LESLIE
Breathe in, breathe out.
Hindi ako iiyak. Malakas ako. Wala lang 'to. Hindi ako iiyak. Hindi. Hindi talaga.
Damn! Napapikit ako ng marahas dahil sa sobrang frustration. Sabi ko, walang epekto sa akin ang sinabi ng mga haliparot kani-kanina lang. Pero mali ako dahil sobrang apektado ako. Bakit gano'n na lang ang galit nila sa akin? Bakit kailangan kong iwasan si Kuya Sandro? Ha! Anong akala nila, makikinig ako sa kanila? Hindi nila hawak ang buhay ko. Gagawin ko kung anuman ang gusto kong gawin. Hindi ko kailangang kumunsulta sa kanila. I don't need to please them.
Ang nakakatawa pa, tinawag nila akong slut. Ha! Women these days. Alam ba talaga nila ang kahulugan ng salitang sinasabi nila? Palibhasa kasi sa mga tao ngayon, walang pakundangan kung magsalita. Hindi muna nag-iisip. Puro emosyon ang pinapairal. Nakakaawa naman sila.
Pero sa totoo lang, naaawa din ako sa sarili ko. Nananahimik lang ako dito sa isang sulok tapos kung ano anong problema na ang dumating sa buhay ko. Kasalanan ko bang mahal ako ni Denver? Kasalanan ko bang mahal ko si Kuya Sandro? Kasalanan ba ang magmahal? Diba hindi naman! Ba't ba kasi lahat na lang eh pinapakialaman nila eh. Nakakainis.
Sa sobrang frustration ko, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng munting butil ng luha sa mata ko. Pinapakalma ko pa rin ang sarili ko nang marinig ko ang tinig ni Miss Ong na sinesettle na ang mga estudyante sa Music Hall dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang play. Napatalon ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Lumingon ako para makita si Ate Jamie na papalapit sa kinatatayuan ko. Agad kong pinahid ang mumunting luhang naglandas sa pisngi ko.
Hinarap ko siya at nang makalapit na siya ng tuluyan sa akin ay nginitian ko siya. 'Yung ngiting peke. 'Yung kunwari eh abot tenga. 'Yung halos mapunit na ang mukha ko. Binigyan niya naman ako ng nagtatakang mukha. Iniisip niya sigurong ang weird ko dahil wagas naman kung makangiti ako sa kanya.
“Ate Jamie.” tumango ako sa kanya.
“Leslie! Kanina ka pa namin hinahanap! Gahd, andito ka lang pala! Sobrang alalang alala sa'yo si Miss Ong. Sa'n ka ba pumunta?” sunod sunod na tanong niya sa akin.
“Ah, umihi kasi ako eh.” tipid na sagot ko naman. Tiningnan niya muna ako ng mataman bago tumango.
“Eh ba't ang tagal mo naman yata?”
Hindi ako umimik at nang mahalata niyang wala akong balak magsalita ay hinila na niya ako papasok sa Music Hall. Nakisiksik pa kami sa dagsa ng mga estudyanteng papasok pa lang ng hall at kulang na lang ay itulak ni Ate Jamie isa isa para makadaan lang kami.
Hinarap niya ako nang nasa may pinto na kami ng hall. Tiningnan niya ang buhok ko at hinawakan.
“Anong nangyari sa buhok mo? Nagulo na! Tara na, ipaayos na ulit natin 'yan. Baka magalit na ng tuluyan si Miss Ong sa atin.” tarantang sambit niya sa sarili niya at patuloy na hinila ako. Bago pa kami makarating sa backstage ay sumulyap pa ako sa front row ng seats at nakita ko roon ang mga haliparot na may kagagawan ng pagkasira ng buhok ko. Tumitig din sila sa akin, lalo na 'yung lider nila, at isa isa akong tinaasan ng kilay. Nakataas din ang baba nila as if challenging me. Parang sinasabi ng mga titig nilang, “We'll be watching you. Be careful.” Napalunok ako.
“Anong tinitingnan mo? Leslie!” sigaw ni Ate Jamie sa akin. She snapped her fingers at me at tiningnan din ang direksyon ng tinitingnan ko. Bumalik ang tingin niya sa mukha ko with a confused and curious look. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at hinila na siya papuntang backstage.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Teen FictionBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter