SANDRO
Monday morning. Sabay na kaming pumasok ni Leslie ngayon. Buti naman. Akala ko kasi eh pagtataguan niya ulit ako eh. Medyo maaga rin kami ngayon. Ewan, nasanay na siguro kami dahil nga doon sa two days na pagtataguan namin ni Leslie.
Dumiretso na kami sa bahay nina Jamie upang sunduin naman ang prinsesa. Pinagbuksan kami ng pinto ni Tita Janine. Nagulat pa nga siya eh. Maaga nga kasi kami ngayon. Umupo na lang kami sa couch. Napaangat naman ang tingin ni Tito Jimmy sa amin mula sa newspaper na binabasa niya. Uminom siya noon ng kape at saktong pag-angat ng tingin niya ay kami ang nakita niya.
“Oh Sandro, Leslie, ang aga ninyo yata ngayon? Nagbibihis pa ang prinsesa eh,” sabi ni Tito Jimmy sa amin. Ngumiti lang ako.
“Okay lang Tito. Maaga pa naman po eh,” sagot ni Leslie. Ngumiti si Tito Jimmy sa kanya.
“Sweetie, akyatin mo na nga si Jamie sa taas, sabihin mo andito na sina Leslie,” sabi ni Tito Jimmy kay Tita Janine. Tumango lang ang huli at inakyat si Jamie. Napailing na lang kami ni Leslie. Hindi naman kami nagmamadali. Maya-maya nga lang ay nasa baba na si Jamie, hindi pa ayos ang necktie niya.
“Ang aga ninyo naman ngayon. Excited lang pumasok?” bungad niya sa amin. Ayon na naman 'yong ngiti niya oh. Pamatay. Shit.
“Oh, mukhang nagkahanapan na kayo ah. Ayos 'yan,” dagdag pa niya nang hindi kami sumagot. Ang ibig niyang sabihin ay 'yong taguan nga namin ni Leslie last week. Ang loko rin nitong si Jamie eh. Hindi naman alam ni Leslie kung ano 'yong pinagsasasabi niya dahil sa amin lang naman 'yong dalawa. Ayan tuloy, nakakunot ang noo ng bubwit. Tumawa lang kami ni Jamie.
Inayos niya lang 'yong necktie niya tapos ay nagpabango. Kinuha na niya 'yong bag niya at pinabitbit sa akin. Binitbit ko naman. Humalik lang siya sa pisngi ng parents niya at nagpaalam na rin pagkatapos. Nagpaalam na rin kami at lumabas na.
Tahimik na nag-drive lang ako papuntang school. Napagkasunduan na namin ni Leslie na 'wag nang banggitin 'yong insecure issue kay Jamie kahit pabiro pa 'yon. Iba pa rin eh. Baka kasi mag-iba 'yong reaksyon ni Jamie kung sakali. Kaya amin na lang 'yon.
Nang makarating kami sa school ay agad na pinabitbit ng dalawang magagaling na babae ang mga bag nila sa akin. Ang nangyari, may backpack ako tapos may dalawang bag na nakasabit sa magkabilang balikat ko. Ang saya 'no? Mukha akong nagbebenta ng bag ngayon.
Una kaming nagtungo sa Arts and Sciences building para ihatid ang bubwit sa first class niya. Ngumiti lang siya sa amin at kinuha ang bag sa balikat ko. Phew. Nabawasan ang pasanin ko. Napansin niya 'yong expression sa mukha ko kaya lalo pa niya ako tinawanan. Mapang-asar na bubwit.
Nang kaming dalawa na lang ni Jamie ang magkasama ay bigla namang tumahimik. Kapag kasama namin si Leslie, ang ingay... nila. Kwento sila ng kwento eh. Ako naman ay nagsisilbing tagabitbit lang ng mga bag nila.
“Ako na nga diyan. Nakakaawa ka naman eh,” sabi ni Jamie kapagkuwan. Napatingin ako sa kanya at 'yong mukha niya, parang nagpipigil lang ng tawa. Isa pa 'to, mapang-asar. Kaya hindi dapat sila pinagsasama ng bubwit na 'yon eh.
“Malapit na tayo, ngayon mo pa naisipan 'yan?” kunwari ay naaasar na sagot ko sa kanya. Tumawa naman siya lalo. May tumitingin na sa aming mga estudyante. Mga usisero talaga kahit kailan.
“Eh ngayon lang ako nakonsensiya eh. Nag-o-offer na nga ng tulong ayaw mo pa.”
“Hindi. Okay lang ako. Ang gaan lang naman ng bag ninyo ng bubwit na 'yon eh,” diniinan ko pa ang pagkakasabi noong “gaan”. Sa totoo lang, bigat na bigat ako sa mga bag nila.

BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
JugendliteraturBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter