SPECIAL CHAPTER: DENVER
Sabihin ninyo nga sa akin ngayon...
MAY KARAPATAN BA AKONG MASAKTAN AT MAGALIT?
'Yong babaeng pinapangarap ko at mahal na mahal ko, hinahalikan ngayon ng lalaking itinuturing kong pinakamatalik na kaibigan sa mundo.
'Yong babaeng 'yon, nililigawan ko ngayon.
MAY KARAPATAN AKO DIBA?
Tao lang din naman ako. May pakiramdam. Hindi ako perpekto. Nasasaktan din naman ako. Nagagalit din ako. At ngayon nga, sobrang galit at nasasaktan ako. Pinaghalong sensasyon. Pakiramdam ko ay kinakain na ako nitong nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay papatayin ako nitong eksena sa harap ko ngayon.
Ramdam na ramdam ko ang pagtitig nina Miguel at Charlie sa akin ngayon. Hindi ko sila pinansin. Ayokong makita nilang nasasaktan ako ngayon. Ayokong kaawaan nila ako. Ayoko. Alam na alam nilang si Leslie ang kahinaan ko. Masaktan man ako, basta para kay Leslie, okay lang. Ilang taon ba ang hinintay ko bago ako makapagtapat sa bubwit na 'yon? High school pa lang kami gusto ko na siya. Kaso, masyado pa siyang bata. Kaya nagkasya na lang muna ako sa pagtingin tingin sa kanya at pag-asar asar na rin. Alam kong walang patutunguhan ang pang-aasar ko sa kanya dahil alam kong galit na galit siya sa akin noon.
Hindi ko na namalayang kinuyom ko na pala ang mga kamao ko sa sobrang pagpipigil ng galit. My lips formed a thin line as well. Mukhang sarap na sarap 'yong dalawa sa unahan namin sa halikan nila. Napapikit ako. Hindi ko na kayang tingnan. Tumayo na ako at dumiretso sa pintuan ng walang lingon lingon. Binalibag ko ang pinto sa pag-alis ko. Magulantang man sila sa loob, wala na akong pakialam. Kailangan ko lang makaalis sa pesteng Music Hall na 'yon.
Nasa hallway na ako nang marinig ko ang boses niya.
“Denver!”
Shit. 'Wag kang lilingon Denver. 'Wag. You have to get out of there. Bilisan mo ng lakad. Hindi ka rin niyan maaabutan.
So I did. Binilisan ko ang lakad ko at ininda ang boses niyang parang nagmamakaawa. Talo ako kapag nilingon ko siya dahil oras na lingunin ko siya, alam kong mawawala lahat ng galit at sakit sa puso ko. Isang tingin lang sa mukha niya, lalambot ako agad. Gano'n ko siya kamahal eh. Paulit ulit man niya akong saktan, ayos lang.
“Denver! Wait up!” pagsigaw niyang muli sa pangalan ko. Still, nagbingi bingihan pa rin ako. Nandito na kami sa parking lot at malapit na ako sa kotse ko. Narinig ko pa ang parang pagkakatapilok niya pero pinigilan ko ang sarili kong tulungan siya. Kaya naman niyang tumayo mag-isa. Hindi niya naman ako kailangan.
Narinig ko rin ang mahinang pagmumura niya dahil nga sa pagkakatapilok niya. Ilang kotse na lang ang lalampasan ko at makikita ko na 'yong kotse ko nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa braso ko. Pinipilit niya akong paharapin sa kanya pero hindi ko ginawa. Kaya siya na lang itong humarap sa akin.
Nakatungo lang ako.
“Denver,” she spoke my name softer this time. Parang maiiyak siya o naaawa o kung anuman doon sa boses niyang 'yon.
I tried the hardest to look away but damn! Hindi ko napigilan ang sarili ko. Napaangat ako ng tingin at nagsalubong agad ang mga titig naming dalawa. Napalunok ako at bigla na lang pumatak ang luha sa mga mata ko. Peste! Ang gay nito. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Ayokong nakikita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahal na mahal ko siya. Dahil alam kong hindi naman ganoon ang nararamdaman niya para sa akin.
Takte kasi eh. 'Yong mukha niya? Kitang kitang awang awa siya sa akin. Kitang kita ring na-g-guilty siya sa ginawa niya kanina. Parang nabisto siya sa kung anuman, ganoon ang ipinapakita ng mukha niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Ficção AdolescenteBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter