SANDRO
“Takte. Nagbibiro ba kayo?”
Hindi ko malaman kung matatawa ba ako o maiinis sa pinagsasasabi nitong dalawang gagong ito. Kailan pa sila naimpluwensiyahan ni Denver? Walangyang gago, nasa malayo na nga pero nagpaparamdam pa rin sa pamamagitan nitong dalawang ito nga.
Nandito kami ngayon sa gitna ng hallway ng College of Arts and Sciences. Pinagtitinginan na kami noong ilang mga estudyante habang 'yong iba naman ay talagang tumigil pa sa paglalakad nila para lang makiusyoso. Paano ba namang hindi sila maiintriga? Bukod sa andito na nga kami sa gitna ng daan, pinag-aagawan pa namin ni Miguel ang braso ng bubwit.
Nagsimula lang naman ang iringang ito sa pagitan namin ni Miguel kaninang umaga sa bahay. Sabay na dapat kaming papasok sa school ng bubwit, na palagi namang nangyayari, nang magulat akong may bumusina sa labas. Pagtingin ko, nakagarahe na ang kotse ng gagong si Miguel sa labas at ika niya, siya na raw ang maghahatid sa bubwit. Idinawit pa niya si Charlie sa mga pakana niya. Hindi agad ako nakahuma sa pagkagulat ko kaya natangay na nila agad ang bubwit.
Nagugulumihanan pa rin ang isip ko kahit nakaalis na ang tatlo sa bahay. Ilang minuto rin akong nagnilay kung anong meron sa araw na ito't naisipan ng dalawang sunduin ang bubwit. Nang wala akong mahagilap na sagot ay patamad na kumilos na ako para makapasok na.
Wala sa mundong pumasok ako ng school. Ni hindi ko na pinansin ang lahat nang bumati, ngumiti, at kumaway sa akin papasok. Nang marating ko ang pintuan ng first class ko, patamad na pumasok lang ako roon at tumabi sa dalawang gago. Ang mas nakakagago pa, tinanong pa nila ako kung bakit ako matamlay. Hindi ko na lang sila pinansin at ngumuso na lang.
Lutang ang isip ko buong klase. Business Math pa mandin 'yong subject. Hindi ko na namalayang tapos na pala 'yong klase at nagsisialisan na 'yong mga kaklase namin patungo sa next subject kung hindi pa ako tapikin ni Charlie. Napabalikwas ako ng upo at humarurot palabas ng silid. Narinig ko pa ang sabayang pagtawa ng dalawa.
Nang marating namin ang next room para sa next subject, patamad na umupo na lang ulit ako sa upuan ko. Tumabi lang din sa'kin ang dalawang gago.
“Yo Sandro. Tulala ka ah. Anong problema mo?” seryoso? Kailan pa naging ganito kapakialamero itong Miguel na ito? Kanina pa siya tanong nang tanong sa akin noong first period ah? Hindi ba niya alam na silang dalawa ni Charlie ang problema ko? Panira sila ng diskarte eh. Kita namang dinidiskartehan ko na ang bubwit, tsaka pa sila umeksena.
Tumingin na lang ako sa kanya ng walang kaimik-imik. Lahat na lang ay kinatamaran ko ngayong araw na ito. Maging ang pagsasalita.
“Hoy gago!” suntok naman ni Charlie sa balikat ko. Hindi ko rin siya pinansin. Manigas siya. Wala akong pakialam sa kanila ngayon.
Naggive up na rin naman sila eventually at tahimik na umupo sa tabi ko. Patuloy lang naman ako sa katamaran ko habang hinihintay ang prof namin.
“Kuya Sandro!” napaangat ako ng tingin ko nang makarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko. Nakita ko ang bubwit na nakatayo sa entrada ng classroom namin. Nang magtama ang mga tingin namin ay ngumiti siya sa akin at kumaway. Putek! 'Yong katamaran ko sa katawan ko ay biglang nalusaw dahil sa simpleng ngiti at hand gesture niya.
Coz you, you've got this spell on me. I don't know what to believe. Kiss me once now I can't leave cuz everything you do is magic.
Ang bakla talaga. Bigla pang tumugtog 'yong isang kanta ng sikat na boyband ngayon sa utak ko. Pambihira.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko para lapitan ang nag-aabang na bubwit. Ang kaso, hindi pa man lang ako nakakadalawang hakbang ay hinila na ng dalawang gago 'yong laylayan ng polo ko sa likod. Ang nangyari, nagbounce back ako pabalik sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Teen FictionBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter