SANDRO
“Through the years, when everything went wrong, together we were strong. I know that I belong right here with you. Through the years, I've never had a doubt. We'd always work things out. I've learned what love’s about by loving you... through the years...”
Pababa na ako ng hagdan galing sa kwarto ko nang marinig ko ang nakakarinding boses ni Leslie. Umagang umaga ay nambubulahaw na agad siya. Buti na lang at nasa subdivision kami, ang kapitbahay namin ay tatlong poste rin ang layo mula sa bahay namin.
Napailing na lang ako.
Leslie is a talented girl. She's two years younger than me and she acts like a baby. Marunong siyang mag-paint, um-acting, sumayaw... Basically everything about art except for one thing... singing. Hindi ko nga maintindihan eh. Basta anything related sa music ay hindi niya ma-gets. Pero alam kong hilig niya talaga ang kumanta at gusto rin niyang matutong tumugtog ng kahit na anong instrumento. Hindi ko alam kung bakit laging sablay eh. Siguro ay hindi lang talaga meant para sa kanya ang bagay na iyon.
Naalala ko nga one time, sa kagustuhan talaga ni Leslie na matutong kumanta ay nag-hire na ng private voice coach sina Tita Jen at Tito Gio. Oo nga pala, hindi ko pa nabanggit, Leslie is their daughter. I live with them. Matapos ang unos na nangyari sa buhay ko noong twelve years old ako? It's good to know na kinupkop nila ako. Akala ko nga ay mag-isa na lang akong maninirahan sa mansion ng mga magulang ko eh. Buti na lang pala at hindi. Baka nabaliw na ako noon.
Tita Jen and Tito Gio talked me about selling the mansion pero hindi ako pumayag. 'Yon na lang ang natitirang alaala ko ng mga magulang ko, papakawalan ko pa ba? Isa pa, bumibisita pa rin naman ako doon kung minsan. Tuwing death anniversary ni dad, ni mom, birthday nila parehas, at kapag wala lang akong magawa.
Naisip ko na ring doon kami titira ng magiging asawa ko in the future. Kumbaga eh wedding gift sa akin ng mga magulang ko.
Anyway, back to topic. Si Leslie. Ayon nga oh. First thirty minutes palang yata ng session nila noong voice coach niya? Nag-give up na 'yong babae. Sinabihan niya sina Tita Jen na wala na raw pag-asang ma-improve ang singing voice ng anak nila. Nag-suggest pa nga 'yong babaeng ibaling na lang ni Leslie sa ibang bagay ang atensyon niya. Surely, singing is not her thing. 'Wag na raw ipilit. Magandang bata raw si Leslie. I-try daw niyang mag-model.
Tumawa ako ng malakas sa sinabi noong babae. Doon nagsimula ang pagkamuhi ni Leslie sa akin. Ang yabang yabang ko raw. Porke musical genius daw ako ay kung tawanan ko na raw siya. Hindi ko mapigilan eh. Tama naman kasi 'yong babae. Masakit sa pandinig ang boses niya. Sobrang tinis, parang tunog ng latang walang laman.
At saka, masisisi ninyo ba ako kung musical genius ang parents ko?
Kaya bilang pambawi sa “shameless laughing” ko sa kanya? Sinabihan ko na lang siyang unique ang boses niya. Sa sobrang unique, mas mabuti pang sarilinin na lang niya. Binatukan na naman niya ako noon. Ang sadista ng batang 'yon. Grabe. Sinabi ko na lang sa kanyang magpasalamat na lang siya at biniyayaan siya ng talento sa pagsayaw, pagguhit, at pag-arte. Daig pa nga niya ako kasi hanggang pagkanta at pagtugtog lang ang alam ko. Pampalubag loob baga.
“Eh kuya Sandro... Gusto ko lahat alam ko! Parang multifaceted artist ba. Ganun.”
Napailing ako nang maalala ko 'yang sinabi niya. Ang tigas ng ulo ng batang 'to. Sinabi ko na lang na hindi naman lahat ay mapapasa kanya. May dahilan siguro ang Diyos kung bakit hindi Niya hinayaang maging talented sa pagkanta ang bubwit na ito.
Natigil ako sa pagrereminisce nang matisod ako sa pagbaba sa hagdan.
“Shit,” malakas na sambit ko. Napatingin naman sa akin si Leslie na pasayaw sayaw pa habang sinasabayan ng emote ang pagkanta niya.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Teen FictionBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter