Ana's POV
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari.. Parang kailan lang ng naging kami ni Erros, at ngayon enggage na ako sa kanya.. Tinititigan ko ang singsing na ngayon ay suot suot ko.. Simpleng singsing lang naman iyon.. Pero kaakibat nito ang wagas na pagmamahalan namin ni Erros.. Alam ko malaking hadlang ang pamilya niya sa aming dalawa, at nagpapasalamat ako ng hindi kami ginugulo ng Mama niya.. Hindi ko na naman kasi alam kung makakaya ko bang mabuhay ng wala siya..
" Hey, are you okay? " napalingon ako kay Erros na ngayon ay nag'aalala na nakatingin sa akin.. Nasa long table kami kasama ng mga kaibigan niya.. Isa isa niyang ipinakilala sa akin kanina ang mga kaibigan niya.. Si Illos na siyang bestfriend niya.. Si Sef na isang sikat na direktor.. Si Rein na isang artista.. at si Zein na isa sa mga sikat na batang CEO sa buong bansa.. Nakaka'intimidate silang lahat lalo kapag magkakasama.. Pero kalaunan nakilala ko narin sila at super bait nilang apat..
" Oo, okay lang ako.. Medyo nabibilisan lang sa mga nangyayari.. Pero okay naman ako.. " nakangiti kong sagot sa kanya.. Hinila niya ako palapit at hinalikan sa noo.. Gustong gusto ko talagang hinahalikan niya ang noo ko.. Nakakarespeto naman kasi..
" I'm sorry kung nabigla kita.. It's just that, gusto ko nang makasama ka.. I want to wake up every morning with you by my side.. Sure na akong ikaw ang makakasama ko at ikaw na ang panghabang buhay ko Ana.. " muli na namang nagtubig ang gilid ng mata ko dahil sa sinabi niya.. Alam na alam niya talaga kung papano ako pakikiligin kahit man lang sa sinasabi niya..
" Hoy mga love birds mamaya na yang lambingan.. " pareho naming nilingon si Rein na siyang nagsalita.. Sa pagkakaalam ko mga single pa silang apat.. Si Erros pa lang raw ang lalagay sa tahimik kung sakali.. Paniguradong ang siswerte din ng magiging asawa ng mga ito.. Katulad ng pagiging swerte ko sa pagkakaroon ng isang Erros sa buhay ko..
Halos maghahating gabi na ng mag'siuwian ang mga kaibigan ni Erros pati narin ang mga costumer.. Habang busy pa siya sa pakikipag'usap sa ilang naging bisita, kinausap naman ako ni Lily.. Impit pa itong tumili habang yakap yakap ako..
" Bruha ka.. Congrats ha.. Kahit nagtatampo ako sa'yo dahil naglihim ka, okay narin.. Kahit noon pa man alam ko na talagang may something si Sir Erros sa'yo eh.. Ang swerte mo.. " bakas talaga sa mukha nito ang saya.. Kahit naman ako nahihirapan ding maglihim, ayoko lang talagang pangunahan si Erros..
" Salamat ha.. Nasorpresa din naman ako sa ginawa niya kanina eh.. Hindi ko en'expect.. Pero masayang masaya ako.. Sobra.. " napapangiti ako kapag naaalala ang nangyari kanina..
BINABASA MO ANG
The Lost Singer (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song