LESLIE
I don't know what do to or do I really have to do something about it?
Parang kahapon lang noong ang saya-saya pa namin ni Kuya Sandro. Katatapos lang ng play naming naging kalbaryo rin sa mga buhay namin. Tapos biglang ganito? Ewan ko na. Ako'y naguguluhan na talaga.
Sign na ba itong kailangan ko na talagang bumitaw kay Kuya Sandro?
I mean, c'mon. Wala namang kami hindi ba? He just admitted to me that he loves me, too. Akala ko, dream come true na malamang may nararamdaman din pala si Kuya Sandro sa akin. After everything that happpened to us all. Pero hindi, bakit ngayong nalaman kong pareho lang pala ang tinitibok ng mga puso namin, bakit hindi ko magawang magbunyi? Bakit hindi ko kayang suklian agad? Bakit hindi ko agad masabi ang nararamdaman ko? Bakit naghohold back ako?
Isang pangalan lang ang makakasagot niyan: Denver.
Kasi, sa mga panahong hindi pa ako napapansin ni Kuya Sandro at ang pinsan pa niya ang pinagpapantasyahan niya, andiyan si Denver. Nang mga panahong bubwit na nakakainis pa lang ang tingin niya sa akin, may pagtingin na sa akin si Denver. Nang mga panahong akala ko wala ng pag-asa, binigyan ako ng pag-asa ni Denver.
Kasi ng mga panahong hindi pa ako mahal ni Kuya Sandro, mahal na mahal na ako ni Denver.
Kaya ang gulo na ngayon eh. Pinagulo ni Denver ang utak ko. Ang dali na sanang magdesisyon ngayon kung hindi siya napamahal sa akin, hindi ba? Ngayon, sabihin n'yo sa akin, ano ba ang dapat kong gawin?
Si Denver, oo, alam ko at ramdam kong tunay ang pagmamahal niya sa akin. But he left.
Si Kuya Sandro naman, oo, alam kong mahal niya ako, pero ramdam ko bang tunay 'yong pagmamahal niya sa akin? Hindi ko alam. Pero nandito siya diba? Pero kailangan bang magkalapit ang puso para lang masabing tunay at wagas ang nararamdaman nito? Minsan, when there's the absence of the heart, doon mo lalo makikitang totoo ito.
Pero... mahal ko si Kuya Sandro.
At ano? Mahal ko rin si Denver?
Ahhhhh! Hindi ko alam! Jusko pag-ibig, lubayan mo ako! Ayoko pang mabaliw kaiisip. Bata pa ako para sa mga ganito kaseryosong bagay. Leche, ang ganda ko lang talaga eh. Pinag-aagawan ako ng magbest friend. Pambihira.
Nagising ako the next morning, pagkatapos ng play ng masaya. Mas maaga akong nagising ngayon kumpara kay Kuya Sandro. Hmm, bakit kaya? Eh normally, siya pa ang gumagambala sa masarap kong tulog eh. Pero pinabayaan ko na 'yon. Imbes na gisingin na rin siya ay hinayaan ko na lang na matulog pa siya. Pinaghanda ko na muna ang mga sarili namin ng breakfast namin. Alam ko namang kahit hindi siya magsalita ay namimiss na rin niya ang mga pancakes na niluluto ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ko nang marinig ko ang nakakagising na boses ni Kuya Sandro.
“I'm walking on sunshine, woah! I'm walking on sunshine, woah! And d—” Aba! Mukhang good mood ang unggoy ah? May pakanta kanta pa kasing nalalaman. Sinilip ko siya mula dito sa kinatatayuan ko sa kitchen at nakita kong nag-uunat siya ng mga buto niya. Ngunit natigil din siya mid-air nang makita niya ang mga bisita niyang prenteng nakaupo sa couch.
Nandito kasi sa bahay sina Kuya Miguel at Kuya Charlie. Nagulat nga rin ako eh. Isa ito sa mga dahilan kung bakit napaaga ang gising ko ngayon. Biruin mong tumawag sila sa phone ko ng mga 5:00 yata? Sinong hindi maaalimpungatan noon?
At nakakagulat pang lalo, pinagmamadali pa nila akong mag-ayos. Maaga raw kaming papasok ngayon. Sinabihan ko nga silang gigisingin ko muna si Kuya Sandro pero pinigilan nila ako. 'Wag ko na raw 'yong gawin dahil hindi naman si Kuya Sandro ang sinusundo nila, kundi ako.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Fiksi RemajaBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter