Chapter 22

8.9K 106 9
                                    

LESLIE

What just happened?

Kanina lang umaga, ang saya saya ko pa. Pakanta kanta pa ako ng Catch Me, I'm Falling ni Toni Gonzaga eh. Not that I'm a fan of her, medyo sapul lang kasi ako no'ng lyrics eh. At pinatatama ko lang talaga 'yon kay Kuya Sandro.

How can something so wrong feel so right all along?

Alam ko kung anong iniisip niya eh. Este, kung sinong iniisip niya. Sus! Tinatanong pa ba 'yon? Natural! 'Yong magaling niyang pinsan! Si Ate Jamie de Guzman? 'Yong anak ni Tito Jimmy? Na pinsan ni Tita Cassandra? Na nanay ni Kuya Sandro?

'Yong naging ate ko na?

Oo! Siya.

Ito na naman ako eh. Naiinis na naman ako kay Ate Jamie kahit wala namang dahilan. Meron pala pero mababaw. At tsaka, kasalanan ba niyang nabihag niya ang puso ni Kuya Sandro?

Pero mali 'yon diba? Kuya Sandro shouldn't feel that way towards her. Pero bakit sumige pa rin siya? Ano bang gustong marating ni Kuya Sandro? Does he think na may patutunguhan itong kung anumang nararamdaman niya kay Ate Jamie? Does he think Ate Jamie will reciprocate the feeling? I don't think so. Hindi pa naman siguro nasisiraan ng bait si Ate Jamie para patulan ang sarili niyang pinsan.

I was happy earlier this day! In-admit ko na kasi sa sarili kong mahal ko nga si Kuya Sandro. I mean, yeah, matagal ko nang inamin pero iba ngayon eh. Parang gusto kong iparamdam 'yon sa kanya. Kaya nga pakanta kanta pa ako sa bahay eh. I made sure na rinig niya ang pambubulahaw ko.

Hindi naman ako nabigo dahil nilapitan niya ako agad pagkababa niya galing sa kwarto niya. Ginulo pa niya ang buhok ko. Nang mapatitig ako sa maamong mukha niya ay biglang nagrigodon ang puso ko. Ibang klase si Kuya Sandro eh, siya lang ang natatanging nilalang na may kakahayang makapagpatuliro sa akin early in the morning.

Mukhang in love na ang bubwit. Namumula na oh,” tudyo niya sa akin. Agad namang nag-init ang mukha ko sa sinabi niyang 'yon. Takte! Gano'n na ba ako ka-transparent?

But knowing him, alam ko namang hindi niya iisiping sa kanya ako in-love. Eh siya pa? Ang dense dense kaya niya! Sa sobrang pagka-dense niya nagagawa pa niya akong iloko sa iba. Ang saklap 'no? I bet iniisip na naman niya kung gaano ako ka-in-love kay Kuya Denver which is so not true, right?

Tse! Umagang umaga, nambubwisit ka na naman!” singhal ko sa kanya. Siyempre, tinatarayan ko na lang siya para hindi niya ako mahalata. Mahirap nang magkanda-leche-leche ang lahat. I wouldn't sacrifice what I have now with him just for the sake of this stupid feeling I'm feeling.

Tse! Umagang umaga, nambububwit ka na naman!” at tingnan mo nga naman! Nakuha pa niyang gayahin ang boses ko eh! Manggagaya! At anong sabi niya? Nambububwit? Pang-asar talaga siya kahit kailan.

Problema mo Sandro?” walang ganang tanong ko na lang sa kanya. Nakakapagod din makipag-asaran sa taong mahal mo. Lalo na kung alam mong pang-a-asar lang talaga ang meron siya para sa'yo.

Nakita ko siyang natigilan nang sambitin ko 'yon. Oops? Did I just call him Sandro not Kuya Sandro? Hala! Sasabihin na naman nito: Where are your manners, Leslie? I'm two years older. Kuya mo na rin ako! Blah blah blah. Oh sige na, ipamukha na niyang nakababatang kapatid lang talaga ang turing niya sa akin. Ayaw tanggapin ng buong sistema ko eh.

Ah, so Sandro na lang ngayon. Wala kang galang bubwit. Teka nga, diba dapat ikaw 'tong tinatanong ko ng ganyan? Anong problema mo Ate Leslie? Hindi na kita mabiro these past few days.”

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon