LESLIE
I don't know when it started basta ang alam ko paggising ko isang umaga, mahal ko na si Kuya Sandro. Kung dati inis na inis ako kapag pinipitik niya ang ilong ko, ngayon, namumula na lang ako sa pagpipigil ko ng kilig ko. I know I shouldn't be feeling this way dahil kahit hindi kami blood-related, itinuturing na talaga siyang anak nina mom and dad, which, may I add, is so frustrating and irritating as well. Ayan tuloy, kailangan ko pang itago 'tong nararamdaman ko para kay Kuya.
At tsaka alam kong once na malaman 'yon ni Kuya ay pagtatawanan niya lang ako. He might disregard my feelings for him. Kasi para sa kanya, isa lang akong nakakainis na bubwit. Pinupush niya pa ako lalo kay Kuya Denver. Like duh. I know Kuya Denver is a good boy pero wala eh. Hindi ko talaga maatim na magustuhan siya.
At may isa pang dahilan... Kakadiscover ko lang kanina. May mahal na si Kuya Sandro. Pinsan pa niya. Ang saya 'no? Sarap isupalpal sa mukha niya 'yong papel na may nakasulat na INCEST. Pero baka naman mali lang ako ng interpretation. Baka naman nagagandahan lang si Kuya Sandro kay Ate Jamie. Maganda naman talaga si ate eh. Naiinsecure tuloy ako ng bahagya.
But nonetheless, nag-iba ang mood ko nang makita ko silang dalawa. Umiwas na lang ako ng daan para hindi ako makita ni Kuya Sandro na ngayon ay mag-isa na lang na nakaupo sa bench. At kung minamalas nga naman ako, nakita pa rin ako ni kuya eh. Peste. He motioned for me to sit beside him. Nag-aalangan pa ako kung susundin ko ba siya o hindi. In the end, nanaig ang kagustuhan kong makatabi siya.
Nang makaupo na ako ay ginulo naman niya agad ang buhok ko.
“Musta?”
Eto, minamahal ka ng palihim.
Nginitian ko lang siya at tsaka tumingin ng diretso.
“If you meant my lunch with Kuya Denver, well, it turned out well. Akalain mo 'yon?” simpleng sagot ko sa kanya. Sinilip ko siya at nakita kong nakataas ang isang kilay niya. Ang bakla talaga.
“Really?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Alam naman kasi niyang ang init ng dugo ko kay Kuya Denver eh. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit. Basta ganoon ang nararamdaman ko para sa kanya eh. Kawawa naman si Kuya Denver. Napagdiskitahan ko pa.
“Yup!” masiglang sagot ko pa sa kanya. Gusto kong ipakitang hindi ako affected sa nakita ko kanina. Na wala lang 'yon. After all, hindi naman niya alam na nasaktan ako ng bahagya diba?
“Good. That's good,” tumatango tangong sabi pa niya. See? Pinupush niya talaga ako kay Kuya Denver. Nakakalungkot naman.
“Kasabwat ka nina Kuya Denver ano? Nakakainis kayo alam ninyo 'yon?”
Umakto siyang parang walang alam sa nangyayari. Bwisit. Kabisado ko na 'yan eh. Kabaligtaran niyan ang totoong nangyari. Nakakaasar.
“Oy, hindi ah! W-wala akong alam! Teka nga, bakit mo ba kinukuya 'yon eh magiging future husband mo naman 'yon?”
Ouch naman. Sige kuya, push mo 'yan. Tatalbog naman ako pabalik sa'yo.
“Grabe. Future husband agad? Hindi ba pwedeng boyfriend muna?”
Hindi siya sumagot matapos kong sabihin 'yon. Napatingin naman ako sa kanya and I regret that I did that. Paano, nakakaloko 'yong tingin niya eh.
“Gotcha! Di inamin mo na ring gusto mo si Denver. Hmm, magandang balita 'to. Sasabihin ko pala 'to kay Denver mamaya.”
Sabi sa inyo'y. Nakakaasar talaga si Kuya Sandro paminsan minsan.
“Duh,” Sabi ko na lang dahil medyo naiirita na ako. Ang dense masyado ni Kuya Sandro eh. Bahala na siya kung anong gusto niyang isipin. Wala na akong pakialam. Basta ba 'wag lang niyang mahalata 'yong nararamdaman ko sa kanya. Magkakamatayan muna kami.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Teen FictionBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter