Chapter 36

8.3K 113 39
                                    

LESLIE

This is the moment I've been waiting for... my whole life.

When I felt his lips touched mine, kusang sumuko ang puso ko. Kahit sabihin kong nakamove on na ako sa kanya, ang katotohanan noon, hindi pa pala. Dahil sa simpleng pagdampi ng labi niya sa labi ko, agad siyang kinilala ng puso ko.

Siya lang ang mahal ko.

Wala ng iba pa.

Siya. Si Kuya Ace Sandro Salvacion.

Kusa akong napapikit nang maglapat ang mga labi namin. Kusa ring umagos ang mga luha sa mata ko. I can't suppress my feelings anymore. Andito na eh. Ito na 'yong pagkakataon. Pero peste. Mali 'to. Nasa rehearsals kami. Hindi dapat ako nagpapaapekto.

Pero ano 'yong kaninang umaga sa bahay?

** 

Kagigising ko lang. Saktong paglabas ko ng kwarto ko, siya ang nabungaran ko. Kinukusot ko pa ang mga mata ko nang mapansin kong natigilan siya sa harap ko. Agad akong umayos ng tindig ko at pinagmasdan siya. Naninigas siya. At hindi ko rin naiwasang pansinin ang tipid na pagsuyod niya sa kabuuan ko. Nag-init naman ang mga pisngi ko when his stare lingered sa may bandang unahan ko. At dahil sobrang naiilang na talaga ako sa pagtitig niya sa katawan ko, tumikhim ako. Napakurap siya at umangat ang tingin sa mukha ko. 'Yan tama 'yan. 'Wag mong pagpiyestahan ang katawan ko Kuya Sandro. Umagang umaga eh.

Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapangiti sa hitsura niya. Mukha siyang batang nahuling nangungupit sa magulang niya eh. Ang cute cute lang ni Kuya Sandro. Mukhang bumabalik ang nararamdaman ko sa kanyang isiniksik ko na sa kasulok sulukang bahagi ng hypothalamus ko.

Tumikhim siya at umayos ng tayo.

Oh. Bubwit,” bati niya sa akin sabay pitik sa ilong ko at paggulo sa magulo ko na ngang buhok. Bakit pakiramdam ko endearment niya sa akin 'yong bubwit na 'yon? Nababaliw na ba ako?

Aish,” agad kong iniiwas ang ulo ko nang guluhin niya ang buhok ko. Umagang umaga, nambubwisit na naman siya. Pero weird, hindi ako gaanong nabubwisit sa kanya ngayon. Slight lang.

Ngumiti siya ng malawak nang gawin ko 'yon. Alam ko naman eh, naliligayahan siyang nabubwisit niya ako. Wala siyang ibang alam gawin kundi bwisitin ang araw ko. Nakakainis nga eh, 'yon na nga lang ang kaya niyang gawin pero nagawa pa siyang mahalin ng puso ko. Iba na talaga 'to.

Good morning bubwit!” all smiles na bati pa niya sa akin. Ligayang ligaya lang? Ah, nasilaw pa nga yata ako sa morning teeth niya. Kumikislap eh. Parang kutitap. Teka, ano 'yong kutitap? Napapraning na ako. And yes, may morning teeth. Meron din kasing afternoon at evening teeth. 'Wag ka nang matanong ha! Pauso ko lang 'yon.

Morning,” tipid na sagot ko lang sa kanya. Hindi naman sa walang gana, pero ayoko lang magpakahyper sa harap ni Kuya Sandro ngayon. Baka umaga pa lang, drained na ang energy ko. 'Wag gano'n. Magkikita pa kami ni Denver eh.

Speaking of that guy... napangiti na lang ako ng kusa. Praning!

Buti na lang hindi 'yon napansin ni Kuya Sandro. Dahil kung nagkataon, katakot takot na pang-aasar na naman ang mapapala ko sa kanya. Magaling!

Smile ka na. Baba na tayo,” Nagmake a face na lang ako bago siya unahan sa pagbaba. Nagugutom na ako. Makita ko pa lang si Kuya Sandro ay nagugutom na ako eh.

Dumiretso ako sa kitchen at naabutan ko pa si mommy sa harap ng stove, busy preparing our breakfast. Agad akong sumalampak sa isa sa mga upuan doon. Nakita ko pang natigilan si Kuya Sandro na waring pinapanood ako. Nang makaupo na siya sa upuan sa tapat ko, tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon