Chapter 31

8.5K 88 27
                                    

SANDRO

Everything is fine.

Wala ng alitan sa magbabarkada.

Wala ng ilangan sa pagitan namin ni Ate Jamie. Tanggap ko ng hanggang pinsan lang talaga ako. That I shouldn't go beyond that. Everything I did in the past will now serve as a lesson for me. Masasabi ko ring mas lumago ako bilang isang tao dahil sa nangyaring iyon sa buhay ko.

Leslie and Denver are going there. Konting tulak na lang sa dalawang iyon at makakarinig na rin kami ng wedding bells, soon. Joke lang. Leslie's too young for that. But you get the picture, right? Nando'n na sa puntong realization of feelings niya si Leslie. And I can't help but be happy at that thought. Siyempre, best friend ko at itinuturing kong kapatid, nagkatuluyan? Hindi ba ako ma-p-proud do'n?

Although there's this tiny voice inside my head telling me not to be happy for the two. That I should do something. Pero ano naman? Oo, inaamin ko, medyo nagtatampo ako kay Leslie. Bihira na kasi kaming magkulitan. Medyo namimiss ko na rin eh. Palagi na lang kasing si Denver ang kasama niya. At sa t'wing uuwi naman siya sa bahay, diretso kwarto agad siya. Sa umaga naman, hindi rin kami masyadong makapag-usap dahil maaga siyang sinusundo ni Denver. It's like Denver is pulling Leslie away from me. Medyo nakakalungkot lang.

Namimiss ko na ang bubwit ko.

Okay, enough with the Leslie thing. Another thing na ikinasasaya ko ay ang pamumuo ng isang romansa sa pagitan ng pinsan ko at isang best friend ko pa. Sa wakas, nakahanap na rin si Ate Jamie ng lalaking magmamahal sa kanya. 'Yong walang restrictions. 'Yong malaya silang magmahalan. 'Yong hindi kailangang magtago o maglihim. 'Yong something na pwede niyang ipagmalaki sa lahat. Gano'n. Although aaminin ko ring mahal ko pa rin talaga si Ate Jamie, mas nananaig naman ang kasiyahang nararamdaman ko nang malaman kong mahal siya ni Charlie. Buong pusong ipinagkakatiwala ko na si ate kay Charlie dahil sigurado naman akong aalagaan niya ng husay si ate. At kung sasaktan naman niya ito, dapat na siyang kabahan dahil lahat kami ay gugulpihin siya.

Si Miguel... ayon... going strong with Tiffany. Ano pa bang sasabihin ko sa relasyon nila? Eh bago pa magsimula ang kwentong 'to ay sila na talaga. They've had numerous ups and downs but they got through all of it. Nakailang make and break up na rin ang dalawang 'yon pero tingnan ninyo nga naman, hanggang ngayon ay sila pa rin. Guess they really just love each other that much.

Tita Jen and Tito Gio... well, what can I say? Kahit gurang na sila, they're still so much in love with each other. Parang hindi kumukupas ang pagtitinginan nila. Daig pa nila ang mga teenager ngayon kung makapaglandian. I've never seen Tito Gio grow tired of Tita Jen. Never.

Tito Jimmy and Tita Janine, well, same lang din kina Tita Jen and Tito Gio. Edi sila na ang oldies in love. Kung magsalita naman ako parang senior citizen na sila.

Hay. Buti pa sila, masaya. Eh tanungin ko kaya ang sarili ko?

Masaya ba ako?

Looking at them all, I can say that I am happy indeed. Walang halong biro. Oo, hindi pa dumarating 'yong babaeng nakalaan para sa akin, pero hindi naman 'yon dahilan upang malungkot ako. I still got a long way to run. Marami namang mga bagay sa paligid ko ang nakakapagpasaya sa akin. Hindi lang babae ang source of happiness. Although I'll admit, parte rin 'yon.

Everything is fine. Or so I thought.

Pababa pa lang ako ng hagdan nang maabutan ko ang bubwit na handa ng pumasok. Isinukbit na niya ang bag niya sa kanang balikat niya nang magawi ang tingin niya sa bagong gising na ako. Ngumisi lang siya at saka bahagyang nag-wave sa akin.

She smiled. “Good morning Kuya Sandro!” she greeted me, beaming. Hindi ko tuloy napigilang hindi gantihan ang ngiti niyang 'yon. Nakakadala eh.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon