SANDRO
Is it wrong for me to feel something like this towards Leslie?
Is it wrong if I want to keep her to myself? Upang alagaan, intindihin, at mahalin? I know I've been there for her ever since the beginning. When my mom and my dad left me, Leslie has been my home. Siyempre, counted na rin si Tita Jen at Tito Gio doon.
Is it wrong if I only realized it just now?
Am I really too late?
Siguro, tama talaga 'yong kasabihan. 'You'll never know the real worth of something until it's gone.' At sa kaso nga ni Leslie, kung kailan may iba na siyang mahal, tsaka tsaka ko marerealize na siya pala itong mahal ko. Na siya pala itong matagal ko nang hinahanap. Na siya pala itong magbibigay ng tunay na kaligayahan sa akin. I was just blinded by our label. Masama nga namang tingnan. We are living under the same roof. Natural na magkakadevelopan. Pero sa kaso ko, mukhang ako lang itong nadevelop.
I admit, natauhan lang ako when we had our first kiss. Ganoon naman minsan eh, marerealize mong mahal mo pala ang isang tao kapag nahalikan mo na siya. I don't know. Maybe because a kiss is simply magical. It awakens every senses in your body. No matter how quick or long a kiss is, it's still a kiss. And it is truly magical.
Kagaya na lang nang magdampi ang mga labi namin ni Leslie. Akala ko wala lang. Akala ko wala akong mararamdaman kundi pangangailangang gawin 'yon dahil iyon ang idinidikta ng play. Akala ko ay mararamdaman kong para lang akong humahalik sa isang nakababatang kaibigan. I even thought it would just be a plain kiss but it turned otherwise. It was superb. No amount of words could exactly describe what I felt when our lips collided. It's simply breathtaking. It's beautiful... just like Leslie.
After the kiss incident at the rehearsals, I woke up the next day feeling extraordinary and giddy and whatever cheerful feeling there is. Pumasok ako sa kwarto ng bubwit upang gisingin siya. Alam ko naman kasing hindi pa 'yon gising. Ewan ko rin sa isang 'yon, hindi tinatablan ng alarm clock eh. Mabuti na lang pala at nandito ako, handa akong gisingin siya for the rest of our lives. Naks. Kumekeso yata ako?
See how magical a kiss is? It can transform any individual into something their not.
When I opened the door to her room, natigilan ako nang makita kong gising na siya. Nakaupo siya sa may dulo ng kama niya at half-closed pa ang mga mata. Gulong gulo ang buhok niya at medyo gusot din ang pantulog niya. Naiiling na half-amused na nilapitan ko na siya.
Pinitik ko ang ilong niya, a gesture that has been a habit to me, upang kunin ang natutulog pang atensyon niya.
“Psst!” sabi ko matapos kong pitikin ang ilong niya. Nanlaki ang half-closed na mga mata niya at bumaling iyon sa mukha ko. Biglang nagsalubong ang mga kilay niya ngunit hindi siya nagsalita. Aish. Problema ng bubwit na ito? Wala sa mood? Baka may dalaw? Naku. Mahirap 'to.
She was still staring at me but there's something wrong. It's like she's looking past me. I eyed her quizzically for a couple of minutes. Nakita kong napapikit siya. Hmm. What is this bubwit thinking early this morning? Huh.
At dagdagan mo pang bumuntong hininga siya habang lampasan ang tingin sa buong pagkatao ko. Wow, para na akong multo nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, pinitik ko na ulit ang ilong niya. Sana this time, makuha ko na ang atensyon niya.
I felt it, bubulyawan na niya dapat ako dahil sa pagpitik ko sa ilong niya but I saw her held herself up. Was it because of my smile? Naka naman. I know, pamatay talaga ang ngiti ko. I'd like to think na nahuli ko siya sa mga ngiti ko. Pero mukhang imposible 'yon. Deads na deads na siya sa ngiti ng ibang lalaki.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Teen FictionBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter