Ana's POV
Nasa bahay lang naman kami ni Erros.. Dito niya ako dinala sa mala'mansyon niyang bahay.. Hindi ko nga mapigilang mapanganga ulit nang dumating kami dito.. Akala ko talaga isang mini mall ang pinasokan namin.. Kaya pala ang lakas ng loob na ayain akong dito na tumira sa kanya.. Sa laki ng bahay niya, magkikita pa ba kami? Pwede na yata kaming maglaro ng hide and sick dito eh..
" Erros, hindi ka ba nalulungkot dito? " tanong ko.. Nasa kusina kami ngayon at nagluluto siya.. Topless.. Oo, topless talaga.. Kitang kita ko ang perfect niyang katawan mula sa kinauupoan ko.. Gusto ko nga sanang tumulong pero ayaw naman niya.. Gusto niya raw akong pagsilbihan.. Nakakakilig lang.. Saglit niya akong nilingon pero bumalik lang din sa ginagawa..
" Nalulungkot din.. But I'm getting used to it honey.. Bata pa lang naman ako ganun na ang nangyayari sa buhay ko.. " napakunot noo ako sa narinig.. May nahimigan akong kakaiba sa pagkakasabi niya ng huling salita.. Ibig sabihin, bata pa lang siya mag'isa na siya? Humarap siya sa akin na dala dala na ang isang plato.. Nakangiti siyang lumapit sa akin.. At nakasuot din pala siya ng superman apron.. Ang cute! Sabay nagpi'flix pa ang mga muscle niya sa braso..
" Bakit hindi mo itira dito ang parents mo? " tanong ko pa habang inaayos niya ang gagamitin naming plato.. Hinayaan ko nalang siya dahil sabi nga niya gusto niya akong pagsilbihan.. Kahit pa kating kati na akong tulungan siya..
" My parents is always busy honey.. " simpleng sagot niya lang.. Hindi na rin ako nagpilit pa sa topic na iyon dahil nararamdaman ko ring ayaw niyang pag'usapan.. Tahimik lang kami habang kumakain.. Masarap din pala siyang magluto.. Naparami tuloy ang nakain ko.. Hindi na ako pumayag na siya pa ang maghugas ng pinagkainan namin.. Mabuti nalang at pinayagan niya naman ako..
" What do you want to watch? " nasa entertainment room naman niya kami ngayon.. Manonood raw kami ng movie.. Noong una ko naman kasing pagtulog dito hindi naman ako naglibot kaya mas napahanga ako sa bahay niya ngayong nakita ko na ang kabuoan nito.. Kampante akong naupo sa malaking couch na parang higaan narin sa laki.. Ang lambot pa.. Kahit pa nga siguro ilulung ko sa trabaho ang sarili ko hindi ako makakapagpatayo ng ganito kagandang bahay.. Tumabi siya sa akin at hinila ako kaya napasandal ang likod ko sa dibdib niya habang nasa pagitan naman ako ng mga hita niya..
" Fifty Shades of Grey.. " sagot ko sabay tingin sa kanya.. Tiningnan niya ako nang nakakunot noo..
" Seriously? " tanong niya pa.. Ngumiti ako sabay tango.. Matagal ko nang gustong panoorin iyon dahil bukam bibig ang movie na yun ng mga classmate ko.. Balita ko nga mahal raw ang ticket nun nang magshowing iyon dito sa pilipinas.. Hindi naman ako makapanood dahil nga wala akong extra pera.. Tsaka ang sabi pa ng mga classmate ko, maganda raw yun panoorin kapag may kasama kang boyfriend.. Kaya na'curious tuloy ako.. Kapangalan ko pa nga ang bidang babae.. " Tss, mas gwapo naman ako kisa sa bidang lalake.. " narinig ko pang sabi niya sabay pili sa remote ng palabas na gusto ko.. Hindi ko napigilang mapangiti..
Tahimik lang kami habang nanonood.. Mas hinila pa nga niya ako para mapalapit sa katawan niya na hanggang ngayon eh topless parin.. Mabuti nalang talaga at sanay na ako sa kuryenteng nararamdaman ko sa tuwing nagdidikit kami.. Pero nang nasa eksena ng pagniniig na ang mga bida, naramdaman ko nalang ang mabigat na paghinga ni Erros sa likod ko.. Pahigpit pa ng pahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.. Shocks! Ang awkward naman nito..
" This is tortured.. " narinig kong bulong ni Erros sa likod ko..
Kahit naman wala pa akong karanasan sa pakikipagtalik, alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.. Kahit din naman ako naaapektohan na rin.. Nagsisisi tuloy ako kung bakit iyon ang pinanood namin.. Kaya pala kailangan kasama ang boyfriend kapag manonood ng FSOG.. At hindi lang pala isang beses may eksenang ganun.. Tatlong beses pa pala! Tortured pala talaga! Naririnig ko na nga ang mahihinang pagmura ni Erros.. Nilingon ko siya habang kagat ko abg labi ko pero nagsalubong din pala ang mga tingin namin.. Nalipat pa ang tingin niya sa labi ko na kagat ko parin..
BINABASA MO ANG
The Lost Singer (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song