LESLIE
I love you, too, Denver.
“Psst!” Napaiktad ako sa pagkakaupo ko nang may pumitik sa ilong ko. Salubong ang kilay na tiningnan ko ang lapastangang gumawa noon sa akin. Si Kuya Sandro. Well, sino pa nga ba, hindi ba? Siya lang naman itong bukod-tanging gumagawa nito sa akin. Well, hindi pala. Maging si Denver ay ginagawa rin 'to sa akin.
Napapikit ako nang mariin at the thought of his name.
Isang linggo na matapos 'yong parking lot incident namin. At sa loob ng isang linggong iyon, ni anit niya ay hindi ko pa nakikita. Hindi ko alam kung sadyang iniiwasan niya ako o iniiwasan lang talaga pero mukhang napakaimposible namang hindi ko siya makita, diba? I mean, kaibigan siya ni Kuya Sandro. Dapat lang na magkasama sila. Not unless itinakwil na nila ang isa't isa dahil sa nangyari. That would be so bad. Na-g-guilty ako ng sobra.
Gusto ko siyang kausapin ulit. Gusto ko siyang makita. Even just for a couple of minutes, okay na 'ko roon. Basta makita ko lang siya. Gusto ko siyang yakapin, at hagkan. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko rin siya kamahal. Gusto kong sabihing sana ay kami na lang. Na bumalik siya sa akin. That he doesn't need to let me go because I love him, too.
Ang dami kong gustong gawin pero hanggang doon na lang 'yon.
God. Miss na miss ko na si Denver.
Sa loob ng isang linggong 'yon, back to zero ako. I mean, back to the start. Si Kuya Sandro ulit ang naghahatid sundo sa akin sa school. Siya palagi ang kasama ko. I couldn't complain to that. Pero kung dati, sobrang tuwang tuwa akong kasama siya, ngayon, parang may kulang.
Aaminin ko, tuwing umaga, nag-aasam pa rin akong makakarinig ako ng busina sa labas. Nag-aasam pa rin akong siya ang bubungaran ko paglabas ko ng bahay namin. Nag-aasam pa rin akong makikita ko ang glowing smile niya pagkapasok ko sa kotse niya. Nag-aasam pa rin akong holding hands kami habang hinahatid niya ako sa department namin. Nag-aasam akong mahahalikan ko ulit siya sa pisngi niya at makikita ko ang pag-b-blush niya. Nag-aasam pa rin akong makakasabay ko siya sa lunch. Nag-aasam ako...
Ang dami kong inaasam na sana ay mangyayari with him.
Napabuntong hininga na lang ako sa itinakbo ng isip ko. Sobrang frustrated na ako. We were already getting there, right? Pero bakit kung kailan akala ko malapit na, bigla namang mauudlot?
Pero kasalanan ko bang gano'n 'yong eksena sa play? He could've been more understanding about that, right? After all, he's the man of wisdom. Pero bakit gano'n siya? Sa tingin ba niya ginusto kong saktan siya? Diba hindi naman.
I never wanted to hurt him pero doon pa rin ang bottomline. I hurt him unintentionally.
Nagising ang aking diwang naglalakbay sa Denverland nang pitikin ulit ako sa ilong ni Kuya Sandro. Handa na talaga akong bulyawan siya nang matigilan ako sa ngiti niya. There's something about his smile na pumipigil sa aking magalit sa kanya. Kahit sobrang salbahe siya.
Could it be possible na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon?
Ay, ano 'to? Dalawa ang mahal ko? Para akong si Tessa ng The Infernal Devices? Mahal niya si Will and at the same time, si Jem? And in my case, mahal ko si Kuya Sandro and at the same time si Denver? Posible ba 'yon? Kung posible 'yon, I don't want to entertain such thoughts dahil kung magkagayon, hindi lang ako ang masasaktan, maging sila.
Hay, life. Why do you always tend to get so complicated kung kailan nagiging okay na ang lahat? Nananadya ka ba?
Bumaling ulit ako kay Kuya Sandro at busangot ang hitsura ko. Nakangisi siya sa akin. Alam ko na 'yan eh. Alam kong ligayang ligaya na naman siyang nabubwisit niya ako. Parang hindi na kumpleto ang araw niyang hindi niya ako nabubwisit. Anthem na niya ang bwisitin ako. O diba? Hindi ba obvious? Eh halos mapuno na ng pambubwisit ang paragraph na 'to.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Fiksi RemajaBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter