Sleeping with Sirens version of Iris by Goo Goo Dolls, imagine-in n’yo na lang na si Sandro ‘yong kumakanta. --->
PS, Bun stickers used in this chapter --->
PPS, MAY NEW COVER ANG TWISTED PAST!!!!!
**
LESLIE
Mahal ko si Kuya Sandro.
The past months of my life have been a whirlwind of events for me. Nagsimula ang kwentong itong may lihim na pagmamahal ako kay Kuya Sandro, na simula pagkabata ay kasama ko na sa iisang bubong. Nito lang nang mapagtanto kong hindi lang basta kuya ang turing ko sa kanya kundi higit pa roon. Itinago ko ang nararamdaman ko sa kanya dahil alam kong pagkakatuwaan lang niya ito.
Sa kalagitnaan ng pagmamahal ko kay kuya, biglang bumalik mula sa States si Ate Jamie, pinsan niya. Dahil sa pagbabalik na ito, nagulo ang tahimik na buhay ko.
Posible pala talagang magmahal ka ng taong hindi para sa’yo ‘no? Totoo pala talaga ang forbidden love. Kasi minahal ni Kuya Sandro si Ate Jamie, ang pinsan niya. Sa murang edad na sixteen, naranasan ko na ang pinakamapait na heartbreak. Masakit malamang hanggang nakababatang kapatid lang ang tingin sa akin ni kuya pero mas masakit malamang nasasaktan siya dahil sa pagmamahal na nararamdaman niya.
God knows how much I wanted to tell Kuya Sandro back then about my feelings for him. Gustong gusto ko na siyang sigawan at sabihing, “Bakit ba kasi kung saan saan ka pa tumitingin? Andito ako oh. Nasa harap mo lang. Ilang taon na tayong magkasama sa iisang bahay at sapat na ‘yon para magkaroon ka ng pagtingin sa akin. Pero bakit hanggang ngayon wala pa rin? Bakit hindi mo kayang ibaling ang atensyon mo sa akin? Bakit kailangang kay Ate Jamie pa?” Masakit eh. Sobrang sakit. Mas matatanggap ko pa kung ibang babae ‘yon eh. Pero si Ate Jamie kasi ‘yon. Alam kong masasaktan lang siya kapag lumalim pa ang pagtingin niya para dito. At alam kong kapag nangyari ‘yon, hindi lang siya ang madudurog ang puso, ako rin.
Dahil sa pagmamahal ni Kuya Sandro kay Ate Jamie, hindi ko tuloy sinasadyang magalit bigla kay ate. Nabahiran ang pagkakaibigan namin. Hindi ko magawang tingnan siya sa mga mata at pakisamahan pa dahil wala akong ibang naiisip kundi kung gaano siya kaswerte at siya ang nakapukaw sa damdamin ni Kuya Sandro. Doon ko napagtantong hindi sapat na matagal na kayong magkakilala para mahalin ka rin niya. Kasi nang dumating si Ate Jamie, biglang parang nawala ako sa eksena. ‘Yong dating sobrang pag-aalaga at pag-aalala ni kuya sa’kin, napunta lahat sa kanya.
Sa lahat ng sakit na ito, nagparamdam si Kuya Denver sa akin. Matalik na kaibigan siya ni Kuya Sandro. Kung gaano ang pagkagusto ko kay Kuya Sandro, ganoon din ang pagkamuhi ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagkamuhi ko sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama kung tutuusin. Kapag si Kuya Sandro ang mang-aasar sa akin, lihim na kikiligin ako. Pero kapag siya ang mang-aasar sa akin, maaasar talaga ako.
Hindi ko nakita ang pagmamahal niya para sa akin. Para sa akin, isa lang siyang nakakainis na nilalang. Hindi ko alam na sobrang laki ng impact noon sa kanya. Hindi ko alam kung gaano na siya nasasaktan dahil sa mga maliliit na bagay na nagagawa ko sa kanya.
Sa sobrang pagmamahal ko kay Kuya Sandro, hindi ko na nakikita pa ang mga taong handa akong mahalin ng buo. Sa isip ko, kahit ilang beses akong saktan ni Kuya Sandro, okay lang. Hindi na ako naghangad ng ibang taong sasalo sa akin. Mahal na mahal ko kasi siya.
Pero dahil na rin sa sakit na dulot ng mga pangyayari, nakagawa ako ng isang maling desisyon. Binigyan ko ng pagkakataon si Kuya Denver upang makapasok sa buhay ko. Pinilit ko ang sarili kong ibaling sa kanya ang pagmamahal ko. I thought I succeeded. Pero nang bumalik si Kuya Sandro sa akin at amining mahal niya ako? Bigla akong naguluhan. Akala ko sigurado na akong si Kuya Denver ang mahal ko. After all, mahal niya rin ako eh. Pero hindi pala.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Teen FictionBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter