Ana's POV
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko mula nang maging kami ni Erros.. Oo, kami na nga.. Sekreto pa siya, pero alam kong may hinala na ang mga kasamahan ko sa trabaho.. Paano ba naman kasing hindi eh kapag nagkakaroon siya nang pagkakataon palagi niya nalang akong ninanakawan ng halik.. Grabe lang talaga.. Makahulogan na nga akong tinitingnan ni Lily, pero umiiwas nalang ako para hindi ito makapagtanong.. Hindi pa kasi ako handang pag'usapan ang tungkol sa amin.. Tsaka ayoko lang talaga na pangunahan si Erros.. Mas mabuting siya ang magsabi sa lahat na kami na..
" Sigurado ka bang seryuso yun sa'yo Ana? " nabigla ako sa tanong ni Drew sa akin..
Nasa canteen kami ngayon dahil wala ang isa naming prof.. Hindi naman ako pwedeng umuwi na dahil may susunod pa kaming klase.. Halos isang buwan na ang sekreto naming relasyon at masasabi kong wala naman kaming major na problema.. Sanay na naman din ako sa init nang ulo niya dahil nga matagal na kaming magkasama sa trabaho.. Kapag umiinit na ang ulo niya ay hindi nalang ako nagsasalita.. Hinihintay ko nalang na mahimasmasan siya.. Minsan pa nga noong may napagalitan siya sa casa inisang tingin ko lang siya dahil minsan kasi ay nagpapadala siya sa init nang ulo.. Mabuti nalang talaga at nakukuha siya sa tingin..
" Bakit mo naman natanong iyan? " tanong ko pabalik rito..
Minsan ko narin iyong naisip noong bago pa kami.. Pero mas malaki ang tiwala ko para sa kanya kaya sa awa nang diyos ay wala naman siyang binibigay na problema sa akin.. Alagang alaga pa nga niya ako.. Sa tuwing madaling araw ay sabay kaming uuwi galing sa casa pero kakain muna kami sa madadaanan naming fastfood chain bago niya ako ihatid sa lugar namin..
" Ewan ko.. Basta wala akong tiwala sa kanya.. Papano kung niloloko ka lang niya? Papano kung may gusto lang siyang kunin sa'yo at pagkatapos niyang makuha iiwan kana? " nakakunot noo lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi nito.. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikagalit o ikatuwa ang mga sinabi ni Drew.. Hindi ko kasi ito maintindihan..
" Saan galing ang hugot mo at ganyan ka makapagsalita? " tanong ko rito.. Pinili ko nalang na wag magalit dito dahil alam ko namang nagmamalasakit lang ito sa akin.. Bata pa lang kami magkaibigan na kami ni Drew, kaya naiintindihan ko ito..
" Tss, hindi naman hugot yun eh.. Kaibigan kita kaya nagmamalasakit ako sa'yo.. Ayoko naman na iiyak ka lang dahil niloko ka nang lalakeng yun.. " matagal kong tinitigan si Drew.. Ngayon ko lang napansin na gwapo din pala ang kaibigan kong 'to.. As in ngayon lang talaga.. Syempre wala naman kasi akong ibang nararamdaman para sa rito kundi pagmamahal na parang kapatid.. Tsaka mabait ang mga magulang ni Drew at noon pa man na nawala ang mga magulang ko ay parang naging sila na ang naging pangalawang pamilya ko.. Hindi rin naman kasi ako tinuturing na pamilya nila Mama..
" Bakit hanggang ngayon wala ka pang pinapakilala sa akin na girlfriend mo? " pang'iiba ko nang topic.. Curious din naman ako sa love life nang kaibigan ko..
" Wala naman kasi akong girlfriend.. Pag'aaral ang inuuna ko kisa makipagrelasyon.. " sagot nito.. " Saka, may boyfriend na yung babaeng nagugustohan ko.. " dagdag pa nito na ikinagulat ko.. So may nagugustohan ito nang hindi ko man lang alam?
" Bakit hindi ko alam yan? Kilala ko ba? " sunod sunod kong tanong dito.. Umiling iling lang ito.. Unang beses na naglihim si Drew sa akin.. Buong kabataan kasi ito na ang kasama ko.. Kaya alam namin ang lahat sa aming dalawa.. Ngayon lang na hindi ko napansin na may nagugustohan na pala ito..
" Busy ka sa love life mo kaya hindi mo na nalalaman ang nangyayari sa buhay ko.. " para pang may himig na tampo ang pagkakasabi nito.. Totoo rin naman yun eh.. Simula nang maging kami ni Erros naging sarado na ang sarili ko sa iba.. Na para bang kay Erros lang umiikot ang mundo ko.. Kahit pa nga sa bahay hindi ko na iniinda ang mga talak ni Mama.. Ginagawa ko nalang lahat nang trabaho para matapos agad.. Sa saya kasi na nararamdaman ko parang wala nang puwang ang bad vibes sa akin..
BINABASA MO ANG
The Lost Singer (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song