Erros sa kotse niya nang makalabas na ako sa campus.. Hindi pa niya ako napansin dahil may tinitingnan siya sa cellphone niya.. Marami na ngang tumitingin sa kanya na mga estudyante na hindi naman niya pinapansin.. Ganito talaga siya, snob sa iba.. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na naging akin na ang lalakeng matagal ko nang pinapangarap.. Nakangiti akong lumapit sa kanya.. Simula narin ng malaman ng ilang mga estudyante na boyfriend ko si Erros Gabriel, marami na ang nakakakilala sa akin..
" Erros.. " tawag ko sa kanya.. Napatingin siya sa akin at awtomatikong napangiti.. At katulad ng palagi niyang ginagawa kapag nakikita niya ako ay agad siyang yumayakap sa akin sa harap ng mga estudyante.. Nasasanay na nga rin ako.. Super clingy niya kasi, yan ang napansin ko sa kanya..
" How's your day? " tanong agad niya.. Pero napakunot noo siya nang mapatingin sa mga mata ko.. " Did you cry? " tanong niya ulit.. Bakas sa mukha ang pag'aalala..
" Nagka'usap kasi kami ni Drew.. Pero okay na naman ako wag kanang mag'alala.. " nakangiti kong sagot.. Hinalikan niya ako sa noo na mas lalong nagpa'relax sa akin.. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan..
" I will make you happy.. Not just for tonight honey but for the rest of your life.. " sabi niya saka pinaandar ang sasakyan.. Hindi ko man lubusang naiintindihan ang ibig niyang sabihin ay hindi na ako kumontra pa.. Ang makasama siya ay sapat na para maging masaya..
BINABASA MO ANG
The Lost Singer (COMPLETED)
RomansaHaciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song