Chapter 14

10.1K 133 28
                                    

LESLIE

Nag-l-lunch kami nang biglang lumapit sa amin 'yong mga hipon kong kaklase. Mukha silang fangirls. Sus. Halatang halata silang patay na patay sila sa cute na sophomore ng College of Business and Accountancy. At si Kuya Sandro nga 'yon. Imagine? Umabot hanggang College of Arts and Sciences ang kamandag niya? Nabanggit ko na 'to sa Chapter 9 eh. I guess, hindi ko lang talaga ma-imagine na charismatic siya ng sobra.

Akala ko nga ay pepestehin na naman ako ng mga hipon kong kaklase tungkol doon sa reporting eh. Handa na sana akong tarayan sila at sabihing: Aba! Hanggang dito ba naman sa cafeteria reporting pa rin ang nasa isip ninyo? Lunch lunch din 'pag may time.

Pero nagkamali lang pala ako ng akala dahil imbes na sa akin lumapit ang mga hipon, kay Kuya Sandro pa nga sila dumiretso. 'Yong feeling na kulang na lang ay sunggaban nila 'yong tao dahil sa sobrang pagkahyper nila? Medyo napaatras pa nga si Kuya Sandro sa kinauupuan niya eh. Nakakatakot 'tong mga hipong 'to.

Hi Kuya Sandro! Hi Ate Jam!” fFlushed na bati ng tatlong hipon sa mag-*ehem*-pinsan.

Wow ha! All smiles pa ang tatlong hipon. Sarap sungalngalin ng mga bunganga nila. Mga bastos. Andito kaya ako!? Hindi ako pinansin? Big deal!? Wala lang, pang-asar lang, hindi lang naman sina Kuya Sandro ang nandito sa table eh, anim po kami! Anim! OK. Ang drama ko na. Lumalabas ang performer side ko eh. Tsk. Can't help it. I'm born a star.

Hello!” Pa-demure na ganting bati naman ni Ate Jam sa tatlo. Nag-twinkle naman 'yong mga mata noong tatlong hipon na animo'y binati ng artista. Duh? Artista ba kamo? Parang... ako yata 'yon.

Hi Les! Kuya Denver, Kuya Miguel, at Kuya Charlie.” Hindi agad ako nakahuma nang batiin din kami ng mga hipon. Nag-hello na lang din ako sa kanila at ngumiti ng kimi. Di naman kami close, asa pa. Wala akong ka-close sa mga kaklase ko. Lahat sila, acquaintance ko lang. Ang sama ko ba? Nah, hindi lang talaga ako masyadong nag-o-open up sa mga taong hipon. Joke lang. Ang hyper ko ngayon. Bakit kaya? Ah! Maybe because ayos na kami ni Kuya Sandro at medyo hindi na ako bitter sa fact na andiyan si Ate Jamie sa paligid.

Congrats nga pala Ate Jam!” Narinig kong sabi noong tatlong hipon. Kailangan sabay-sabay? Teka, para saan 'yong congratulations? G-graduate na ba sina Ate? Eh first sem pa nga lang?

Congrats saan?” Kunot-noong tanong ni Ate Jam. Oo nga, congrats saan? Itong mga kaklase ko talagang 'to oh. Kung ano anong pinagsasasabi.

Kayo po 'yong napiling lead role eh!” Muntik na akong mabilaukan sa sinabi nila. Buti naman at hindi natuloy at buti na lang din at wala namang nakapansin. Baka kung ano pang isipin nila kung sakali. Mahirap na.

Hindi ko na napansin nang biglang tumayo si Ate Jam at sinapo ang dibdib. “Talaga?” Manghang tanong niya sa tatlo. Wow, c-in-areer niya. Pwede nang pang-best actress. In the worst performance. Ano raw sabi ko?

Opo! Opo! Posted na po siya sa bulletin board ng Arts and Sciences eh! Diba Leslie?”

Ah... di ko napansin eh,” walang ganang sagot ko sa kanila. Hindi ko naman talaga napansin eh. Kung napansin ko ba edi sana ako pa 'yong unang nag-congratulate kay Ate diba? At tsaka at least, naging prepared man lang ako? Napatingin na lang ako kay Kuya Denver noon. Tumingin din siya sa akin. 'Yong knowing look. Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos.

Biglang nag-iba 'yong mood ko. Ano naman kung si Ate Jam ang lead role? Eh expected na 'yon. Ang ganda ng audition niya eh. Taob na taob ako kung nag-audition ako. Kaya 'yong mga pinagsasabi ni Kuya Denver sa akin noong Friday? Sus. Bola lang 'yon. Asa pa ako. Pero... what if nga nag-audition ako? Posible kayang ako 'yong naging lead role?

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon