SANDRO
Tahimik ang bahay ngayon. Nasa bakasyon kasi sina Tita Jen at Tito Gio eh. Parang bagets talaga ang mga 'yon. Ang lalandi pa rin kasi eh. Napapangiti na lang ako sa tuwing nakikita kong ang sweet sweet pa rin nila. Kahit gurang na sila. Pero siyempre, biro ko lang ‘yong gurang na sila.
Alam kong paulit ulit na ako pero may parte pa rin sa akin ang nasasaktan tuwing nakikita silang ganoon. Alam kong hindi naman nila kasalanang masyado lang nilang mahal ang isa't isa. Hindi ko rin alam eh. Sinusubukan ko namang 'wag maging bitter pero nag-f-fail talaga ako.
Namimiss ko lang talaga sina mom and dad.
Medyo na-g-guilty na rin ako sa kinikilos ko. Hindi na masyadong nagiging sweet sina Tita at Tito sa bahay dahil nga makikita ko. Kailangan pa talaga nilang mag-out of town para lang maging sweet sa isa't isa. Ang labo ko talaga. Ang bait bait nina Tita at Tito sa akin tapos heto ako, bitter lang sa buhay ko.
Wala nga siguro talaga akong kwentang tao.
Aminado akong nagalit ako sa sinabi ni Leslie kahapon. Hindi niya alam eh. Tapos ganoon siya kung makapagsalita sa akin. Na parang alam niya ang lahat tungkol sa nakaraan ko. Pero aminado rin akong mali akong nagalit ako sa kanya. Pero nagiging sensitive lang talaga ako kapag tungkol kina mom and dad ang pinag-uusapan eh. Masakit kasi eh.
Mag-s-sorry ako kay Leslie. She's my little sister kahit hindi biologically kaya dapat iniintindi ko siya. May pagka-brat kasi ang batang 'yon. Only child kasi eh, tapos girl pa. Sunod sa luho, ayon.
Aminado rin akong masakit magsalita si Leslie. Pero totoong tao siya. Sinasabi lang niya kung anong nararamdaman at naiisip niya. Ako itong mas matanda kaya dapat inintindi ko na lang siya at hindi na nakipagtaasan pa ng boses sa kanya. Alam kong nakakahiya rin ang inasal ko sa harap ng hapagkainan. Kahit pa naiintindihan nina Tita ang sitwasyon ko, mali pa ring nagalit ako sa anak nila. Hindi na ako nahiya. Baka maisip pa nilang wala akong utang na loob sa kanila.
Nag-unat unat lang ako sa kama ko at nagpakawala na rin ng mahabang hikab. Bumaba na ako ng kama at dumiretso sa banyo ng silid ko. Nagmumog na lang ako at inayos ang sarili ko. Bumaba na rin ako pagkatapos noon. Napatigil ako sa pagbaba nang maabutan ko si Leslie sa dulo ng hagdanan. Nakatitig siya sa akin. Dahan dahan naman akong bumaba at nilapitan siya.
Ilang segundo rin siyang nakatitig lang sa akin. Maya maya pa ay in-extend niya ang dalawang kamay niya sa harap kong parang may iniaabot na kung ano. Tinapat ko naman ang palad ko sa magkadaup na mga kamay niya at lumaglag doon ang isang maliit na bagay.
Dali daling tumakbo si Leslie papuntang kitchen kaya hindi na ako nakapagsalita.
Anyare sa batang 'yon?
Napailing na lang ako at tinitigan ang maliit na bagay na nasa palad ko ngayon. Napangiti ako ng malapad sa nakita ko.
Pick iyon ng gitara na ang design ay mukha ng idol/crush/love of my life na si Hayley Williams ng bandang Paramore.
Kahit hindi na ako tumutugtog ng gitara o kahit na ano pang instrumento, nag-c-collect pa rin ako ng mga ganito. Wala lang. Basta anything related sa music talaga, kinokolekta ko. Kadikit na yata ng pusod ko ang musika eh. Kahit anong pag-iwas ko, iyon na mismo ang lumalapit at nilalambing ako.
Alam ninyo naman na ang dahilan kung bakit tumigil na ako sa pagtugtog diba? Kasi, parte rin ng past ko ang musika. Actually, 'yon ang buhay ko. I fell in love with music because of my parents. Tanda ko, noong baby pa ako, palagi akong may naririnig na pag-hum o pagtugtog ng piano eh. It lures me to sleep. 'Yon ang gamit ng parents ko para makatulog ako. Tinutugtugan ako ni mom ng lullaby.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Teen FictionBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter