SANDRO
Sinadya kong agapan ang pagpasok sa school ngayon dahil alam kong maaga rin si Leslie papasok. 'Yon pa? Nakabisa ko na ang schedule niya simula nang iwasan niya ako sa bahay noong Wednesday evening. Noong gabing sinabi niyang may lagnat daw siya kaya hindi siya nakapag-audition.
Langya naman. Magdadahilan na nga lang siya hindi pa niya ginalingan. Nakita ko pa siyang umalis ng Music Hall noon eh, nakayuko. And I didn't notice na may lagnat siya. I mean, c'mon. Kung magkakalagnat 'yon, hindi na noon makakayanang tumakbo pa gaya nuoong ginawa niya palabas ng Music Hall.
Ang ipinagtataka ko lang... why didn't she tell me? Diba? Ano 'yon, para saan lang pala 'yong itinuro ko sa kanya noong weekend? Wala lang? Hindi ko naman sinasabing nasayang lang 'yong pagtuturo ko sa kanya dahil alam kong magagamit niya rin 'yon. Pero kasi, ang purpose noon ay para sa audition.
To be honest, I really thought that she will make it. Kahit hindi ko pa napapanood 'yong ibang auditionees, alam ko nang siya ang pipiliin para sa lead role. Kahit 'yong practice pa lang niya ang napapanood ko, sigurado na ako doon. Why, hindi ko maipaliwanag eh. Basta, kahit alam kong panira lang talaga sa pandinig 'yong timbre ng boses niya, namanage niyang hindi ako inisin. Bagkus, nakangiti lang ako all throughout her practice. Confident siya eh. 'Yon ang edge niya. Kahit alam niyang hindi siya kagalingan, confident naman siya sa sarili niya. She handles herself very well. Tunay na performer talaga siya. Kaya nga vinideo ko pa siya noon eh. Para ipagmalaki siya sa Three Musketeers. At alam kong bibilib din ang mga 'yon kay Leslie. Lalo na si Denver. 'Yon pa. Inlove na inlove 'yon sa bubwit na 'to eh.
Kaya nanghinayang talaga ako noong pagtawag sa pangalan niya ay 'yong SA ang lumabas at sinabi 'yong lamest excuse na pwedeng maisip ng isang Leslie Ortega. Why, I really want her to be part of the play. Siya ang gusto kong makapartner dahil alam kong kahit hindi ako maalam umarte ay madadala naman niya ako dahil sa magaling naman siyang umarte. Diba ganoon 'yon? Parang sa isang sayaw, kahit hindi magaling 'yong isa, basta magaling 'yong kapareha niya, overall ay magaling pa rin sila as partners. 'Yuon sana 'yong naiisip ko eh. Isa pa, hindi na magiging awkward para sa akin kung siya man itong makapareha ko. Comfortable naman ako when I'm with her. Sa tinagal na ba naman kasi ng pinagsamahan namin? Ewan ko na lang kung hindi pa ako maging komportable nito.
At exactly 6 AM nga ay andito na ako sa school. Alam ko kasing 6:30 pa ang dating ni Leslie eh. So I have to wait for another 30 minutes. Ewan ko ba kung bakit ko 'to ginagawa. Medyo naiirita na kasi ako sa kanya eh. Bakit ba siya umiiwas sa akin? Takot ba siyang mapagalitan? Eh hindi ko naman siya kagagalitan kung sakali eh. Desisyon naman niya 'yon kung hindi na niya feel mag-audition. Medyo namimiss ko na kasi ang bubwit na 'yon. Wala na kasing maingay sa bahay eh. Alam kong nagtataka na rin sina Tita Jen at Tito Gio but they opted to remain silent. Isa pa, hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanila sakaling magtanong man sila.
Magkagalit ba kami ni Leslie? Diba hindi naman? Magkatampuhan? Diba hindi rin naman? Ano ba kasi 'yong dahilan?
Kaya nga ako andito sa labas ng room nila diba? Para nga malaman ko 'yong sagot.
Nakapamulsa lang ako habang nakatungo. May ilang estudyanteng bumabati sa akin partly because alam nilang ako 'yong bida sa play. Ganoon naman 'yon. Nagiging instant celebrity ka kapag naging parte ka ng play. Lalo na't musical play 'yon.
Maya-maya ay may narinig akong footsteps. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sina Leslie at Denver. May sinabi pa si Leslie kay Denver at nginitian niya ito pagkatapos. Nagngitian lang sila. Wow. Napangiti na lang din ako. At least, kahit iniiwasan ako ni Leslie ngayon ay improving naman pala ang lovelife ng bubwit na ito. May mabuting naidulot din pala itong pag-iwas ni Leslie sa akin. Kahit na-w-weirduhan talaga ako kung bakit niya 'yon ginagawa.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Genç KurguBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter