Chapter 46

5.4K 106 15
                                    

SANDRO

Bagong umaga. Bagong simula.

Nak ng! Kung ganito naman ang bubungad sa’yo paggising mo eh, gaganahan ka pa kayang mabuhay? Takte!

Kagigising ko lang ngunit badtrip agad ako. Hindi tumunog ‘yong alarm clock ko eh. Pagtingin ko pa doon sa oras, alas siete na raw. Damn! Walang nanggising sa akin? Langhiya naman oh.

Makakilos na nga lang. Lalo akong malelate dahil sa pagrereklamo ko eh.

Bumaba ako ng hagdan na parang walang nangyari kagabi. Teka—ano bang nangyari kagabi? Nake’y ako’y limot? May nangyari ba? Teka, hindi naman ako naglasing. Bakit wala akong matandaan?

Sige Sandro, deny pa!

Takte! Bagong buhay na nga diba? Hindi na ako magpapakabitter ngayon dahil lang sa bubwit. Tsk! Leche! Bumalik na naman lahat ng kadramahan ko sa buhay nang banggitin ko ang salitang ‘yon—bubwit.

Bibigyan ko muna siya ng oras at panahon para makapag-isip kung sinong pipiliin niya sa amin ni Denver. At siyempre, kung anuman ang magiging desisyon niya ay tatanggapin ko ng buong buo. Joke lang. Hindi na buong buo, siguro mga kalahati lang. Masakit din siguro kung hindi ako ang pipiliin niya diba? Kahit naman sinabi na niyang ako ‘yong mahal niya simula pa lang. Eh dumating si Denver eh, at minahal niya rin ang gago. Kahit ako ang orihinal, medyo tagilid din ang laban. Pero hindi ako susuko. Para saan pa’t minahal ko ang bubwit kung basta basta lang din pala akong susuko? Ni hindi ko pa nga napapatunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal eh. Puro salita pa lang ako. Alam ko, malaki ang pasakit na naidulot ko sa kanya noong mga panahong nahumaling pa ako sa pinsan ko. Na imbes na sa kanya ako tumingin, ay hindi ko ginawa. ‘Yung mga panahong mahal na mahal niya ako kahit iba naman ‘yong gusto ko. Sorry Leslie, I know you deserve to be loved the most.

Dumiretso na ako sa hapagkainan para magbreakfast. Nakita ko pa si Tita Jen sa sala, nanonood ng morning show. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay nilingon pa niya ako at nginitian.

“Late ka yatang nagising ngayon Sandro?” bati pa sa akin ni Tita. At nagawa pa ngang mang-asar ni Tita. Kulang na lang eh sagutin ko siya ng, “Hindi n’yo po kasi ako ginising eh. Si Leslie po kaya?” Pero hindi ko ‘yon ginawa. Nginitian ko na lang siya at tumungo na sa kusina.

Nagulat pa ako nang madatnan ko ang bubwit doon. Tahimik na dinadasalan ang pancake na agahan niya. May pakiramdam akong natutulog na naman ang isang ‘to. Puyat kaya ang bubwit? Pero bakit naman? Patapos na ang sem at alam kong wala na siyang requirements na kailangang tapusin. So bakit siya mapupuyat?

Tahimik na lumapit ako sa mesa at umupo sa katapat niya. Nakatungo ang bubwit at nakapikit nga ang mga mata. Sabi na nga ba! Natutulog ang bubwit eh!

Kung normal na araw lang siguro ito, baka kanina ko pa pinitik ang noo nito at sinimulang asarin ng wagas. But I couldn’t get myself to do that. Not now, not ever. Feeling ko, nagsisimula na akong ma-awkward-an sa pagitan naming dalawa. At kailan pa ako naging ganito kapag kasama ko ang bubwit? Sa pagkakaalam ko, sa kanya ako pinakakomportable. Ni mangulangot nga sa harap niya ay nagagawa ko eh.

Tinitigan ko lang siya ng ilang saglit bago nagsimulang hainan ang sarili ko. Dahan dahan akong kumuha ng pancake at butter. Nakatitig lang ako sa bubwit habang nilalagyan ng butter ‘yong pancake ko. Para akong sira.

Maya maya pa ay kumilos ang bubwit. Itinuon niya ang kanang kamay niya sa ibabaw ng mesa at napangalumbaba. Ayos ah! At humikab pa siya ng malaki. As in, ‘yong tipong kita ko na pati tonsils niya. Kumurap kurap pa siya pagkatapos noon. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya ‘yon na maging ‘yong butter sa tinidor ko ay natunaw na. Hindi ko na tuloy namalayan nang magmulat siya ng mga mata niya at nagtama ang mga titig niya at titig ko.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon