SANDRO
“Dammit,”
Hinila ko patungong parking lot ang walang kamuwang muwang na bubwit. Inilayo ko siya sa mga gunggong na magpaparty pa raw para sa success noong musical play. Damn. Hindi ko alam kung anong problema ko pero ayoko lang siyang makitang kasama ng iba. Gusto ko ako lang ang kasama niya. Ayokong nakikipagngitian siya sa iba habang ako ay mag-isang nakatitig lang sa kanya. Ang labo ko ba? Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako eh.
Basta simula nang maramdaman kong tumibok ang puso ko at makilala siya nito, nagkaroon na ako ng urge na protektahan at bakuran siya. Sounds selfish, right? Wala akong paki. Gusto ko ako lang ang nakikita niya.
Tahimik na nagpatianod naman siya sa paghila ko sa kanya. Nang makarating kami sa pwesto ng kotse ko, isinandal ko siya doon at kinulong sa magkabilang bisig ko. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Potek, nakakalunod ang mga mata niya. Nakita kong lumunok siya at pinigilan ko lang ang sarili kong ngumisi. Guess I have an effect on her, huh?
Bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi niyang natikman ko na naman kanina. Napangisi ako ng lihim. Alam kong ako pa lang ang nakakahalik sa kanya sa paraang ginawa ko kanina dahil alam kong hanggang smack lang sila ni Denver. Ako pa rin ang nagmamay-ari sa mga labi niya at wala akong balak na ipahalik siya sa ibang lalaki. Maging si Denver ba 'yan. Bumaba nang tuluyan ang tingin ko sa dibdib niya pabalik sa labi niya. Shit. Bigla akong nag-init. Potek. Ano ba 'tong pinag-iiisip ko? Para ko na ring binastos ang bubwit na 'to sa paraan ng pagtitig ko. Ahhh!
Namumula ang pisnging tiningnan ko siya sa mga mata niya. Ah peste. Nakakahipnotismo ang mga mata niya. Parang namamagnet akong tumitig lang sa kanya. At ang nakakagago pa, kinagat pa niya ang labi niya. Peste. Nang-aakit ba ang bubwit na 'to? Hirap na hirap na talaga akong magpigil pero sa totoo lang, gusto ko na siyang sunggaban dito sa parking lot.
Nag-iwas na lang ako ng tingin at sinuntok ang magkabilang gilid niya. Shit. Pahiyang pahiya ako roon ah. Konti na lang talaga at mawawala na ako sa ulirat ko.
Lumayo na ako sa kanya at pinatunog ang sasakyan. Umikot na ako patungong driver's seat habang iniiwasang tumingin ulit sa mga mata niya. Mahirap na.
“Get in the car, Leslie,” matigas na sabi ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya. Tahimik na sinunod niya naman ako at pumasok na sa loob. Wala kaming imikan hanggang sa makarating na kami sa bahay. Patay lahat ng ilaw. Marahil ay umalis na naman sina Tita Jen at Tito Gio. May habit kasi ang dalawang 'yong iwan na lang kami sa gitna ng gabi ng hindi nagpapaalam.
Narinig kong bumuntong hininga si Leslie at humarap sa akin. Patagilid ko lang naman siyang tiningnan.
“Nakalimutan ko, umalis nga pala ulit sina Mommy. Tsk. Tara na Kuya Sandro, nagugutom na ako,” nauna na siyang pumasok sa loob ngunit pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghila sa braso niya. Napatigil siya sa paghakbang at lumingon sa akin. Napalunok ulit ako at dahan dahang pinadausdos ang palad ko sa palad niya. Namula siya at napatingin sa magkadaup naming mga palad. Potek, ang gay nito.
Tumingin ulit siya sa akin matapos ang saglit na katahimikan.
“Ahh...” sambit niya. Napakamot ako sa batok ko.
“Ahh...” ulit ko sa sinabi niya. Ah potek, nakakagago.
“Sorry kanina bubwit. Wala kasi ako sa mood magparty ngayon eh. Sorry kung dinamay pa kita,” nahihiyang paumanhin ko sa kanya habang nakayuko. Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita kong tipid na nakangiti siya sa akin. Parang literal na lumiwanag ang buong paligid nang gawin niya 'yon. Saglit din akong natigilan at napatitig sa kanya. Partikular na sa mga ngipin niya.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Teen FictionBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter