LESLIE
Gulong gulo na ang utak ko sa mga pangyayari.
I can't think straight. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko. Why did I kiss Kuya Sandro back? Oh my God! For Pete's sake! Nakamove on na ako sa kanya, hindi ba? Hindi ba? Sabihin ninyo sa'king oo! Dahil alam kong si Denver na ang mahal ko. At iniwan niya ako! At ngayong malungkot ako, tsaka naman papasok ulit si Kuya Sandro sa puso ko. 'Yung totoo, ano bang gusto niyang iparating? Nananadya ba siya? Bakit ngayon pa, hindi ba? Bakit ngayong kung kailan wala na akong nararamdaman sa kanya? Bakit ngayon pa niya sasabihin ang lahat ng ito?
Wala na ba talaga akong nararamdaman sa kanya?
Napapikit ako sa sobrang frustration. Ugh! Hindi. Wala 'to. Shit! Hindi ko alam! But when we kissed last night, kumabog ng sobra ang dibdib ko. Parang isang batalyon ng kabayo ang nag-uunahang tumakbo. Panandalian kong nalimutan ang nararamdaman ko para kay Denver. Wala akong ibang naisip noon kundi ang mga labi at halik ni Kuya Sandro. Kung gaano siya kaingat sa akin. Maliit at maingat pero mapusok at maalab din at the same time ang mga halik niya. Nakakatuliro. Walang wala 'yung tatlong segundong halik na iginawad ni Denver sa akin nang huli ko siyang nakita. Everything else paled in comparison to Kuya Sandro. Posible nga kaya? After all this time, sa kanya pa rin ang bagsak ko? Mahal ko pa rin ba siya hanggang ngayon? Pero... paano si Denver?
Mahal niya ako. Mahal ko rin siya. We need closure. Pero umalis siya at iniwan ako. He didn't let me explain. Anong gagawin ko?
Tama si Kuya Sandro. This is wrong. May masasaktan kami. Si Denver. At alam kong hindi lang 'yun ang mangyayari. Masisira rin ang pagkakaibigan nila. Pero anong sabi niya kahapon?
“Kahit mali, sisige ako. Ipaglalaban ko ito. Even if it means I have to end my friendship with Denver. Ipaglalaban kita.”
Homay! This can't be happening! Ayoko. Hindi ito maaari! Ayokong magkaganoon! Alam kong hindi lang sila ang magkakasira if ever. Alam kong maaapektuhan maging si Kuya Charlie at Kuya Miguel. At kung magkagayon, maging si Ate Jamie at Kuya Charlie ay magkakasira rin. Sa pagkakaalam ko nga, may problema rin sila ngayon eh. Ayoko nang dagdagan.
HAY LIFE! Why are you so complicated?
Napalundag ako nang makarinig ako ng marahang pagkatok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Napatitig lang ako roon habang hinihintay na bumukas iyon. Makaraan nga ang ilang segundo ay iniluwa noon si Kuya Sandro, ang lalaking kanina pa lang pagkagising ko ay laman na ng butihing utak ko... maging ng puso ko, yata.
Tumitig lang ako sa kanya habang unti unti siyang lumapit sa akin. Nang nasa tapat ko na siya ay um-squat siya at tinitigan ako. He patted my head at bahagyang ngumiti. Shit! Feeling ko matutunaw na ako sa ginagawa niya. Umagang umaga! Bwisit talaga kahit kailan ang Sandrong 'to!
“Good morning bubwit! Bumaba ka na. Kakain na raw,” tumayo siya at namulsa matapos niya 'yong sabihin sa akin. Nakatitig pa rin siya sa akin. Wari ko'y hinihintay niya akong tumayo para sabay na kaming umalis ng kwarto ko.
“Erm, sige. Mauna ka na, K-kuya. Mag-aayos lang ako ng sarili ko,” wala sa sariling sabi ko sa kanya sabay punta sa CR sa kwarto ko. Dahil sa sobrang pagkatuliro ay nabunggo pa ang ulo ko doon sa hamba dahilan para mapaimpit ako. Shit! Umagang umaga tatanga tanga ka na naman Leslie! Umayos ka nga. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakangisi siya habang umiiling pa. Tinalikuran ko na lang ulit siya at pumasok na talaga sa CR.
Pagkapasok ko roon ay maingat kong sinara ang pinto at sumandal doon. Napahawak ako sa dibdib ko.
“Shit. Malala na 'to,” pagkausap ko sa sarili ko habang pinakakalma ang nabulabog kong sistema.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Teen FictionBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter