Complicated

12.3K 323 1
                                        

Ana's POV

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa rebelasyong sinabi ni Erros kanina sa harap ng magulang niya at sa pamilya ni Issa.. Hindi naman kasi namin iyon pinag'usapan.. Ni hindi ko alam na sasabihin niya iyon.. Ang hindi ko lang masigurado kung nagsasabi ba siya ng totoo o sinabi niya lang iyon para inisin ang Mama niya.. Hindi ko talaga alam..

Tahimik lang ako habang pabyahe kami pabalik ng siyudad.. Kahit siya nga tahimik lang din.. Ayoko namang magtanong dahil nakahiyaan ko na din.. Pagkatapos naman kasi ng pagkasabi niya ng ganun sa harap ng kanyang magulang ay agad na niya akong hinila para umalis.. Ni hindi na niya hinintay pa na magsalita pa ang Mama niya..

" Hey, are you okay? " napalingon ako sa kanya ng bigla siyang magsalita.. Hindi ko nga napansin na nakahinto pala kami dahil sa traffic.. Hinawakan niya pa ang kamay ko.. Ngumiti siya sa akin na sinuklian ko naman ng ngiti..

" Okay lang naman.. " hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.. Iniangat niya ang mukha ko gamit ang daliri niya kaya nagtama ang mga mata namin..

" I know you're not honey.. why? " sabi niya na may pagtatanong sa mga mata.. Bumuntong hininga siya.. Bakit pa ba niya itatago ang totoong nararamdaman niya..

" Natatakot lang kasi ako.. Baka magalit ng sobra ang mga magulang mo sa'yo ng dahil sa akin.. " hindi ko rin naman maiiwasang isipin yun lalo pa at nakita ko kung papano ako tingnan ng Mama niya.. Narinig kong humugot muna siya ng malalim na paghinga bago nagsalita.. Kahit pa kasi hindi niya sabihin alam kong naapektohan din siya..

" Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala lang sa akin yun.. Yes, I'm worried.. But that doesn't mean na iiwanan kita just to please them.. I don't care if they don't like you Ana.. You're all I ever wanted.. And I really want to marry you honey.. " hindi ko mapigilang pangilidan ng luha dahil sa mga sinabi niya.. Hindi ako magsisisi na minahal ko siya ng totoo.. At tulad niya, wala mang pormal na proposal, hindi rin ako magdadalawang isip na pakasalan siya..

Maya maya lang ay hinatid na niya ako sa lugar namin.. Natatawa nalang ako dahil sumisimangot ang mukha niya kapag nakikita na niya ang bukana ng lugar namin.. Marami kasing mga tambay at may nag' iinoman pa.. Baka raw kasi mapapahamak ako lalo pa at kung galing ako sa casa.. Kinukumbinsi ko nalang siya na kilala ako sa lugar na ito kaya walang magtatangka sa akin..

" Dito na ako ha, ingat sa pag'uwi.. " sabi ko sa kanya ng makahintona ang kotse niya..

" Kung bakit kasi ayaw mong doon nalang sa bahay ko ikaw tumira.. This place is really freaking me out.. " natawa nalang ako sa sinabi niya.. Halos memories ko narin kasi ang sinasabi niya eh.. Hinawakan ko ang braso niya at hinagod hagod iyon..

The Lost Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon