Chapter 3

16.4K 213 28
                                    

A/N: Dedicated to Doll, my everything. LOL! She's the reason behind Twisted Happiness' simple but very appealing cover. Thank you Doll so much! I love you! I miss you! :*

**

SANDRO

Masayang natapos ang pag-b-breakfast ko kanina. Paano ba naman kasi, hindi na ako nagpakabitter ng kaunti ngayon. Hinayaan ko na lang na dumaloy sa isipan ko 'yong mga masasayang araw namin nina mom and dad noon at hindi ko na hinayaang maapektuhan ako ng mga iyon. At tingnan mo nga naman ang naging resulta, nagkabonding kami ng kaunti ng bubwit na si Leslie at nabusog din ako.

Wala naman palang masamang kalimutan ng bahagya 'yong mga pait at kalungkutan ng nakaraan ano?

Kasi dati, kapag sina Tita Jen at Tito Gio ang naghahanda ng breakfast, which is pancakes rin, ewan ko nga ba kung anong meron sa pancakes at hilig nilang gawing agahan 'yon eh. Nahawa yata ang dalawang iyon kina mom and dad. Tititigan ko lang 'yong hinanda nila at tsaka malungkot na iiling sa kanila. Hindi na ako mag-b-breakfast noon hanggang sa magkulong na lang din ako sa kwarto maghapon.

Simpleng pancake pero ang daming pinanghahawakang masasaya at malulungkot na alaala para sa akin.

OA na ba ako? Gay na gay na ba ang dating?

Wala akong pakialam, mainis o masura man kayo sa kadramahan ko sa buhay. Ang isipin pa lang na kakalimutan ko ang nakaraan ko, hindi ko na kaya. Para kasing ibig sabihin noong kalimutan ko na rin sina mom and dad eh, which is, hindi ko nga kaya. Hinding hindi ko 'yon magagawa. Sila ang bumuo sa akin eh. Kalahati sila ng parte ng pagkatao ko. Hindi ako magiging si Sandro ngayon kung wala sila. Diba?

Anyway, bago pa maging madrama na naman ang parteng ito ng buhay ko, tumayo na ako sa pagkakaupo ko habang himas himas ang tiyan ko. Grabe, napasobra yata ako ng kain ng pancake. Ito namang si Leslie, parang naligayahan pa. Ang dami ng niluto eh. Nagmamaigi lang?

“Oh, Kuya Sandro, kaya mo pa bang lumakad? Mukhang busog na busog ka ah,” panloloko pa sa akin ng bubwit. Inirapan ko lang siya at tumalikod na sa kanya. Narinig ko pa ang mala-mangkukulam na pagtawa niya. Creepy.

“Yuck kuya. Ang gay gay mo talaga!”

Hindi ko na siya pinansin at umakyat na ako sa kwarto ko. Maliligo na ako at mamaya ay pupunta akong school. Mag-e-enroll ako. Wala pang isang oras ay bihis na ako at bumaba na rin. Sinalubong ako ni Leslie na cool na cool na nakasalampak ang mga paa sa center table habang nanunuod ng cartoon. Di ko alam 'yong title kasi di naman ako mahilig sa mga ganoon. Mas hilig ko pa ang magkulong at mag-emo sa kwarto ko. Siyempre joke lang.

Nakataas ang kilay na tinitigan ako ng bubwit habang tinutuyo ko 'yong buhok ko noong tuwalya. Tinaasan ko lang din siya ng kilay.

“Wow. Fresh. Sa'n ang date natin?” Kahit kailan talaga, ang tsismosa ng bubwit na ito. Kaya hindi ako nagdadala ng chicks dito eh. 'Yong first and last girl na dinala ko rito ay si Samantha, kaklase ko nong high school tapos long-time crush din. Nililigawan ko na siya ng mga panahong iyon. Sumama siya pag-uwi ko dahil gusto raw niyang makilala 'yong mga kumupkop sa akin. Alam kasi niya 'yong kwento ng buhay ko. Naidaldal ko na sa kanya dati dahil nga crush ko siya at nililigawan na rin. 'Wag ninyo nang itanong kung anong konek noon. Basta 'yon na 'yon.

So ayon nga, umuwi kami ng bahay at naabutan namin si Leslie na nakasalampak ulit parang 'yong posisyon niya ngayon. Pagkapasok na pagkapasok ni Samantha sa loob, sinalubong agad siya ng mga kilay ni Leslie. Daig pa ng isang ito ang nanay eh. Actually, daig pa niya si Tita Jen sa pag-uusisa sa akin.

All throughout the visit, si Leslie lang ang nakausap ni Samantha. Kung ano anong tanong ang tinanong. Simula sa inulam ni Samantha noong agahan hanggang sa kulay ng underwear niya. 'Yong totoo? Ganoon ba 'yong sinasabi nilang girl talk? Paano kasi, kapag lalapitan ko si Samantha, tinataboy naman ako ni Leslie. Akala ko pa naman makakadamoves na ako kay Samantha. Mukhang si Leslie ang nakadamoves eh. Kung lalaki siguro si Leslie, nasakal ko na siya. Buti na lang at babae ang isang 'to. Wala akong kaagaw. Pero nakakapagselos ng kaunti.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon