Officially

16.6K 415 5
                                    

Ana's POV


Kanina pa ako gising pero wala pa akong balak na kumawala sa yakap sa akin ni Erros.. Nakaramdam kasi ako ng kapayapaan sa mga bisig niya.. Nakatalikod ako sa kanya kaya wala siyang ideya na gising na ako.. Naririnig ko pa ang mahina niyang paghinga indikasyon na tulog pa talaga siya.. Pero nakaramdam ako ng pamamanhid sa binti.. Tss, pahamak naman 'to oh.. Sarap na ng feeling ko eh.. Dahil ayokong madisturbo ang tulog niya kaya hinay hinay kong tinanggal ang braso niya sa baywang ko.. Pero nagulat nalang ako nang mas humigpit pa ang yakap niya..


" Hmmmm.. Where are you going? " the husky voice said.. Kagat labing bumaling ako sa kanya at nakita kong nakapikit parin siya pero may ngiti naman sa labi.. Kanina pa ba siya gising? Ibinalik ko ang paningin sa harap.. Nakalimutan ko na ang namamanhid kong binti!


" T-tatayo sana ako.. Ahm, namamanhid na kasi ang binti ko.. " agad naman siyang bumangon at may pag'alalang nakatingin sa akin.. Inalalayan niya akong makabangon kaya napangiwi ako..


" Tss.. Why didn't you tell me? " sabi niya na nakakunot noo na.. Habang inaayos niya ang binti ko hindi ko naman mapigilang mapangiti.. Ang gwapo niya naman kasi.. At napaka'swerte ko dahil nasilayan ko ang bagong gising na Erros.. Gulo gulo pa ang mga buhok niya.. At nasabi ko bang topless siya?.. Ghad! Ang abs!


" Ah okay na.. Salamat.. " sabi ko kaya binitawan na niya ang paa ko.. Imbis naman kasi na mawala ang pamamanhid para lang nagkakakuryente dahil sa pagdikit ng kamay niya sa balat ko.. At ang bango pa niya kahit bagong gising pa lang.. Inamoy ko tuloy ang sarili ko.. Naku, baka kasi ang sama na ng amoy ko.. Kahiya naman..


" Why? " napatingin ako ng magtanong siya.. Nakatingin na pala siya sa akin habang nakatayo..


" Ang alin? " nagtataka kong tanong.. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang tinutukoy niya.. Ang pag'amoy ba sa sarili ko ang ibig niyang sabihin? Shocks! Nakita niya yun?


" You smell yourself.. Why? " iniwas ko agad ang tingin sa kanya.. Great, tama nga ang nasa isip ko.. Alangan namang magsinungaling ako..


" B-baka lang kasi ang baho ko na.. K-kaya- " hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko na nasa kandungan ko..


" Hey, relax.. Did I intimidate you? " nakangiting tanong niya sa akin.. Diretso kaming nakatingin sa mga mata ng isa't isa.. Ang ganda ng mata niya.. And for the record, kakagising niya lang pero wala man lang siyang muta sa mata.. Malamang hindi siya tinutubuan ng ganun..


" Sino bang hindi? Lahat naman yata nai'intimidate sa'yo eh.. Ikaw kaya si Erros Gabriel.. " sagot ko pero hindi na ako tumingin sa kanya.. It take gots kaya para masagot ko siya ng diretso.. Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina at muli niya akong pinaharap sa kanya gamit ang daliri sa baba ko..


" Except you.. Gusto kong maging palagay ang loob mo sa akin Ana.. It's just me.. Nothing special about me.. So please, wag kana mahiya sa akin.. At hindi ka mabaho okay.. Ang bango mo nga eh.. " nakangiti pa niyang sabi sabay kindat.. Napangiti narin ako.. Oo nga naman, bakit pa ako mahihiya sa kanya samantalang nagkatabi na nga kaming natulog..


Hindi pa agad ako pinauwi ni Erros bagkos nagsabay pa kaming nag'breakfast.. Palagi ngang nakangiti sa akin ang katulong niya kaya nginitian ko nalang din kahit hindi ko maintindihan kung bakit ganun ito..


" Erros, pwede magtanong? " kasalukuyan na kaming kumakain ng magsalita ako sa kanya.. Nasa veranda niya pinaserve ang pagkain..


The Lost Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon